XXII.

154K 5.5K 3K
                                    

"With a taste of your lips I'm on a ride
You're toxic I'm slipping under
With a taste of a poison paradise
I'm addicted to you
Don't you know that you're toxic
And I love what you do
Don't you know that you're toxic."
-Toxic, Britney Spears

Third Person

"S-Sino ka? A-Asan ako?" Naalimpungatan si April dahil sa kakaibang tunog na bumangon sa kanya. Napakapa siya bigla sa leeg niya at laging gulat niya dahil wala na yung kagat. Ibig bang sabihin nun panaginip lang ang lahat?

Pero parang may mali. Tumayo siya mula sa kinahihigaan niya kaso napansin niyang nakatali pala ang mga kamay niya sa headboard ng kama. Nagsimula na siyang kabahan lalo na't biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking naka-mask at lab gown.

"Sino ka?"

May isa pang babae na pumasok kasunod nung lalaki. Ang ganda niya, parang manika.

"May ipapakilala ako sa'yo, April." Nagtaka si April pero nanatili siyang tahimik.

"This is Nina. My wife." Nagsimulang magsitayuan lahat ng balahibo ni April nang mamukhaan niya ang babae sa harapan niya.

Hindi ba isa siya sa mga kaibigan ni Rose na nawawala?! Sabi niya sa isip niya.

Napatingin ulit siya kay Nina pero natatakot siya sa itsura niya. Kung titignan mo kasi ng mabuti, para talaga siyang manikang manika at kung kumilos para siyang robot. Isa pa, yung mga titig niya ay napakablangko at nakakakilabot, para siyang patay pero hindi. Nalilito na siya pero nang humakbang ulit papalapit ang binata sa kanya, doon lang ulit siya kinabahan.

"A-Anong kailangan mo sa akin?"

"Ikaw."

"B-Bakit? Parang awa mo na! Pakawalan mo ako! N-Nina tulungan mo naman ako, please!" Tila walang naririnig si Nina at umupo lang siya sa tabi habang nanonood sa nangyayari.

"Ssshh."

Unti unting pinasukan ng tela ang kanyang bibig para hindi siya makapagsalita.

Anong gagawin nila sa akin? Kinakabahan niyang tanong sa kanyang sarili hanggang sa bigla na lamang siya napasigaw ng napakalakas.

****

Gemma

Pakiramdam ko may nakatingin sa akin kanina pero hindi lang ako sigurado. Habang abala silang lahat na nag iinuman, nagsimula na akong magtaka kung bakit ang tagal ni April sa banyo. Baka naman may iba nang kasayaw? Napakibit balikat na lamang ako at inagaw ko yung shot ni Rose para pakalmahin ang sarili ko.

Hindi ko alam kung nakakailan na ako kasi nakakaramdam na ako ng hilo, agad kong nilingon si Rose pero wala na siya sa tabi ko, pati na yung ibang kasamahan ko.

Pumunta muna ako sa banyo dahil nasusuka na ako, pagkatapos kong sumuka ini-lock ko muna yung pinto ng banyo at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Nasaan na? Nasaan na yung Gemma na matapang nung una? Nasaan na yung Gemma noon? Bakit pakiramdam ko napakahina ko sa mga nagdaang buwan? Pinigilan kong suntukin yung repleksyon ko sa salamin. Ano ba talagang nangyayari sa akin?

Hindi ako papayag na maging mahina na lang. Kailangan kong ibalik yung dating ako. Napabuntong hininga ako saka naghilamos at lumabas ng banyo.

Kinuha ko yung isang baso ng whiskey sa table namin at nagsalin bago uminom. Tinatamad na ako sa kakahintay kina Rose. Nag order pa ako ng isang tequila at nagtaka ako dahil may kasama itong sulat. Kahit na lumalabo na yung paningin ko at sumasakit na yung ulo ko, nagawa ko pa rin itong basahin.

Married to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon