Chapter 66

8.6K 288 59
                                    

Chapter 66: Another Steps to Take

#DittoDissonanceWP

Thank you for waiting! Enjoy!

Guys! Please don't forget to vote <3 it means a lot to me! ^v^ Thank you!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Tinititigan ko si Zern habang nanonood siya ng cartoons sa TV na nakapuwesto sa tapat ng kama. Nakaupo ako sa solo couch habang hinihintay ang in-order naming agahan.

Binilhan ko lang muna si Zern ng Piyaya at Mogu Mogu sa convenience store na malapit lang dito. Nauna kasi akong nagising kaya nag-asikaso na ako agad dahil mag-out na kami sa hotel before mag-ten.

Napanguso si Zern at napatingin sa akin. Matamis akong ngumiti 'saka nagtaas ng kilay.

"Why, baby? Do you need anything?" I said softly.

Umiling siya habang cute na ngumunguya. "Gusto ko kasi nandito ka sa tabi ko," sabi ni Zern.

Mahina akong natawa. "Kapag humiga ako sa tabi mo, hindi na naman tayo makababangon. Mag-out na tayo ng before ten. Alas-otso na," sabi ko.

Humalakhak siya. "Bawal na! Nakailan ka na kagabi," sabi ni Zern at pabiro akong sinamaan ng titig.

I chuckled softly. "I wasn't talking about that, love. Of course, I'd love to stay in bed and snuggle you until I fall asleep. But you have work today," sabi ko.

"Oo nga pala, 'no? Nag-chat din si Mama sa akin. Inaaya akong mag-church ngayon. Sabi ko may work ako, okay lang daw. Mamaya na lang daw sila magsisimba. Kasama nga si Tita Divine. Sinabihan ka rin ba?" Sabi ni Zern.

My lips parted. "Oh. . . right, I forgot to tell you that. Oo, sinabihan ako ni Mama. That's what I've been thinking-if papasok ako sa work today. Gusto ko na talagang mag-resign. Hindi ko na sila kayang harapin. Maybe if I quit, that'd serve as a lesson for them," sabi ko at bumuntonghininga.

Sumandal ako nang maayos sa couch 'saka mas ibinuka ang mga binti ko para mas makaupo ako nang prente.

"Sure ka ba? Sinabi sa akin ni Tita Joana, puwede ka raw mag-apply sa Tafiti's if gusto mo. Gusto mo ba?" Sabi ni Zern sa malambing na tono.

Nanatili ang mga mata ko kay Zern 'saka ko binasa ang labi ko. "I don't know yet, love. Malapit na rin mag-finals. I don't want to stress myself too much. Baka next year na lang ako mag-apply or this November. I'm still not sure, baby. Give me some time to think," sabi ko at tipid na ngumiti.

Maamo namang ngumiti si Zern 'saka tumango. "Okay, love. Have your time. . ." banayad na sabi ni Zern bago inilapag ang hawak niyang piyaya sa side table.

Umangat ang kilay ko nang bumangon siya at cute na naglakad papunta sa akin. Mahina akong natawa dahil ang tangkad niya pero sobrang cute niya sa paningin ko. He's like a tall penguin.

Umayos ako ng upo nang makalapit siya sa akin. Nakatingala ako sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. I could smell the Piyaya from his hand; it smells sweet.

"If something's bothering you, don't hesitate to tell me, okay? I will always listen. 'Wag mo na i-timing, basta i-open up mo lang. Ayaw kong mag-isa ka sa pinagdadaanan mo, gusto ko kasama mo ako," malambing na sabi ni Zern.

Ngumiti ako't tumango. "Thank you, love. . ." I whispered.

Napapikit ako nang halikan niya ako. He was supposed to kiss me quickly, but I grabbed his nape and pulled him so I could kiss him more. I can taste the lychee from his drink. I held his waist to guide him to sit on me.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now