mnj ch30.c

56.8K 296 36
                                    

emman's

Bakit ba naisipan ko pang pumunta dito sa mall? Wala naman akong gagawin dito? Wala rin naman akong ka-date. Si Julianne kaya saka si Kuya nasaan ngayon??

TSK! Bakit ko pa nga ba iniisip un? Nasasaktan lang ako. *sigh* Naalala ko na naman tuloy nung nahuli ko sila na naghahalikan. Bakit kasi di nagla-lock ng pinto??

Makapag Tim's World na nga lang.

"WOWWW!! Ang galing mo Lance!! Na-top score mo!"

Parang kilala ko ung boses na un ah. Paglingon ko sa pinanggagalingan ng sigaw, nakita ko ung babaeng nakatapon ng ice cream sakin. Steph ba pangalan nya? Mukang kasama na naman nya ung kaibigan nya.

Tss. Nagpanggap nga pala ako na boyfriend ni Steph. Di nila ako dapat makita.

Papaalis na ako nung makita kong hinawakan ni Steph ung mukha nung lalaki. Sila na ba? Ayos ah. This is interesting.

Tapos sila pa ata ung nanalo na couple of the day. May ganong promo kasi tong Tim's World kapag may special occasion katulad ngayong Valentine's day.

Mayamaya nakita kong niyakap ni Steph ung lalaki. Mukhang sila na nga. Good for them. Bagay naman sila. Well, makauwi na nga.

"Emman??! Steph ung boyfriend mo!"

O_O

Shit! Nakita nila ako. Kunwari na lang kaya hindi ko sila nakita o narinig.

Tsss.. Too late. Nahabol na ako nung lalaki.

"Wait lang pare. Don't get it wrong. Wala kaming ginagawang masama ni Steph!" depensa nung lalaki. Nakakatawa to. Wala pa nga akong sinasabi e. Defensive.

"Huh? Ano ba un?" magmaang maangan na lang ako.

"W-Wala kang nakita?"

"Wala. Kakarating ko lang kasi dito e. Sino ka nga ulit?" eto totoo na. Di ko talaga maalala ung pangalan nya.

"Lance. Kaibigan ako ng girlfriend mo. Si Steph."

"Yeah. Naalala ko na. Nasaan pala sya?"

"Ayun oh." sabi nya sabay turo kay Steph na nasa shooting area. Nakayuko sya. Di nya siguro ineexpect na magkikita pa ulit kami.

"Pare, sabi ni Steph nag away daw kayo. Sana maging okay na kayo. O sya. Alis na ako. Ikaw na'ng bahalang magsabi sakanya. Goodluck pare."

Kami nag away? Tsk. Pagkaalis ni Lance, nilapitan ko si Steph.

"Steph.."

"E-Emman? Sorry ah. Di ko pa kasi nasasabi kay Lance ung totoo ee." sabi nya while looking straight in my eyes. Kitang kita sa mata nya hindi nya talaga gusto ung pagkadamay ko sa problema nya.

"Okay lang un.. "

"Hindi. Sorry talaga." May pagkamakulit ata sya.

Habang walang humpay sa paghingi ng sorry si Steph sakin, may binigay na malaking stuffed toy ung isang staff. Yon daw ung premyo nila sa pagkapanalo nila as couple of the day. Halos kasing laki na ni Steph ung stuffed toy. O mas malaki pa sakanya. Kaya sinabi ko sakanya na ihahatid ko na lang sya. Nung una, ayaw pa nya. Pero napapayag ko din sya.

Habang papunta kami sakanila, ang dami naming napag usapan. Tungkol sakanya karamihan. Mahilig pala sya sa photography. Yun daw ung ultimate hobby nya. May bestfriend daw sya na Julia ang pangalan. Kapangalan pa ata ni Julianne.

Nasa gate na kami ng bahay nila nung may narinig akong tumutunog..

'Waiting for your call i'm sick... Call i'm angry.. Call i'm desparate for your voice..'

"Phone ko un!" sigaw nya. Sabay hanap ng phone nya sa bag nya. Teka. Ganon din ringtone ko e. Kaya kinuha ko din ung cp ko.

"Hello? Yes Tita. Ano ho? Si Julia ho??"

"Ma? Ano? Si Julianne???"

Nagkatinginan kami. Iisang tao lang ba ung tinutukoy namin??

Ano'ng nangyari kay Julianne???

=======================

Ayun. C.H. ba?hihihi..

Comment?

Vote?

Love you all!!

:))

p.s.

Naghahanap pala ako ng pwedeng i-cast as Emman, Lance and Steph.. Any suggestion?ö

my night jobWhere stories live. Discover now