Chapter 43

10K 451 485
                                    

Chapter 43: Confused & Closeness

#DittoDissonanceWP

sorry again for the late update! thank you for waiting. busy lang din me! enjoy!

don't forget to vote <3 thank youuu

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatingin sa nakaiwas na mukha ni Caiden. Did he just say. . . he wanted to hang out with me? Ha! Bakit naman? Anong nangyayari?

At bukod pa ro'n, hindi ko alam kung bakit siya umurong palapit sa akin. Muntik na magkadikit 'yung tuhod at hita namin. Baka makuryente ako sa gulat. Bakit ba siya ganito? Bumabawi pa rin ba siya?

After ng no'ng nangyari sa shower area, hindi ko alam kung bakit niya nagagawang maging casual sa akin nang ganito. Tina-try ko na nga lang din maging casual dahil mukhang hindi naman siya apektado. Hindi ko rin alam kung normal ba talagang namumula 'yung tainga at mukha niya. Baka kasi puwedeng naiinitan o nalalamigan lang siya, o puwede ring iritable ang balat niya.

Hindi ko naman puwedeng i-assume na porket namumula ang balat, nahihiya or nagba-blush agad, 'di ba? Kaya hindi ko maintindihan. Mukha naman kasi siyang casual at parang walang hiyang kung ano-anong tinatanong sa akin. Habang ako, nahihirapan makatingin sa kaniya nang deretso dahil paulit-ulit tumatakbo sa utak ko 'yung nangyari sa shower area.

Hindi ko pa rin ma-imagine na nakita ako ni Caiden na nakahubad. Huhu. . .

"Bakit mo naman gustong makipag-hang out sa akin? Wala ka na bang friends. Boring ako kasama," sabi ko at umiwas din agad ng tingin.

Inaabangan ko sa peripheral vision ko kung lilingunin niya ako, at parang umikot nang kaonti ang kalamnan ko nang nilingon niya ako ulit. Patago akong napalunok. Okay na sana kami ni Caiden after no'ng nangyari no'ng gabing binigyan ko siya ng ice cream, pero putangina talaga, bigla namang may mangyayaring kahihiyan. Bumalik tuloy kami sa pagiging awkward na naman.

"I don't know. Actually. . . after no'ng gabing 'yon, palagi na kitang iniisip," bulong ni Caiden sa mababang boses.

Para akong nalagutan ng hininga saglit sa sinabi niya. At kung paano niya pa 'yon sabihin-para niya akong hinihele sa mababa at mahangin niyang boses. Patago akong napabuntonghininga para hagilapin ang hininga ko.

Tangina! Anong isasagot ko ro'n. Putangina. Tangina. Nagpa-panic 'yung utak ko. Tangina, help. Gago. Putangina, anong sasabihin ko?

"You helped me a lot that night. I will always appreciate that. Kahit marami akong nagawa at nasabi sa 'yong hindi maganda, ginawa mo pa rin 'yon. In-appreciate mo pa rin 'yung pagbawi ko sa 'yo kahit alam kong nahihiya ka at hindi ka sanay na gano'n ako ka-casual sa 'yo," bulong ni Caiden at mahina ring natawa.

Unti-unti ko siyang nilingon at magaan na nginitian. That helped to ease my mind a bit. Pero hindi ko pa rin talaga maiayos ang utak ko. Naghahalo-halo na. This is way too casual for me. Hindi ako sanay na ganito si Caiden. Plus, hindi natatanggal 'yung hiya ko gawa ng nangyari kahapon.

"I'm glad that I was able to help you. Kaya ba gusto mong makipag-hang out sa akin?" sabi ko at mahina ring natawa.

Nang nakita niyang mahina akong natawa, lumawak ang ngiti niya. Bahagyang nawala ang mga mata niya dahil sa sobrang pagngiti niya. Hindi puwedeng hindi ko purihin ang mukha niya kapag nakangiti siya. He should smile way more often.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon