XXXIX.

122K 4.6K 1.1K
                                    

Gemma

"Nooo!" Napatingin ako sa paligid at napansin ko na andito ako sa loob ng kwarto ni Rose. Napasapo ako sa aking ulo at napapikit ng mariin. Ano yun? Sino yung babae na nakita ko sa panaginip ko? Yung huling babae na napanaginipan ko ay yung babae na umiiyak kasama yung lalaki na nakatalikod na sa tingin ko ay si Luc at Nicca pero iba naman 'to. Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak habang nakatingin sa babaeng papalayo sa akin.

Biglang nagbukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok si Rose na mukhang hingal na hingal.

"Gemma!"

"Bakit? Anong nangyari sa'yo? Ba't ka hinihingal?"

"H-Hindi ko alam na g-ganun ka pala ka-kaseryoso." Sabi niya habang pilit na hinahabol ang kanyang hininga.

"Anong ibig mong sabihin?"

"N-Na asawa mo talaga si L-Luc? Y-yung pinapangarap kong a-asawa!" Tumayo siya ng maayos at huminga ng malalim.

"Teka ano bang nangyayari?" Naguguluhan ako lalo na't may naririnig akong kaguluhan sa labas. Tumayo ako mula sa kama at hinawi yung kurtina. Bakit napakaraming tao dito sa labas ng bahay nila Rose? Lumapit siya sa akin at mabilis na isinara yung kurtina. Ano ba talagang nangyayari at bakit may mga tao sa labas?

"Nababaliw ka ba? Baka may makakita sa'yo!"

"Ano ba talaga kasing meron at maraming tao ang nasa labas ng bahay ninyo?"

Inabot niya sa akin yung isang newspaper at nagulat ako sa larawan na nakalagay sa frontpage. Malinaw na malinaw na si Luc ito habang magkayakap kami noong bisperas ng pasko dito. Buti nalang nakasiksik yung ulo ko sa dibdib niya pero bakit..bakit 'to nakalagay dito? Hindi ko nagawang basahin yung headline dahil inagaw ito ni Rose at siya ang nagbasa para sa akin.

Luc Hamilton and his rumored wife has been caught together during Christmas Eve.

"Bruha ka! Totoo talaga na asawa mo siya?!" Inagaw niya yung kamay ko at inimbestiga yung singsing ko.

"Sinasabi na nga ba eh! Nakita kong singsing na 'to noon, ibig sabihin matagal ka na palang kasal sa kanya? Oh my--okay Rose kalma--bakit?!"

"Ganun na ba kahirap paniwalaan yan? Ibig bang sabihin hindi ka rin naniniwala sa ikinuwento ko sa'yo?"

"H-Hindi sa ganun Gemma pero matagal ko na kasing crush si Luc tapos nung sinabi mo na asawa mo siya, oo nalang ako dahil baka naman kamukha niya lang diba? At parang hindi magagawa ni Luc yung ikinuwento mo pero dahil supportive akong bestfriend, inisip ko nalang na asawa mo talaga siya kahit 50/50 ako pero" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inalog. "Bruha ka! Ang swerte mo!"

"Ano ba!"

"Pero eto nga, hindi lang ako ang may crush sa asawa mo." Napalingon siya saglit sa bintana at napakagat labi. "Maraming nakakita sa tabloid at social media tapos nakalagay kung saan kayo huling nagkita kaya heto, dinudumog na tayo ng mga fan girls at mga reporters."

"Ano?!"

"Doon ko nga lang din nalaman kaya nagpahatid agad ako kay Harold dito at nagpatulong ako sa kanya na paalisin itong mga taong 'to at isa pa dahil..."

"Dahil?"

"Boss niya si Luc! Bakit ngayon ko lang nalalaman na yung mga taong malalapit sa akin ay kilala si Luc? Oh em gee pero anyway, kailangan mong mag ingat girl."

Napasapo ako sa noo ko, napatingin ako sa orasan at umagang umaga palang kaso heto na nga at maraming mga tao sa labas. Naalala ko na tatlong araw ang nakakalipas noong magkasama kami ni Luc, pero ngayon lang inilabas yung mga larawan. Kung sino man ang kumuha ng litrato, ibig sabihin tatlong araw na rin niya akong minamanmanan. Bumilis bigla yung kabog ng puso ko. Paano kung nakita niya ako at kumuha pa ng mga litrato? Alam kong pribadong tao si Luc at nasisira lang yun dahil sa hindi ko pag dodoble ingat. Bakit ba lagi kong nakakalimutan na sikat siyang tao?

Married to UnknownWhere stories live. Discover now