Chapter 62

11.5K 375 787
                                    

Chapter 62: Jealousy, Jealousy

#DittoDissonanceWP

hello! thank you for waiting :)) this is a long chapter so enjoy!

guys!!!! don't forget to vote din <3 tenchu ^^

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

I groaned softly before taking a deep breath. My forehead creased with confusion when I heard murmurs. I didn't know if I was just still sleepy or if I was really hearing it.

I slowly opened my eyes. Zern is fast asleep. Yakap na yakap siya sa akin at gano'n din ako sa kaniya. Hinalikan ko ang ulo niya at muling pumikit. Sumiksik pa ako nang maigi sa kaniya.

Pero agad din akong napadilat nang nakarinig ako ng tawa mula sa likuran ko. Malalang nangunot ang noo ko. What the fuck?

Mishael, Magnus, Titus, Echo, and Leroy are here. Nakatayo sila malapit sa tapat ng pinto ng CR at sa tapat mismo ng entrance ng room. Sinadya nilang manahimik dahil nakatikom ang bibig nilang lahat.

"What the fuck?" I groaned. "Totoo ba 'tong nakikita ko? Bakit kayo nakatayo diyan na parang mga multo?"

Mahinang tumawa si Magnus. "Kararating lang namin. Pinagbuksan kami ni Mishael. Kanina pa namin kayo hinahanap. Alas-dos na ng tanghali, baliw."

"Hindi ka um-attend ng klase! May pasok, hindi ka kasi nagche-check ng GC," singhal ni Titus.

"'Wag kang maingay, Titus. Natutulog si Zern," masungit kong sabi 'saka kinuha ang phone ko sa uluhan na nakapatong lang sa study table ni Zern.

Alas-dos na nga. We overslept. Nabasa ko rin na nagpapapasok 'yung professor namin kanina sa GC. Pero hindi na ako nakapasok, nagpuyat kami ni Zern kanonood ng movies.

Binalik ko ang phone ko sa study table 'saka sila muling binalingan.

"May pasok din ba si Zern?" Sabi ko kay Leroy.

Tumango siya. "Oo, hindi ko na siya pinuntahan dito kasi akala ko papasok naman siya. Hindi naman 'yan kasi uma-absent. Kaso no'ng natapos na kami mag-lunch ni Ashton, wala pa ring paramdam si Zern kaya pinuntahan ko na. Si Ashton kasi ay may klase pa," mahinang sabi ni Leroy.

"Nakasalubong namin siya. Kasi hinahanap ka rin namin," sabi ni Echo.

Napangiwi ako. "Ang ingay mo, Echo. 'Pag nagising si Zern dahil sa ingay mo, lagot ka sa akin," masungit kong sabi.

"Ang sungit nito. Pinuntahan ka na nga namin kasi nag-aalala kami kung ano nangyari sa 'yo," sabi ni Echo at sinimangutan ako.

Kinunotan ko siya ng noo. "I just woke up, Echo, and you're loud," mahina kong sabi.

Nilingon ko si Zern na mahimbing pa rin ang tulog. Marahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Umungot siya 'saka nag-iba ng puwesto. Tumalikod siya. Iniayos ko ang pagkakakumot sa kaniya ng kumot bago umupo.

Sinuklay ko ang buhok ko palikod 'saka sila muling binalingan.

Nakatingin ang mga kaibigan ko pati si Mishael sa akin nang kakaiba. Nagtataka ang mga mukha nila dahil siguro sa ginawa ko.

"Bakit kayo magkayakap ni Zern?" Nagtatakang tanong ni Echo.

"Kinakatok ka namin kanina sa dorm mo, tapos si Leroy nagsabi sa amin na andito ka rin no'ng pinagbuksan na siya ng pinto ni Mishael," sabi ni Magnus.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now