Chapter 29

10.1K 308 278
                                    

Chapter 29: Colors of Caiden

#DittoDissonanceWP

Read this note: I understand your frustration about Caiden. But I like Caiden as his writer. I know how he works. If you would like to see Caiden just like how I see him, you should continue reading. Hindi ko naman isusulat si Caiden para lang inisin ang mambabasa, I like growth. It makes us human. It helps us to realize that there's a chance. We would seize it if we wanted to. 

He is a great person. There are just some things that need to be fixed. He needs realization. He can accept corrections. He respects his mother and father. He's young. He will learn. Just trust the process and believe that novels are novels. It will always have its building process, climax, and resolution. 

But again, I am not pleasing anyone for this story. Kung sino ang may gustong magbasa, maaring magbasa. Kung ayaw, maghanap ng story na pasok sa taste. 

I write deep stories. You always have to analyze and learn to be patient as you read my stories. Once you get it, you'll know it. As a reader, you have to read it properly and enjoy it as well.  

Hindi na dapat lahat sinasabi at sobrang binibigay.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"So, ita-try muna natin unang mag-inquire sa Ginto's Coffee. Tapos kahit hiring din sa Ginto's, ita-try pa rin natin mag-inquire sa Tafiti's?" sabi ko kay Magnus habang naglalakad kami palabas ng school.

Tumango si Magnus. "Oo, pre. Mas maganda kung may iba ka pa ng choice. Kung kaya, puwede ka rin mag-apply sa iba pang coffee shop," sabi ni Magnus at tumango-tango lang ako bilang pagsagot.

'Pagkarating namin sa Ginto's, nag-inquire agad kami sa cashier. Nakangiti siya buong pag-uusap namin at hindi niya iniiwas ang mga mata niya sa mga mata ko. Mukhang type niya ako? Kaso mas gusto ko munang mag-focus sa mga dapat kong gawin. Kung dito rin ako magtatrabaho, hindi rin siguro maganda na magkaroroon ako ng ka-hook up dito.

'Pag student pa lang pala, kailangan lang ng resume, isang valid ID, at school ID. Hindi ko na need kumuha ng TIN ID. Kailangan ko rin magpasa ng registration form na enrolled ako, mayroon naman na ako no'n kaya resume na lang ang gagawin ko. Papatulong na lang ako kay Echo kung ano-ano ang mga kailangan kong ilagay.

Tulad ng sinabi ni Magnus, pumunta rin kami sa Tafiti's para mag-inquire kung hiring din sila kaso hindi raw sila hiring. Okay lang din naman kasi open naman sa Ginto's.

Nase-stress na nga ako sa mga kailangan kong gawin. May mabigat na nakatanim sa aking pressure at frustration. Kailangan ko ring i-process ang mga nangyayari, tapos bigla kong malalaman na kinausap na pala ni Zern ang cashier ng Tafiti's na hindi ako i-hire. Kung hindi ko pa narinig 'yung sinabi no'ng cashier tungkol sa application ni Zern, hindi ko pa malalaman. Nakakagago lang, promise. Nakakadagdag ng stress. 

Paano kung hindi hiring sa Ginto's? E 'di kailangan ko pang maghanap ng iba pang puwede? Paano kung may nahanap na nga ako, kaso magiging hassle sa pag-travel at maging conflict sa schedule ko lalo? Sana naisip niya 'yung stake na kailagan ma-sacrifice at kailangan i-process nang mabuti no'ng tao bago siya kusang nagdedesisyon nang gano'n. 

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now