Chapter 3

17.3K 616 121
                                    

Chapter 3: Hate at First Sight

#DittoDissonanceWP

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"What a bummer! Bakit naman ganito? Bakit naman sa lahat ng puwede kong maging kapitbahay, bading pa? Okay lang sana kung hindi siya gano'n makatingin, e. It icks me. Gay can exist in this world, sana lang mawala 'yung mga nanghihipo at nang-a-assault. Hindi na ako mabuhay nang matiwasay," reklamo ko 'saka napabuntonghininga.

Humalakhak si Titus. "Chill, man. Bakit kasi nag-move rito sa building na 'to? Okay ka naman na sana ro'n sa dati mong building. 'Wag mo na lang isipin 'yung nangyari sa 'yo noon. At isa pa, at least hindi mo naman siya ka-roommate," sabi ni Titus sa mababang tono. 

"And that's supposed to make me glad? Paano kung katulad din siya no'ng mga bading na nanghipo sa akin noon? Hindi nga lang hipo 'yung ginawa sa akin, e. Paano kung gano'n din siya? Mas malapit pa siya sa akin," sabi ko at bahagyang bumigat ang dibdib dahil sa ayaw kong maalala.

"Ang sensitive mo naman, Caiden! Feeling main character ka naman sa lagay na 'yan. Malay mo naman napatingin lang din sa 'yo pero wala naman siyang pakialam sa 'yo," sabi ni Titus kaya binatukan ko nga.

Hindi ko alam kung ngingiwi ako o kung papansinin ko 'yung biglang pagbigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Titus. Bigla lang umiinit ang ulo dahil sa pangyayaring 'to. 

Wala naman akong problema kung bading siya, ang problema. . . iba 'yung dating sa akin no'ng tingin niya. At ang OA man pakinggan, pero ina-anxious ako sa tuwing iniisip kong marami siyang puwedeng gawin. Hindi ko rin maiwasang hindi maalala 'yung nangyari noon. Nahihirapan ako lalo i-express 'yung nararamdaman ko.

"Are you nuts? Gano'n na gano'n 'yung tingin sa akin ng mga bading, Titus. At no'ng hinayaan ko lang sila at wala akong ginawa, 'saka sila gagawa ng way para mapalapit. Fuck. Ina-anxious ako na ewan. . ." Umigting ang panga ko't napailing-iling para subukan pakalmahin ang sarili ko.

"Parang kanina lang preskong-presko ka, ngayon bigla kang pinagpapawisan. Chill, Caiden! Hindi naman siguro aanuhin no'n. Sabi ko nga, baka napatingin lang. Ang OA mo lang kasi. Feeling mo mauulit agad 'yung nangyari noon," sabi ni Titus kaya mas lalong nagpinting ang tainga ko.

Napabuntonghininga na lang ako sa sinabi ni Titus 'saka pumalatak. What the fuck did he just say? Ang hirap-hirap alisin sa akin 'yong nangyaring 'yon noon. Paano ko 'yon basta na lang makalilimutan kung nati-trigger ako agad sa tuwing nakakikita ako ng bading. At kahit magpa-theraphy ako, mas lalo lang ako na nati-trigger. Mas lalo lang akong nahihirapan mag-cope up dahil nape-pressure akong maging okay agad.

"Alam ko na, pre. Bakit hindi na lang ako mag-inquire kung may room pa bang available? Mayroon pa ba sa inyo? Ina-anxious ako bigla rito sa building na 'to. Tangina naman, gusto ko lang sana maging masaya ngayong araw na 'to bago magpasukan, bigla namang may ganitong papasok na eksena," reklamo ko't napakamot sa ulo 'saka napabuntonghininga.

"Wala na rin sa amin. Ang OA mo, Caiden. Magpapalipat ka talaga dahil lang may katabi kang bading? Matagal naman na 'yong nangyari sa 'yo noon. At saka, 'wag kang mag-overreact. Hindi naman lahat ng bading pare-parehas. Malay mo may maayos naman," sabi ni Titus 'saka humalakhak. 

Nagpapanggap lang siyang nagbibigay ng suggestion, pero ang totoo gusto niya lang akong asarin dahil ina-anxious ako ngayon. Great. Kaya kapag sumabog ako ngayon, siguro kasalanan ko, 'no? Paanong hindi ako magagalit. . .? Ano bang dapat kong reaction sa ganitong sitwasyon?

Ditto Dissonance (Boys' Love) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें