Chapter 31

1.9K 87 25
                                    

Doug:
Cathy may sasabihin ako

Cathy:
Medyo sketchy but go on

Doug:
Makikipagkita ako kay Bella


Biglang natahimik naman si Cathy. Okay na sila ni Doug eh, sobrang okay, in fact she'll go ahead and assume that the feeling is mutual, pero bakit Bella na naman? Anong nangyari? Nagkita ba sila tapos nagreminisce tapos narealize nil ana mahal pa nila isa't isa? Ito na naman ba? Maiiwan na naman ba si Cathy? Talagang bang ngayon pa na gusto na niya si Doug?


Doug:
Why aren't you replying?
Oh my gosh, don't overthink this okay.
I'm meeting her because I want to talk to her, hindi ako makikipagbalikan sa kanya.


For some reason nakahinga nang maluwag si Cathy sabay natatawa kasi alam na alam na ni Doug ang ikot ng utak niya.


Cathy:
Bakit mo siya kakausapin?
Anong meron?

Doug:
I just...
I need closure Cathy


Closure? Pa rin? Bakit naman biglang kailangan niya ng closure? Namiss niya ba si Bella at kailangan niya ng closure na tapos na sila? Ganon ba?


Doug:
Cathy... I told you not to overthink
You're not replying, alam kong kung saan saan naman pumupunta yang utak mo.
I need closure because...
I really wanna focus on us.
I want to start something with you, and I just... at the back of my head I still feel like I owe Bella thousands of apologies, and I don't want to start something with you if I'm not giving it my 100%
So please, don't overthink...
Right now I just really want us to trust each other, that's what I want to build. Trust.
I'm willing to trust you with all my life, Cathy kahit na ikaw talaga ang rason kung bakit one of these days mapupunta na lang ako sa E.R, but... trust me too, that I'm willing to start this with you.

Nakatitig lang si Cathy sa nireply ni Doug, nakangiti habang umiiyak. Umiiyak kasi nararamdaman niya ang sincerity ni Doug, at oo nga, dapat talaga 'TRUST' ang ibuild nila ngayon dahil ang dami nila pinagdaanan and the fact na napaparanoid si Cathy dahil lang maguusap si Bella at Doug means kulang na kulang pa talaga ang 'TRUST' between them.

Hindi niyo naman masisisi si Cathy dahil medyo Malala rin naman ang pinagdaanan niya roon sa dalawa, pero tama si Doug, if they really want to start something new, they have to fully trust each other.



Cathy:
Thank you for telling me. It means a lot.

Doug:
I just don't want you to misunderstand in case makita mo kami, or may makakita sa amin tapos masabi sa'yo
Again, I really want to build that trust between us.

Cathy:
I really do too
Anyway, goodluck with Bella today.
Whatever happens... kung ano mang marealize niyo today, kung ano mang mapagusapan niyo... I'm just here Doug.

Doug:
Thank you.


Sa sinabi ni Cathy napanatag ang loob ni Doug, oo kahit siguro magkasamaan sila ng loob ni Bella ngayong araw siguro makakaya niya kasi at the end of the day, nandito pa rin si Cathy.

With that, dumeretso na si Doug sa coffee shop malapit sa condo ni Bella. Noong makarating siya, nakita niya si Bella na nakaupo sa may tapat ng entrance, habang nakatingin sa phone. Napangiti si Doug, kahit anong gawin niya magaan pa rin talaga ang loob niya kay Bella. She has been his bestfriend his whole life, and this girl knows everything about him... and more.

"Bells." Tawag ni Doug pagkapasok niya sa coffee shop, ngumit nang malaki si Bella tapos narealize niya na 'awkward' nga pala sila so she opted for a small wave.

Soulmates MultiverseWhere stories live. Discover now