Chapter 5

2.8K 154 64
                                    

'CATHY BILISAN MO ANDITO NA SIYA' was the last text Cathy received from Aira, her former schoolmate and friend.

She was walking to their classroom, and Aira was begging her to walk faster because this 'Doug' is already inside their room and someone may sit beside him, and Aira's dramatic ass really said 'I can't lose the potential love of my life' to which Cathy has to roll her eyes.

To be fair, one of the things you CANNOT ask Cathy is to walk faster, because if you do, then she'll run and if she runs... she trips, and if she trips then oh her poor soulmate will suffer.

Kaya hindi siya nagmadali. Nagbrisk walk lang siya, kaya pagkakita niya kay Aira na masama na ang tingin sa kanya sa classroom nagsmile na lang siya dito.

"Nope, hindi ka cute. Dalian mo! Ganito ang plano ha. Kita mo yun? Yung gwapong yun? Si Doug yun." Aira pointed at Doug. Cathy looked at him and hmmm he really is cute. He's manly. He has broad shoulders and medyo malaki din ang biceps. His face... he's got strong features but at the same time parang ang soft din tingnan.

"Oh wag pakatitig, akin yan." Sabi ni Aira.

"Alam mo ikaw itutulak talaga kita nang malakas yung mauubos ngipin mo sa una." Sagot ni Cathy.

"Ay? Ang harsh? Anyway ito plan ha. Lalapit tayo tapos uupo tayo sa tabi niya pero pag paupo na ako itutulak mo ako para doon ako sa lap niya mahuhulog. Capish?" Utos ni Aira.

Cathy just rolled her eyes at her, but because she loves her friend she'll do it. Besides, this Doug guy is cute so nice one Aira.

Lumapit sila sa table ni Doug, nakatayo na si Aira sa may edge ng table at naghihintay na maitulak ni Cathy para 'mafall' siya. Pero bakit parang ang tagal namang may tumulak? Aira was just there awkwardly standing.

So humarap si Aira kay Cathy para signalan sana siya pero noong umikot siya para humarap Cathy thought it was the 'signal' to push, so Cathy extended her arms to strongly 'push' Aira pero humarap nga si Aira sa kanya kaya noong tumulak si Cathy (at mind you malakas ang pagkakatulak niya dahil hindi siya nagbibiro noong sinabi niyang gusto niya maalis ngipin ni Aira) para siyang tumulak sa hangin, wala siyang nahawakan at maya maya pa--

"Ouch." Sabay nilang sinabi.

Huh...

Gulat na gulat si Cathy. Anong nangyayari? Bakit niya nafeel yung pain? Ang labo? Nasaktan din soulmate niya? Ngayon? As in nadulas din? Sabay na sabay? Labo.

Hindi namalayan ni Cathy na nakaupo lang siya sa lap ni Doug kakaproseso sa kung anong nangyari hanggang sa—

"Ahem" sabi ni Doug at "CATHYYYYY UMALIS KA DIYAN." Sigaw ni Aira.

Nagulat si Cathy at biglang napatayo nang mabilis. Sa pagtayo niya nadali niya yung tumbler ni Doug at tumapon sa pantalon nito yung laman na juice.

"Oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh. I'm so sorry. I'm the clumsiest person in the world. I'm so sorry teka let me help—" sabi ni Cathy.

Agad agad siyang naghanap ng tissue o panyo o kahit ano na basta mapunasan niya si Doug na mukhang inis na inis na sa mga nangyayari. Sorry lang nang sorry si Cathy hanggang sa may mahanap siyang tissue. Kinuha niya yun at pinunas sa basang parte ng pants ni Doug hanggang sa—

"HOY SAAN KA HUMAHAWAK, AKIN NA NGA YAN!" Sigaw ni Doug. Napatingin si Cathy at juskolord pinupunasan na pala niya ang sandata ni Doug. Nagkatinginan lang sila at teka, namumula ba si Doug?

"Sorry—"
"Wala akong pakialam sa sorry mo okay? Lumayo ka nga baka kung ano pa magawa mo sa akin."

Nanlaki ang mata ni Cathy sa narinig niya at nagpantig ang tenga niya kaya..

"Excuse me lang? Pakayabang mo naman. Hindi ko naman sinasadya na malaglag at mahulog sa'yo. Wag mo nga akong pagtaasan ng boses."
"Ikaw pa may gana magalit? Nahulog ka na nga sa akin tinapunan mo pa ako ng juice. Sa tingin mo ba matutuwa ako?!"
"Hindi! Pero nagsorry naman na ako ah? Bakit ang yabang mo pa rin? Bakit sino ka ba?!"
"Si Doug! Bakit? Sino ka ba?!"
"Si Cath!"

Nagsisigawan sila nang biglang napabulong si Aira...

"Shocks. CatDoug."

Napatingin nang masama si Cath at Doug kay Aira kaya napahawak ito sa bibig niya.

"Ikaw, kasalanan mo 'to eh! Hay nako makaalis na nga—" sabi ni Cathy. Aalis na sana siya at lilipat ng pwesto nang biglang pumasok ang Botany professor nila at sinabing "Class sit down" Napatingin si Cathy kung saan pa mayroong silyang bakante pero sa tabi na lamang ni Doug meron. Uupo na sana siya nang biglang..

"Gusto mo umupo?" Tanong ni Doug.
"Hindi, gusto ko sumayaw. Duh? Ano sa tingin mo?" Sagot ni Cathy.
"Ayaw mo ata eh 'di wag." Asar ni Doug sabay lagay ng mga gamit niya sa upuan katabi niya. Nagsquat na lang si Cathy doon para hindi siya makita ng prof at baka mapagalitan pa siya.

"Ano ba? Ialis mo yan! Nakakainis ka. Paupuin mo ako kapag ako makita ni Sir lagot ka sa akin." Pabulong na sigaw ni Cathy.
"Say please muna" Asar ni Doug. Nanlaki na lang ang mata ni Cathy.
"ANONG PLEASE? KAPAL NG MUKHA—"
"MISS RIVAS. What's the problem?" Biglang tanong ng Professor nila. Napailing na lang si Cathy sabay tingin kay Doug na sobrang ngiting ngiti. Nainis pa lalo si Cathy kaya dinilaan niya si Doug na bigla namang bumulong ng 'Wow. Mature'.

Dahil dito nainis na ang professor nila at sinabi niya kay Cathy na "Miss Rivas. Get out."

WHAT? WHAT?!

Gulat na gulat si Cathy dahil: 1.) Napalabas na naman siya sa class na kaklase niya si Aira at si Aira naman talaga ang mastermind nito. 2.) Yung Doug na yun tawang tawa pa noong inaayos ni Cathy ang gamit niya, may lakas ng loob pang mag peace sign.

Oh my god DOUG HECHANOVA I SWEAR MAY ARAW KA RIN SA AKIN


Oh my god DOUG HECHANOVA I SWEAR MAY ARAW KA RIN SA AKIN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Soulmates MultiverseWhere stories live. Discover now