XI.

161K 6.8K 1.6K
                                    

'Playing with fire is like playing with death himself.' -Anonymous

Gemma

He didn't left me a clue yesterday and now there's 8 days remaining. Hindi ako natulog kanina sa kakaisip kung papaano ko siya makukuha sa sarili kong paraan. May naisip na akong plano kahit labag sa loob ko yung mga naisip ko.

8 palang ng gabi, naghahanda na ako papunta sa club. Kaya naman pagkarating ko doon nagtaka yung mga guard dahil masyado akong maaga pero buti naman di na sila nagtanong.

Pagkarating ko sa 8th floor, dumiretso ako sa counter at inilapag ko doon yung note. Alam kong mababasa niya ito. Diretsahan kong tinitigan yung CCTV at umalis na doon.

Actually that note was a resignation letter. Hindi ko pinasabi sa iba dahil malamang pipigilan nila ako gaya nung nangyari dati. I know I lost a job pero mas maraming iba diyan na pupwedeng pasukan. And yes, kasama 'to sa plano ko.

After that incident sa locker room, doon na ako naniwala na hindi siya pang ordinaryong tao. I know this sounds absurd pero ayokong ipagpilitan ang sarili ko na normal kahit na andun na yung kilos niya na nagsasabi na hindi siya normal na tao.

May humintong sasakyan sa harapan ko at inihanda ko na ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at matamis na ngumiti nang lumabas yung tao mula sa sasakyan.

"You must be Gemma right? I'm Carl." He smirked saka lumapit sa akin.

"Nice to meet you in personal...Carl." Iniabot ko yung kamay ko kaso nagulat ako nang kunin niya yun at halikan.

I composed myself and smiled.

Carl is my date. Nagkakilala lang kami sa isang dating app kanina at gusto na niyang makipagkita. Honestly hindi ko 'to gusto but I want to test him. I want to see if he'll show up or will still stay behind those shadows.

"Mind calling you babe?" Inilapit ko yung labi ko sa tenga niya.

"Fine with me, babe." Nakita ko kung paano niya pinasadhan ng tingin ang katawan ko hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko.

Iginaya niya ako papasok sa loob ng kotse. Pagkapasok palang namin, otomatikong nag lock ang pinto ng sasakyan. Nasa passenger seat ako at siya yung nasa driver's seat.

"Nice legs babe." Malagkit niyang pinasadhan ang hita ko. For the first time, nagsuot ako ng dress na maikli. Ngumiti nalang ako kaso nagulat ako sa sinabi niya.

"Mind if I can get a quickie?" Sabay tingin sa akin at sa backseat ng sasakyan. Muntik ko na siyang sapakin kaso pinigilan ko ang sarili ko. Pero sinong matinong tao magtatanong ng ganyan sa first date nila? Ano tingin niya sa akin? Prostitute? Heck no.

"Oh babe, I don't think that's a nice impression for our first date, don't you think?"

Nakita ko siyang sumimangot at hindi nagsalita. Palihim akong napangisi hanggang sa makarating kami sa isang malaking bahay. Mula palang dito sa sasakyan, rinig na rinig yung malakas na tugtugan mula sa backyard.

Napangiwi nalang ako. Seriously, dito niya ba dinadala ang mga babaeng ka date niya? Umiling nalang ako at hindi na nagtanong pa. Tinulungan niya akong bumaba sa sasakyan at otomatiking lumingkis ang kamay niya sa bewang ko.

Maglalakad na sana ako kaso humigpit yung hawak niya sa bewang ko at naramdaman ko nalang ang labi niya sa leeg ko. Bigla akong napaiwas.

"No hanky panky Carl." He groaned. Napairap nalang ako ng palihim. 'I' should be the one flirting him! Kapag ipagpapatuloy niya 'to then there's much bigger chance na sa kanya magpakita si H and god knows kung anong mangyayari sa kanya. Not that I'm concerned but H could be dangerous.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now