II.

209K 7.9K 5.1K
                                    

"She's my kitten, and no one else's." -Jeaniene Frost

Gemma

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at napatingin sa orasan.

Time check: 9:35 P.M.

Ginulo gulo ko yung buhok ko at huminga ng malalim. Dumiretso ako sa banyo at agad na naghilamos saka ko binuksan yung cabinet at kinuha doon yung concealer ko.

Malapit na pala itong maubos. Kung hindi ako maglalagay nito malamang mahahalata yung maiitim kong eyebags dahil sa kakulangan ng tulog. Kulang na nga tulog ko hindi pa maayos mga panaginip ko.

Wala pa nga atang isang beses na nagkaroon ako ng matinong tulog magmula nung gabing yun.

Ginawa ko na lahat ng kailangan kong gawin sa banyo at nagpalit ng damit. Shift ko na mamayang alas onse. Biglang tumunog yung phone ko at napangiti ako nang makita kung sino.

Jack.

Isang taon ko na siyang manliligaw, mas lalo lang ako napangiti nang mabasa ang text message niya.

From: Jack
Time received: 10:03 P.M.
Kain ka muna bago pumasok sa trabaho Gemmy ;) Take care.

Sinong hindi magkakagusto sa taong tulad niya? Sa isang taon niyang panliligaw sa akin, palagi siyang mabait at maalaga. Kung ako lang tatanungin gustong gusto ko siyang sagutin pero parang may pumipigil sa akin.

Bigla nalang nawala ang mga ngiti sa labi ko at napatingin sa paligid.

Nagsimulang tumayo ang mga balahibo ko. Dali dali kong inilagay yung phone sa bag ko at umalis na ng bahay.

Naramdaman ko ang pag ring ng phone ko sa bag kaso hinayaan ko lang.

Dumiretso ako sa sakayan ng jeep at umupo sa tabi ng mag jowa. Patuloy lang sa pag ring yung phone ko kaso wala akong balak na tignan ito.

"Bayad paki-abot po."

"Manong para!"

Medyo kokonti na lamang kami dito sa loob nang magsalita yung magshota sa tabi ko.

"Excuse me lang miss ha? Wala ka bang balak tignan yang phone mo? Kanina pa nagriring eh, nakakairita na."

"Kung may away kayo ng shota mo ayusin niyo na yan. Istorbo bwisit."

Nag init bigla yung dugo ko. Kanina pa nga sila naghahalikan dito sa tabi ko tapos sila pa may ganang sabihan ako na istorbo?

Kinuha ko nalang yung phone ko para manahimik na yung mag shota sa tabi ko.

58 missed calls...
1 text message...

Bubuksan ko sana yung message kaso bigla nalang napapreno yung jeep na sinasakyan ko.

"Manong ano ba yan! Dahan dahan lang naman po sa pagmamaneho!"

"Pasensya na, akala ko kasi may napatawid kanina sa harap kaya ako napahinto. Pasensya ulit."

Napatingin ako sa harapan ng jeep. Sino namang tatawid dito eh medyo nasa liblib kaming lugar at walang katao tao sa paligid.

"Sa susunod manong mag ingat kayo ha."

Napatango yung driver saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Hindi rin nagtagal napahinto ulit si manong sa pagmamaneho at may kakaiba kaming narinig mula sa labas, mukhang may sumabog.

"Anak naman ng! Manong ano ba yan nagmamadali kami sa lakad namin! Huwag niyong sabihin may napatawid na naman, nak ng late na kami oh!"

"Babe naman kalma lang, tinatakot mo si manong."

Married to UnknownWhere stories live. Discover now