Chapter 12

2.5K 182 104
                                    

Matapos ang mangyari, dalawa lang ang choice ni Cathy:

A.) Magpanggap na kunwari walang nangyari at maging normal, itry gawing friend si Doug dahil unti unti na siyang nagiging part ng circle of friends niya dahil bestfriend siya ni Elix or

B.) Umiwas, kasi masakit pa, kahit wala namang nangyari... masakit pa.

Ano sa tingin niyo ang pinili ni Cathy?

"Cathy girl papasa naman noong graduated cylinder." Tanong ni Aira kay Cathy na nagfofocus sa experiment nila about PH levels. "Cathy... Huy Cathy." Tawag ni Aira.

"Oh, bakit?" sagot ni Cathy pero hindi niya inaalis ang tingin niya sa test tube.

"Girl, anong nangyari sa inyo ni Doug?"

Tanong ni Aira, bigla namang natigilan si Cathy pero noong mapansin yun ni Aira bumalik na lang ulit siya sa experiment.

"Wala."

Hindi naman tumigil si Aira at tinanong kung anong problema kaya nainis si Cathy at medyo napasigaw na "WALA NGA" lahat naman napatingin sa kanya kasama si Doug na kakakuha lang ng mga gamit sa kabilang laboratory.

"Ako ba pinaguusapan niyo?" tanong ni Doug pero walang sumagot.

"Wag mo na lang kulitin si Cathy, Aira ha?" tapos ngumiti si Doug na pagkatamis tamis walang nagawa si Aira kundi mapabuntong hininga, sabay ngiti at oo.

Umalis si Aira kasi kailangan niya daw magCR dahil baka atakihin siya pagkacute ni Doug. Naiwan naman si Cathy at Doug doon sa table.

"Iiwasan mo talaga ako?" tanong ni Doug kay Cathy.

"Hindi kita iniiwasan. Nagfofocus lang ako dito sa experiment." malamig na sagot ni Cathy.

"Come on, Cathy." Pilit pa ni Doug pero hindi talaga siya pinapansin ni Cathy. Kaya pinisil niya pisngi niya nang mahina para makuha niya attention ni Cathy.

"Ano bang gusto mo?" Iritang sagot ni Cathy.

"Yung balik tayo sa normal. Friends na tayo hindi ba?" sabay ngiti ni Doug. Akala ba niya madadala si Cathy doon sa pangiti ngiti niya ha?

Oo, eh tangina marupok yung tao eh.

Or yung 'soul' noong tao.

"Ayoko, bahala ka." sabi ni Cathy pero nakita naman ni Doug na medyo ngumit na si Cathy.

"Dali na." Kulit pa ni Doug, papayaga na sana si Cathy pero biglang dinagdag ni Doug na "Kahit hindi pwedeng maging tayo as soulmates, baka pwede tayong maging friends?"

Napakunot naman ng noo si Cathy. Eto na naman tayo eh. Papaalala na naman niya na soulmates sila pero hindi pwede. Pagod na pagod na si Cathy sa rollercoaster ride ng feelings niya kapag nandiyan si Doug kaya sinamaan na lang niya nang tingin si Doug at nagwalkout sa lab.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta, at kung anong sasabihin na naman ng prof nila sa kanya dahil bigla bigla niya iniwan yung lab table nila pero wala siyang pakialam. Pakiramdam niya nasusuffocate siya kasi sobrang overwhelming ng lahat kapag nandiyan si Doug. Minsan masaya siya, tapos bigla siyang malulungkot, tapos pag lumayo siya mamimiss niya.

Hindi na siya natutuwa sa soulmate bond, patagal nang patagal palakas nang palakas, pero wala naman siyang magawa kasi HINDI NGA PWEDE. Kapag nandiyan si Doug malungkot siya, kapag wala si Doug malungkot siya. Mabuti pang hindi na niya nakilala ang soulmate niya.

"Teka lang, sandali." Biglang hinawakan ni Doug yung wrist ni Cathy para pigilan siya pero bigla silang nagulat dalawa, natigilan at napalunok.

Noong hawakan ni Doug si Cathy, bigla na lang parang may kuryente na dumaloy sa dalawa. Malamang soulmate 'bond'. Palakas na ito nang palakas.

"Please. Please, wag mo na gawin yang mga ginagawa mo." Hindi alam ni Cathy pero parang naiiyak na naman siya.

"Doug hindi ako ganito. Hindi ako madaling umiyak, hindi ako madaling masaktan, masayahin akong tao. Pero... kapag nakikita kita nalulungkot ako, kapag nawawala ka nalulungkot ako. Alam kong wala pa naman tayong masyadong pinagsamahan pero..."

Huminga nang malalim si Cathy at inipon lahat nang lakas na natitira pa sa kanya para sabihin tumingin deretso sa mata ni Doug at sabihin na...

"Doug, soulmate kita. Buong buhay hinihintay kita. Oo, clumsy ako, pero alam mo ang dapat unang sasabihin ko kapag nagkita tayo? Magsososorry ako sa'yo kasi nasaktan kita. Kasi kapag makita ko soulmate ko aalagaan ko siya. Pero Doug, paano? Kung may iba nang nagaalaga sa'yo?"

Walang naisagot si Doug, binitawan na lang niya yung kamay ni Cathy. Napatingin si Cathy at ramdam na ramdan niya yung pagkawala nang init ng kamay ni Doug.

"See. Bibitawan mo din ako." sabay pekeng tawa ni Cathy habang tumutulo luha niya.

"Tingnan mo 'to! Hindi ako iyakin na tao. Hindi ko alam kung bakit sobrang overwhelmed ko sa fact na hindi pwedeng maging tayo, pero wala akong magawa kasi ramdam na ramdam ko, tagos hanggang buto. Nasa Universe A tayo, Doug. Konektado ang mga kaluluwa natin. Pero pinipilit mong alisin, pinipilit mong putulin. Pero wala akong magagawa kasi iintindihin ko na lang."

Ngumit si Cathy kay Doug.

"So, if you can't keep me... don't hold me."

Soulmates MultiverseWhere stories live. Discover now