mnj ch25.a

61.8K 347 33
                                    

dave's

BLAG!

"Hoy Dave!! Ano ba'ng problema mo ha??!! Muntik na akong tamaan nung pinto a!! Nakakabwisit ka na talaga!!"

Pulang pula ung mukha nya habang sinisigawan ako. Malamang dahil sa galit. Pinagsaraduhan ko kasi ng pinto kahit na alam ko na kasunod ko sya. Tapos nilakasan ko pa ung pagsara. Muntik na atang tamaan ng pinto.

Nakakatawa ung itsura nya. Pero pinigilan ko ung sarili ko na tumawa. Naiinis pa rin kasi ako sakanya e.

Bakit?

Wala lang. Gusto ko lang mainis ngayong araw na to at sya ang napagbuntungan ko ng inis ko.

Tsss.. Bigla bigla na lang kasi nawawala. Akala ko kasunod ko pa sya kanina. Paglingon ko, wala na pala. Nakakabadtrip lang talaga. Napagod ako kakahanap sakanya. Akala ko naligaw na. O kaya hinabol ng aso. O nalaglag sa kanal. Yun pala nakipagdate lang kay Emman.

Tsssss..

"Hoy Dave! Sagutin mo kaya ako noh!! Kanina pa ako inis na inis sa'yo!!"

"Ano namang pakialam ko kung naiinis ka?!"

Lalong namula yung mukha nya. Napikon na ata sakin..

"Ahhhhhhhhhhhhrrrrrrfrrttggggggg... NAKAKAINIS KA NA TALAGA DAVE!!!" sigaw nya tapos umupo sa kama ko.

Pansin ko lang, napapadalas ata pag upo nya sa kama ko. May couch naman dito sa kwarto ko pero lagi syang umuupo sa kama ko.

"Umalis ka dyan sa kama ko."

"At bakit??!" tanong nya na pasigaw ulit.

"Basta umalis ka dyan. Kama ko yan!"

"Wow grabe Dave. How mature..." she said sarcastically habang nakataas ung isa nyang kilay. Ang ganda nya pala kapag mukha syang mataray. Ang ganda ng mata nya kapag ganitong ang tapang ng dating. Ung kilay nya, maganda din. Tapos ung mga labi nya----

Shit!

Ano ba naman tong mga pinag iisip ko?!!

Shit talaga!

+++++++++++++++++++++

julianne's

Ang weird ha. Nagpapatawa ba sya?? Pati kama nya pinagdadamot nya sakin! Parang nakikiupo lang ee.

"I said get out of my bed now!!"

Aba!! Namumuro na talaga tong lalaking to sakin a!! Iniinis nya talaga ako!!

"Ayaw!!"

Instead na sundin ko sya, humiga pa ako sa kama nya para lalo syang inisin.

Effective! Lalo nga syang napikon. Nakakatawa kasi ung kilay nya, magkasalubong na talaga. Tapos ung mata nanlilisik na.

Pero ang gwapo pa rin nya. Ung mata nya parang tinutunaw ako. Ung makakapal nyang kilay, bagay na bagay sa mukha nya.

Ang hot nya! Tapos ung lips nya---

HEP HEP!!

Yan ka na naman Julia. Stop it already!

"Ah ayaw mo ha!" tumayo sya at hinawakan nya ung kamay ko at pilit akong hinahatak.

Aba. Papayag ba akong magpatalo?? Syempre hindi!!

Kaya kumapit ako sa gilid ng kama nya at sinipa ko sya papalayo. Pero nakalimutan ko na hawak nya pala ung kamay ko.

Next thing I knew, nakikipagtitigan na ako sakanya. Instead kasi na masipa ko sya papalayo sakin, parang nadulas lang sya kaya eto, he's above me. As in..

I could already feel his warm breath

and also, smell it. And it smell so good and so sweet.

Napatingin ako sa lips nya. Ung lips nyang mamula-mula. Kissable pala talag ung lips nya. Lalo na if ganito kalapit ung view. Unconciously, napakagat ako sa sarili kong labi at napalunok.

========================

Ung 25.b ia upload ko din tonight..

Wait wait lang po..:))

thanks!!

Lablab!ö

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon