Chapter 23

2.2K 155 19
                                    

Bella:
Doug
Where are you?

Doug:
Home lang baby
Why?

Bella:
Want to go out?

Doug:
I'm feeling under the weather
Some other time?

Bella drops her phone. Doug has been avoiding her, and for what? Walang mangyayari kung hindi nila paguusapan 'tong problema na 'to.


Bella:

Iiwasan mo na naman ba ako?

Doug:

W-what

Hindi kita iniiwasan

Bella:

I can tolerate your mood, but I can't tolerate your lying

Don't act like I don't know you.

Doug, before anything we ARE the best of friends.

Walang mangyayari kung iiwasan mo lang ako nang iiwasan kasi magkakaroon lang ng gap between us, and I don't like that one bit. So, man up and talk to me or let's end everything.

Sobrang daming lakas ng loob ang kinailangan ni Bella para itype at isend yung huling message niya kay Doug. Don't get her wrong, she's just TRYING to be tough, pero she's really breaking inside. She knows what to do, pero talaga bang kaya niyang tapusin lahat ng meron sakanila ni Doug nang ganon ganon na lang?

Buong buhay niya nandiyan si Doug, at kung gagawin niya ang plano niyang gawin kailangan niyang lumayo kay Doug para sa kanilang dalawa. Pero ganon na lang yun? Pano na siya? Bigla bigla itatapon niya lahat dahil yun ang 'tama' sa universe nila? Wala ba siyang karapatang ipaglaban ang pagmamahal niya?

Litong lito si Bella. Nagtatalo ang puso at isip niya. Puso niya sinasabing ipaglaban si Doug, isip niyang nagsasabing mali ito at lahat masasaktan lang kapag pinagpatuloy pa nila.


Doug:

Bells, don't.

Bella:

Doug, masaya ka pa ba?


Kailangan lang niyang malaman, kailangan niya lang marinig... kung masaya pa si Doug, kasi kung masaya pa naman siya... bakit hindi? Baka kaya pa ilaban? Baka naman?

30 minutes na, hindi pa nagrereply si Doug. Seryoso ba siya? Isip ni Bella. Nagtanong siya ng nerve-racking question tapos iseseenzone lang siya ng boyfriend niya?

Tutulog na sana si Bella nang biglang may kumakatok sa room niya, nang buksan niya lumantad sa kanya si Doug na mukhang stressed na stressed, may dark bags sa ilalim ng mata na medyo namumula at parang kaiiyak lang.

"Dou--" pero bago pa matapos ni Bella sabihin ang pangalan niya niyakap agad siya ni Doug.

"Please. Please don't say those things, Bels. Please. I'm sorry."

Yumakap lang pabalik si Bella. Sinubukan niya, sinubukan niyang yakapin nang mahigpit si Doug kasi baka sakaling mawala yung sakit, mawala yung confusion, mawala lahat nang nararamdaman niya... pero wala.

Walang spark. Wala yung sinasabi nila na connection. Wala yung pakiramdam na isang hawak lang o isang hug lang mula sakanya magiging okay na lahat. Wala.

Kasi hindi sila soulmates.

Nakayakap lang si Doug pero nafefeel ni Bella yung sakit. Nafefeel ni Bella na kulang. Kulang yung pagmamahal lang niya. Kulang yung pinagsamahan nila... kulang yun sa connection na mabibigay ng soulmate ni Doug. Kulang yun sa mabibigay ni Cathy.

Alam ni Bella ang DAPAT niyang gawin...

Pero isang sagot lang, isang sagot lang sa tanong ni Bella...

"Doug, masaya ka pa ba?"

Naramdaman niyang natigilan si Doug. Unti unti siyang kumalas sa pagkaakap niya kay Bella sabay hawak sa kamay ni Bella.

"Mahal kita, Bella."

Hindi napigilan ni Bella na maluha. Alam na niya.

"Sagutin mo ang tanong ko, Doug. Masaya ka pa ba?"

Nakatitig lang si Doug kay Bella habang unti unting umiiyak si Bella.

"I love you, and I owe it to you to be honest because I respect you. And Bella... to be honest... hindi ako masaya. I am lost, I am confused, I am always mad, I feel lacking, I am sad that I feel like I am always hurting and disappointing you. I hate myself kasi kahit anong gawin kong laban pakiramdam ko ang hina hina ko at lalo lang gumugulo ang lahat kapag nilalabanan ko. Naalis ako sa team, Bella. Naalis ako dahil distracted ako. Alam mo kung gaano ko pinaghirapan yun. Yun na lang ang inaasahan kong dapat tama sa buhay ko tapos nawala pa. Inis na inis ako, hindi ko alam gagawin. Kaya iniiwasan kita kasi alam kong mapapasa sa'yo ang galit ko and you don't deserve that, pero you also don't deserve the treatment that I am giving you. I... I don't know what to do, Bella. I'm so lost, Bels. I've never felt so lost."

Hindi makaya ni Bella yung nasa harapan niya. Tatlong beses pa lang niyang nakitang umiyak si Doug. Una noong namatay yung pinakaunang aso niya, pangalawa noong sinagot siya ni Bella at pangatlo 'to. Pangtalong beses pa lang 'to. Hindi niya kayang makita si Doug na ganito.

Hindi niya gagawing maging selfish para lang sa sarili niyang happiness kung yung taong nagbibigay sa kanya ng happiness ay miserable.

Hinawakan lang ni Bella ang cheeks ni Doug at dahan dahang pinunasan ang luha doon.

"Doug, sweetie, I love you and I'll do everything for you... that's why we both know what to do."

Naalarm at lumaki ang mata ni Doug pero ngumit lang sa kanya si Bella. Ngiting tapos na, nakapagdesisyun na siya, ngiting wala nang makakapagpabago ng isip niya kaya niyakap na lang ni Doug si Bella. Mahigpit.

"I love you, Bella." he said.

"I love you too. But... in this Universe, we are not meant to be. Maybe some other Universe? Maybe in our second lives? But I'm really glad though, Doug. That someone loves me the way you love me na kayang tiisin lahat para ipaglaban ako."

"I will, Bella I will if you--"

"No, it's time to let go, Doug. Let's stop hurting ourselves, hmm?"

Isang mahigpit na yakap lang ang nakuha ni Bella bilang sagot.

But it takes two to tango, at alam niyang hindi magiging okay ang lahat kung sa part lang ni Doug malinaw.

And Bella knows what to do next.

She has to talk to Cathy.

Soulmates MultiverseWhere stories live. Discover now