VI.

177K 7.8K 2.6K
                                    

'Storms come and go but my love for you won't.' -Anonymous

Gemma

"Nicca...I love you. Please don't do this to me!"

"Time of death. 12:00 A.M."

Andito na naman ako. Nasa sulok ako ng room habang pinapaligiran ng mga doctor yung katawan nung babae.

"I'm sorry sir pero yun lang po ang nakayanan namin."

"N-No...don't do this to me!"

"Sir mas maigi po kung magpahinga kayo--"

"You don't f*cking understand! Get the f*ck out of my sight!"

Hindi ko alam pero nararamdaman ko yung sakit na nararanasan nung lalaki. It must be hard for him. Hindi ko man alam kung anong koneksyon niya sa pasyente pero sa tingin ko mag nobyo sila o mag asawa.

"Nicca baby please please please wake up! Baby wake up!"

Sinubukan kong lapitan yung lalaki na umiiyak kaso bigla nalang nandilim ang lahat.

Nagising ako dahil sa sobrang ingay na nanggagaling sa labas. Napatingin ako sa orasan at mag a-alas nuebe na pala ng gabi.

Napatingin ako sa bintana at saktong kumidlat ng napakalakas. Mas lalong lumakas ang ulan at mukhang may paparating na bagyo.

"Gemma? O gising ka na pala. Diba may trabaho ka mamaya? Papasok ka pa ba sa ganitong kalakas ng ulan 'nak?"

"Ma...papasok po ako." Napatingin ako sa resignation letter na ginawa ko kanina. Kailangan kong ibigay 'to ngayon.

"Sigurado ka 'nak? Wag nalang kaya? Ang lakas masyado ng ulan e. Siguro namang maiintindihan ng boss mo."

"Ma iba na po boss namin. Hindi na po si Mr. Tan." Tumayo ako at nagsimula ng mag ayos.

"Ganun ba? E sino naman ang bago niyong boss?" Nagkibit balikat ako.

Nagkibit balikat ako pero malakas ang kutob ko na siya yun pero huwag naman sana. "Hindi po sinabi sa'min."

"Hmm. Sige anak mag iingat ka ha? Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka."

"Opo ma."

Speaking of phone. Napatingin ako sa drawer. Para bang may sariling buhay ang mga paa ko at lumapit ako doon. Kinuha ko yung phone at saktong nag ring ito.

Unknown calling...

Tinap ko yung red button at ibinalik yun sa loob ng drawer. Pagkatapos kong maghanda bumaba na ako at naabutan ko si mama na nagluluto ng pagkain.

"Kain ka muna bago pumunta sa trabaho."

"Wag na ma. Babalik din ako."

"Huh? Diba mamayang umaga pa uwi mo? Naku naku! Bawal kang lipasan ng gutom bata ka!"

Moms will be moms.

"Basta ma uuwi rin ako. Bye!"

Bago pa siya makaangal lumabas na ako at halos mapamura ako sa sobrang lamig. Dali dali kong inilabas yung payong ko kaso nagulat ako nang may humintong sasakyan sa harapan ko. Sa pagkakaalam ko ito yung gift ni H.

"Ma'am ako na po maghahatid sa inyo." May lumabas na lalaki doon at agad ko siyang namukhaan. Siya yung chaffeur na naghatid sa akin noon nung nasiraan yung jeep na sinasakyan ko.

"Di na kailangan kuya. Isa pa wag mo akong tawaging ma'am." Nilampasan ko siya at nauna na.

"Ma'am!" Sabi ng wag akong tawaging ma'am e!

Married to UnknownWhere stories live. Discover now