XLIX.

112K 4.2K 2.1K
                                    

"Gemma, anak! Gising na! Mahuhuli ka na sa trabaho mo, nagluto na ako ng pagkain dito." Sinipa ko yung kumot na nakaharang sa katawan ko at humilata muna.

"5 minutes ma!"

Naghintay ako ng limang minuto pero nakatulog ulit ako. Maya't maya saglit ay napabalikwas ako at tumingin sa orasan. Karaniwan hinahatak na ako ni mama paalis dito sa kama kaso nagtaka ako dahil wala akong narinig na sigaw mula sa kanya.

Male-late na ako sa trabaho!

Binilisan kong maligo at pagkarating ko sa baba, may nakahanda na ngang pagkain kaya kumain muna ako. Hinanap at tinawag ko si mama ngunit walang sumasagot. Nagkibit balikat ako at kinuha na ang bag ko.

"Gemmy! Welcome back!" Bungad sa akin ni Rose pagkarating ko.

"Ang O.A. mo. Dito kaya ako nagtra-trabaho."

Naglagay ako ng apron at nag-iba naman ang timpla ng mukha ni Rose.

"May mali ba sa sinabi ko?"

"Okay ka lang?" Huh?

"Ang weird mo."

"Gemmy matagal ka ng resigned dito diba? FYI po." Ano?

"Huwag nga ako niloloko mo."

"Hala? Alam ba ito ng asawa mo?" Teka. Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? Asawa? Excuse me wala pa nga akong fiancé, asawa na agad?

"Shabu pa."

Nagsimula akong mairita. Late na nga ako, kung ano-ano pa sinasabi ni Rose. Hinayaan ko nalang siya at nagtrabaho.

"Good evening sir, what can I get for you?"

"Whiskey. 2 whole bottles." Tipid nitong sagot.

"All right, copy." Inilapag ko yung order niya. Ang weird lang? Para kasi siyang problemado.

"Sir ayos ka lang?" He shakes his head, signalling no as an answer. Mas naging awkward lang kasi mukha akong FC kaya umalis nalang ako.

"Why can't she remember me?" I stop on my tracks. Lumingon ako saglit pero nakatungo lang ito.

"Um..."

He lifts his head. His eyes were bloodshot from crying. "Why?"

"S-Sir ano po bang dahilan?" Kinuha niya yung isang bote at tinungga. Wow. Sino kaya yung babae na tinutukoy niya at ganyan siya ka-apektado?

"Long story."

"Ah..."

"So you have a husband? Sayang."

"P-Po?"

Itinuro niya yung daliri ko gamit ang nguso niya. Sinunod yung ng mata ko at nakita ko na may singsing doon na nakalagay. What the hell?

"Nice ring."

"H-Ha?" I'm speechless. Paano 'to nangyari? Kailan pa ako um-oo sa isang lalaki? Nagayuma ba ako? Totoo ba talaga yung sinabi Rose? Jusko mababaliw na ako.

"Ah, friendship ring."

"Really?" He chuckled. Doon ko lang napansin na may singsing din siya at kamukha niya yung nasa daliri ko. "Wish I could say the same. You really can't remember."

"Excuse me." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya umalis agad ako. What the hell was that? Bakit ang weird lahat ng nangyayari ngayon? Una doon sa bahay, pangalawa ngayon sa club.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now