Chapter 30

11.5K 355 225
                                    

Chapter 30: Settling Over or What?

#DittoDissonanceWP

grabe chap 30 na tayo agad TvT feeling ko hanggang chapter 50 to or more? TvT sabi ko short lang 'to, e. bwahahaha. anyway, enjoy! 

don't forget to vote <3 tysm

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Mabagal ang paglalakad namin nina Ashton at Leroy nang makapasok na kami sa school grounds. Tahimik lang silang dalawa kaya hindi ko rin alam kung paano magsasalita. Patago lang din akong bumubuntonghininga dahil sa nangyari kanina. Naiinis ako na hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tinapangan ko lang kanina kaya ko 'yon nasabi lahat kay Caiden, pero gusto na ngang umiwas. At in the first place, 'yon din naman ang dahilan kung bakit ko sinabihan si Jopay tungkol kay Caiden.

No'ng una naiinis ako, pero ngayong ang tahimik naming tatlo habang naglalakad sa ilalim at malamig na gabi, nadadala na ako ng paligid ko. 

Hindi ko na tuloy alam kung anong mararamdaman ko. Sabog-sabog 'yung nasa isip ko. Kailangan ko na sigurong magpahinga. Gagawa na lang ako ng resume bago matulog. Gusto ko rin mag-sleep nang maaga ngayon. Mukhang mas mabuti 'yon.

"Sorry, Ashton. Muntik ka pang mapaaway dahil sa akin. Hindi ko alam na maririnig ni Caiden si Jopay, at hindi ko rin inakalang gano'n magiging reaction niya kapag nalaman niya," sabi ko habang naglalakad kami para ma-clear na 'yung air at hindi na gano'n ka down ang pakiramdam.

He looked at me with tired eyes. "It's fine, Zern. Para lang ako na-drain bigla dahil palagi kong pinipigilan 'yung galit ko. Ang hirap kapag may unexpressed emotion, naapektuhan na 'yung buong mood. Gusto ko na siyang kwelyuhan kanina dahil para ka na niyang itutulak," sabi ni Ashton at umigting ang panga.

Patago akong bumuntonghininga. "Gano'n talaga siguro ugali niya. Kahit kasi anong gawin kong iwas, palagi ko pa rin siyang name-meet. Which is understandable dahil nasa iisang area lang kami. Magkatabi pa 'yung room namin. Magkasama pa kami sa org. Kahit anong iwas ko, palagi kaming pinaglalapit," sabi ko at napakamot sa ulo dahil sa nakaka-stress na naisip.

"Siguro, limitahan mo na lang 'yung pag-react nang garapal, Zern. Kung garapal siya, kill him with kindness. Be formal, gano'n. Kung siya palaging pagalit ang sagot, e 'di ibahin mo 'yong iyo. Maging formal ka. Pero hindi ibig sabihin na hindi ka na magagalit, magalit ka pero 'wag mo na lang ipakita para maiwasan na 'yung gulo. Para na rin hindi ka maconscious kasi mas naiintindihan mo kung ano 'yung kailangan mong gawin," sabi ni Leroy.

Napanguso ako. "Naiinis kasi ako agad, Ler. Alam mo namang ayaw kong tinatratong parang basura, lalo na kung wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko matanggap na gano'n niya ako itrato. Hindi niya ba kayang maging soft spoken?" sabi ko.

"Well, maybe it's time na ikaw na lang 'yung maging bigger person para sa mga taong katulad niya. Para naiiwasan na 'yang away na 'yan. Medyo na-drain din ako bigla dahil sa sinabi ni Ashton. Pakiramdam ko kasi included ako sa away ninyo kahit kayo lang 'yung nag-aaway. Since Ashton and I care about you a lot, nakikinig kami sa mga rants mo at nagsasabi rin kami ng thoughts namin tungkol do'n. Pero paano kung lumala? Paano kung mapaaway si Ashton talaga? Kilala mo naman si Ashton, kahit tumulong pa 'yung ibang kaibigan ni Caiden, kayang-kaya 'yon ni Ashton at hindi siya mase-sway no'n. Kaya paano kung may mangyaring masama kay Ashton?" sabi ni Leroy.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now