VIII.

176K 6.8K 2.5K
                                    

'Every breath you take...' -The police

Gemma

Kahit na paika ika pa akong maglakad dahil sa kalasingan, nagawa ko pa ring hilain si Rose papuntang kwarto niya habang abala yung 'boyfriend' niya sa pakikipag usap sa iba.

"Gemmy babes~"

"Tatapatin nga kitang bruha ka. Kailan mo naging boyfriend yang si Harold ha?" Sinundot sundot niya ako sa tagiliran kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nakashabu ata 'to e.

"Selos ka bes? Hihi."

"Masisipa talaga kita."

"Eto naman di mabiro. Okay eto na." Pinaupo niya ako sa kama niya at doon na siya nagsimulang magkwento.

"Si H *hiccup* este si Harold. Nakasanayan ko na kasi yung H ano ba yan! So yun, weird din kasi tactic niya sa panliligaw e, alam mo yung stalkerish na panliligaw? Nung una nangilabot talaga ako dahil may nalalaman pa siyang 'I will kill for you because I love you.' Chuchu ganern pero nahuli ko din siya one time habang naglalagay siya ng roses and chocolates sa desk ko and the rest is history. Haaaays." Parang naghuhugis puso pa yung mata niya habang nagkukwento.

"Yun lang?" Bored kong sabi.

"Anong yun lang? Di ka man lang ba nakilig sa love story namin?!"

"Nope."

"Sama neto huhu!"

"Pero ang bilis mo naman yata siyang sagutin? Hindi mo manlang kinilatis ng mabuti yang dyowa mo. Malay mo hindi pala siya mapagkakatiwalaan diba?"

Bigla niya akong kinurot sa tagiliran kaya nasapak ko siya nang wala sa oras.

"Aray! Titigil na!" Hinimas niya yung noo niya bago nagsalita. "Hindi nababase ang pagmamahal sa oras. I just know it's him, my lover and my one and only. Asdfghjkl kinikilig ako!" Iniwan ko nalang siya mag isa sa kwarto niya dahil nagsisimula na akong mangilabot sa pinagsasabi niya.

Bumaba ako sa kusina at nagbukas ulit ng isang beer at bumalik sa sala. Alam kong nakatingin si Harold sa kin pero patay malisya akong sumalampak sa love seat at uminom.

Harold. Harold. Harold. Sino ka ba talaga? Posible ba na ikaw rin yung H na nagst-stalk sa akin? Pero diba alam ko na yung boses ni H sa telepono? Pero paano kapag hindi talaga yun yung boses niya? Paano kung may voice changer pala siya?

Ginulo-gulo ko yung buhok ko at itinuloy yung pag iinom. Bahala na. I want to be stress-free tonight.

Napatingin ako sa singsing ko--napatawa ako ng pagak. Baka nga singsing 'to nung babae na nasa litrato.

"Uy bes ilang bote na naubos mo?"

Itinaas ko yung hintuturo ko.

"Isa?! Wag mo nga akong lokohin. Tama na yan!" Inagaw niya sa akin yung beer ko. Psh.

Ngayon ko lang napansin na konti na pala kaming naiwan dito. Pati yung boyfriend ni bulaklak wala na rin. Yung iba naman nakasalampak na sa sahig.

"Uwi *hiccup* na ako!" Sabi ko kay Raven at kinuha ko yung bag ko.

"Ha? Madaling araw na! Dito ka nalang kaya matulog?"

"Hindi *hiccup* pwede!" Medyo nawalan pa ako ng balanse. Ano bang nangyayari sa akin?

"Anong hindi pwede? Kung iniisip mo yung mama mo, ipagpapaalam ka namin." Umiling iling ako at tumawa.

"Kailangan kong *hiccup* umuwi." Itinaas ko yung kamay ko at ipinakita ko yung singsing.
"Hinihintay *hiccup* na ako ng asawa *hiccup* ko. Bye bye!" Kumaway kaway pa ako. Hindi ko na alam pinagsasabi ko, para bang walang ng preno ang bibig ko.

Married to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon