Chapter 56

9.1K 382 248
                                    

Chapter 56: Good Times and Bad Times

#DittoDissonanceWP

thank you for waiting! I'll try to update again tomorrow :)

Guys! Please DON'T FORGET TO VOTE the chapter <3 I'll appreciate it so much. Enjoy!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Bago kami bumaba ni Caiden, nag-half bath muna siya. Kung ano-ano lang din muna ang kinalikot ko sa kuwarto niya habang naghihintay. Tinawag na rin naman kami ni Tito dahil dumating na raw sina Mama at Papa.

Nadatnan namin silang lahat sa tapat ng entrance door ng bahay. Nagulat ako nang nakita ko sina Mama at Papa na kasama si Kuya Zac.

Napangiti agad ako 'saka nagmadaling bumaba. Si Kuya Zac naman ay pabirong nakangiwi sa akin nang nakita ako.

"Oh, andiyan na pala sila," sabi ni Tita Divine at sabay pa silang mahinang tumawa ni Mama.

Hinawakan ko sa forearm si Kuya Zac bilang pagbati. Binati rin nina Mama at Papa si Caiden at gano'n din ang ginawa niya.

"What's up? Nakakaintindi ka ba ng tagalog?" pabirong sabi ni Kuya Zac kay Caiden.

Napangiwi nga ako agad 'saka siya kinurot sa braso. "Siraulo ka," bulong ko.

Mahinang tumawa si Caiden. "Opo, nakakaintindi po," sabi ni Caiden 'saka napatingin sa akin dahil mukhang nahihiya siya.

Humalakhak silang lahat dahil sa joke ni Kuya. Pauso talaga 'tong budoy na 'to. Kung ano-anong sinasabi. Baka mamaya sapakin siya ni Tito.

"Biro lang, brother. Ako nga pala si Zac. Kapatid nitong matangkad na silahis," sabi ni Kuya Zac at nag-abot pa ng kamay kay Caiden.

Mas lalo akong napangiwi. Putangina nito ni Kuya Zac. Masaya ako na nakita ko siya at nandito siya, pero putangina, parang hindi na pala. Kung ano-anong sinasabi, e. Siraulo amputa.

Hindi alam ni Caiden kung tatawa siya kaya tinanggap na lang niya ang kamay ni Kuya 'saka nagpakilala, "Caiden po."

"Ikaw talaga, Zac, niloloko mo na naman si Zern," sabi ni Mama.

Nagmaang-maangan naman si Kuya na parang wala siyang sinasabing masama. Kaya mahina ko siyang hinampas sa braso. Baliw amputa. Nakakahiya kina Tita Divine. Baka hindi na niya kaibiganin si Mama, siraulo pala 'yung isang anak, e.

Dumeretso na kami sa dining table. Pinalabas na rin ni Tita Divine ang mga napalutong ulam matapos itong initin. Tutulong sana kami sa paghanda kaso pinaupo na kami. Hindi kasi kami sanay na pinagsisilbihan. So, nakakahiya para sa amin nina Mama na nakaupo lang.

Nasa center seat si Tito. Sa kabilang gilid niya ay sina Tita Divine, Kuya Zac at Papa. Sa tapat nila ay kami nina Mama at Caiden. Pinapatabi ko nga si Caiden sa nanay niya pero gusto niya raw ako katabi at wala rin namang naging issue si Tita ro'n.

Habang kumakain, nagsimula ng magchikahan sina Mama. Nakikisali rin si Kuya dahil nakare-relate siya sa mga usapang trabaho. Napag-uusapan nila ang mga naging trabaho nina Tito at Tita sa ibang bansa noon.

"May gusto ka pa?" bulong ni Caiden.

Umiling ako. "Wala na, ikaw?" sabi ko at tiningnan angp plato niyang paubos na ang laman.

"Busog na ako. Kain ka pa. Masarap 'yung tempura. Si Mama gumawa no'n panigurado," malambing na sabi ni Caiden 'saka hinipo ang hita ko.

Napalunok ako't kumalabog agad ang dibdib. Tangina paano kung makita ni Mama. At makikita rin nila 'yung kamay ni Caiden na nasa akin.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now