Chapter 68

4K 178 188
                                    

Chapter 68: Carrying and Heavier

#DittoDissonanceWP

Thank you for waiting! I'm sorry for the late update! Sobrang busy ko lang talaga. This chapter is slightly long, so read it carefully! <3

Guys, don't forget to vote! Thank you!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Tulad ng inaasahan ko naging sobrang busy ang sumunod na linggo. Magsisimula na ang preparation para sa pageant ni Caiden.

Ang kinuha ko na lang na trabaho ay ang paggawa ng flyers at pag-design ng merchandise na ibibigay mismo sa araw ng pageant. Sigurado akong maraming pupunta ro'n dahil ganito rin sila kagarbo last year.

Monday sila nag-prepare ng mga susuotin ni Caiden at ng partner niya na si Patricia. 'Pagtapos ng photoshoot, 'saka ko gagawan ng tarpaulin ang nakuhaan sa kanila. Nag-draft na rin ako ng design para sa merchandise. Mostly may logo ng school at ng org namin.

Monday din ibinalita ni Caiden kay Tita Divine ang balitang may magaganap ng photoshoot sa Tuesday hanggang Friday. Marami kasing iba't ibang style at theme ang gusto ng school, kaya marami rin ihahandang mga damit ang org namin para sa kanilang dalawa.

Malalim na humugot ng paghinga si Caiden habang nakaupo kami sa kama niya. Kanina ko pa siya ine-encourage para bukas, sobra talaga siyang kinakabahan.

Mula sa pagkaka-indian seat, itinuwid niya ang mga binti niya at ipiniwesto 'yon malapit sa gilid ko. Sumandal siya sa headboard ng kama 'saka bahagyang sumimangot sa akin.

Hinipo ko ang hita niya 'saka banayad siyang nginitian. "Kaya mo 'yon, love. Nag-practice na tayo ng mga puwede mong i-pose bukas. Kaya mo 'yon. Manonood ako. Kami nina Magnus. Chi-cheer ka namin," sabi ko.

Tumango-tango siya at sinusubukan din namang i-cheer up ang sarili niya, kaso alam kong mahirap talaga 'to para sa kaniya. "Yes, love. Kaya ko 'to, 'di ba? Kinakabahan lang ako. Alam kong masaya kayo para sa akin, gusto ko lang maging proud kayo sa akin," sabi ni Caiden.

My heart softened. "Aww. . . we are proud of you, love. Proud sina Tita at Tito sa 'yo. Proud ang mga kaibigan mo. Excited na rin sina Coach Macapagal at Miss Selecta. Suportado ka rin nina Ashton at Leroy. We're here, love," sabi ko at hinimas-himas ang hita niya.

Tipid na ngumiti si Caiden habang deretso ang tingin sa mga mata ko. Kahit nakangiti siya, bakas pa rin talaga sa mukha niya 'yung kaba. He really wanted to do well, that's why he's anxious. My precious love. . .

"Do what you can, love. Tingin ka lang sa akin kapag kinakabahan ka. I'll cheer for you. I'll be there. 5 p.m. pa naman ang shift ko. Wala na rin namang klase. Ando'n ako mula magsimula 'yon hanggang sa matapos," malambing kong sabi.

Humugot ulit siya ng malalim na paghinga 'saka bahagyang sumimangot. Prente siyang umayos ng higa bago inilahad ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko 'yon 'saka humiga sa tabi niya.

Niyakap niya ako nang mahigpit. Siniksik niya ang sarili niya sa akin. Sinuklay-suklay ko ang kaniyang buhok 'saka siya hinalikan sa noo.

"Buti na lang nandito ka. . ." bulong ni Caiden 'saka hinagilap ang mga mata ko para makipagtagpo ito sa mga mata niya.

When his eyes landed on mine, it softened. "I will always be here, love. I'm proud of you for trying something for yourself. Masaya ako para sa 'yo dahil gusto mong mas mag-excel. Sobrang natutuwa ko na gusto mong maging proud sina Tita at Tito sa 'yo. . ." bulong ko 'saka hinipo ang pisngi niya.

Ditto Dissonance (Boys' Love) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें