Chapter 6

2.9K 165 82
                                    

Sofi:
Cathy! Nasaan ka na?? May lunch tayo today

Cathy:
Wait lang kasi naglalakad na papunta. Hindi ba sabi mo huwag akong tatakbo?

Sofi:
Okay. Me and Elix are here na.

Cathy:
Okay sige
Ay gurlllll
May ichichika ako sa'yo i cannot
Sobrang mabibwiset ka din promise

Sofi:
Si Ava ba 'to?

Cathy:
Hindi. Pero nakakainis din.
Basta may kaklase ako sa Botany na crush ni Aira tapos basta long story medyo nahulog ako sa kanya (literal) tapos nainis siya tapos ayaw niya ako paupuin sa chair tapos pinalabas ako ng prof ko.

Sofi:
WHAT??
Sobrang gulo ng story pero napalabas ka dahil sa kanya?!? Sino ba 'to?

Cathy:
Db? Bwiset talaga yung asong yun eh!!

Sofi:
Huh? Aso?

Cathy:
Wait andito na ako kwento ko live
Babu

Naglakad na si Cathy papasok sa cafeteria. Nakita na niya ang table nila Sofi at Elix kaya madali siyang pumunta sa kanila. Kinwento ni Cathy yung buong nangyari sa kanya sa Botany class nila kila Elix at Sofi.

"What? Are you sure? Sobrang immature naman?" Sabi ni Sofi.
"Hindi ba? Nakakainis talaga. Napalabas ako dahil sa kanya? As in uupo lang ako pero ayaw niya gusto pa niya magplease ako." Derederetsong rant ni Cathy. Maya maya napansin niya na weird na yung mukha ni Elix, pero kanina pa yung weird habang nagkekwento siya. Baka lang naman natatae si Elix at hindi niya masabi kaya ganyan so who is she to judge? Nagpatuloy lang siya magkwento hanggang sa—

"Yung mukhang asong Doug na yun. Nakakabwiset siya talaga kapag makita ko talaga siya uupakan ko talaga siya! Nakakainis siya!!" Sigaw ni Cathy.

"Sige nga. Sample nga."

Nagulat si Cathy at napatigil siya sa pagsasalita. Dahan dahan siyang tumalikod at—oh my gosh. Si Dougy.

"Hi Doug."
"Hi Elix."

Pinanood lang ni Cathy na magfist bump si Elix at Doug. OH MY GOD? MAGKAKILALA SILA?! Napakawalangyang Elix 'to hindi pala siya natatae bestfriend pala kasi niya yung Dougyot na yun kaya ganon reaction niya?! THIS IS BETRAYAL.

Tumingin si Cathy kay Sofi na mukhang gulat at wala ding alam sa mga nangyayari

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumingin si Cathy kay Sofi na mukhang gulat at wala ding alam sa mga nangyayari. Bumulong si Sofi ng 'Siya ba?' At tumango na lang si Cathy. Nagtatawanan na si Elix at Doug doon.

Soulmates MultiverseWhere stories live. Discover now