Chapter 38

8.9K 388 264
                                    

Chapter 38: Reaching but Not Too Far

#DittoDissonanceWP

what are your thoughts on the story so far? let me know! <3 enjoy!

don't forget to vote! thank u ^v^

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Tulad ng sinabi ni Ashton, naabutan namin siya sa labas ng classroom namin para sabay-sabay na kaming magpunta sa Tafiti's. Ramdam ko na rin ang pagod, pero kailangan kong magtrabaho. Plus, iniisip ko pa ang mga dapat kong gawin mamaya pagbalik ko sa dorm. Nakakapagod pota. Ang hirap maging hampaslupang main character. Charing.

Nagtatawanan kaming tatlo habang naglalakad palabas ng building dahil sa mga kinikwento ni Leroy. Pero kusang unti-unting nawala ang ngiti ko at bumagal ang paglalakad ko nang namataan ko si Caiden na naglalakad mag-isa. Nakapikit siya at inuunat ang leeg niya. He must be tired and stressed. Ipinagkibit-balikat ko nalang 'yon.

"Zern, ano? Bakit ka huminto?" rinig kong sabi ni Leroy.

Maglalakad na sana ako papunta kina Ashton nang nakita ko namang lumabas sa building, kung saan din galing si Caiden, ang mga kaibigan niya. They look mad. . . or namamalikmata lang ako't naga-assume?

It left me with questions. Bakit nila hahayaang maglakad mag-isa si Caiden, kung galing din naman pala sila sa building kung nasaan si Caiden? Hindi ba sila magkakasama? Ang alam ko magka-same lang ng program si Titus at si Caiden. I'm pretty sure dapat magkakasama sila. Pero bakit mag-isa lang si Caiden?

Nang balingan ko sina Leroy, malayo na sila. Iniwanan na nila ako pero binabalik-balikan nila ako ng tingin kaya nagmadali na akong maglakad para mahabol sila.

"Bakit na-estatwa ka ro'n? Crush mo na 'yung mga kaibigan ni Caiden?" sabi ni Leroy habang nakangiwi sa akin.

Umiling ako. "Hindi, boang! Nakita ko kasi si Caiden din na naglalakad mag-isa, tapos nakita ko bigla 'yung mga kaibigan niya na galing din sa building kung saan siya galing," sabi ko at napanguso.

"Ano naman? Bawal na bang maglakad mag-isa si Caiden?" nang-aasar na sabi ni Leroy kaya mahinang natawa si Ashton at nilingon din ako.

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Ashton, kausapin mo nga 'yang friend mo. Gulo kausap," sabi ko at umiling-iling pa.

Humalakhak si Ashton. "Nag-aaway na naman kayo agad," sabi ni Ashton.

Iniligaw ko na lang ulit ang mga mata ko sa paligid, nang muli ko na namang namataan si Caiden na mabagal na naglalakad. Kababalik niya lang ng phone niya sa bulsa at saka sinuklay ang kaniyang buhok palikod. Nangunot ang noo ko nang bahagya niyang sinabunutan ang buhok niya bago bumuntonghininga.

Nag-iwas na ako ng tingin. Pero hindi maalis sa isip ko kung bakit sa nakita ko ngayon, mas naramdaman kong may problema. He's alone, and his friends looked mad a while ago. Parang may away atang naganap. Hindi naman siguro tungkol kay Titus, 'no? Iniisip ko tuloy na baka dahil sa nangyari kanina. . . or hindi naman?

Kusa akong napatingin ulit kay Caiden at parang umikot ang kalamnan ko nang nakatingin din pala siya sa akin. Mukhang pagod na pagod ang mga mata niya. Hindi ako sigurado pero. . . parang may luhang nangingilid sa mga mata niya at naaninag kong bahagya ring namumula ang mga ito.

Umawang ang mga labi ko nang mabilis niyang iniwas ang mukha niya at mabilis na naglakad papunta sa Ginto's. He didn't look back; he just went inside. Was he crying?

Ditto Dissonance (Boys' Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon