Chapter 48

10.2K 400 433
                                    

Chapter 48: Apprehensive Connection

#DittoDissonanceWP

AUTHOR'S NOTE: please do not forget to vote <3 every vote and comment is appreciated! tenchu and enjoy!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Habang nasa biyahe, kumakalabog ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano 'yung kailangan kong maramdaman sa ginawa ni Caiden kanina. His choice of words is making me tremble inside. Parang sobrang makahulugan nito, kung sambitin niya.

Gano'n ba ako kahalaga sa kaniya para sabihin niyang 'wag na akong lalayo sa kaniya at 'wag na rin akong maiilang sa kaniya? At sinabi niya pang, doon lang ako sa mas malapit sa kaniya kung saan niya ako mas nahahawakan. Anong ibig sabihin no'n? Dapat ba akong mag-assume?

I'm starting to feel different emotions. 'Yung pagkalito ko may kasama ng ibang pakiramdam. Para bang may nagsisimulang something na hindi ko maintindihan kung ano. Wala rin naman kasi ako sa posisyon para mag-assume or bigyan ng mas malalim na ibig sabihin 'yung sinabi ni Caiden.

Pero putangina talaga. First time ko lang ma-experience na may nagsabi sa akin no'n. Ang corny kapag naririnig kong sinasabi ng ibang tao sa mga movie, pero ngayong sinabi sa akin, parang. . . nakakahilo at nakakatulala. Ang hirap i-process!

Lalo na kapag hindi naman sigurado kung bakit 'yon sinabi. Like. . . para saan 'yon? Bakit niya 'yon sinabi? Anong dapat kong i-take sa sinabi niya?

Basta! Putangina. Hindi ko alam mararamdaman ko. Kumakalabog lang 'yung dibdib ko sa sobrang kaba. Gusto niyang 'wag akong mailang sa kaniya, pero sinabihan niya ako nang gano'n tapos walang context!

Hindi naman mahaba 'yung pinagsamahan namin! It's just been a week! Although, hindi rin naman mame-measure sa tagal 'yung pagpapahalaga natin sa isang tao. Hindi ko lang talaga maintindihan. . . gano'n na ba ako kahalaga kay Caiden para masabi niya 'yon?

I want to acknowledge his words. . . but it is lacking. That lacking made me confused and somehow distant. . .

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Tahimik kaming apat na naglalakad papunta sa burger place na sinasabi ni Caiden. Ni walang gustong umimik. Nakadikit lang sa akin si Leroy at nasa tabi niya sina Caiden. Mas pinili kong pumwesto rito dahil magulo pa ang isip ko.

Si Caiden ang um-order para sa aming apat matapos naming mamili. Pumwesto na lang kami sa bandang dulo-sa bahagyang naaanggian ng aircon.

Nasa harap namin si Titus at nahihiyang tumingin sa amin ni Leroy. He looks kinder now. His expression is not mocking anymore. Mukhang totoo naman ang sinabi ni Caiden sa akin kahapon.

Out of nowhere, I spoke, "May girlfriend ba si Caiden?"

Titus' eyes circled. His lips parted. "Uh. . . wala naman. Hindi na rin kami nakakapag-club kaya wala na rin siyang kaka-hook up," kalmadong sabi ni Titus.

Tumango-tango ako. "Okay. Pero wala siyang nililigawan ngayon? Wala naman siyang type ngayon na girl?" sabi ko.

"Wala naman siyang nakukuwento sa amin kaya hindi ko rin sigurado. Ikaw lang naman ka-chat niya, 'saka kami minsan. Hindi naman kasi mahilig makipag-chat 'yan si Caiden. Tamad 'yan mag-type," sabi ni Titus at mahinang natawa.

Napalunok ako sa huli niyang sinabi. Hindi mahilig makipag-chat si Caiden? Pero siya palagi 'yung nagi-initiate ng chat naming dalawa. At paano naman nalaman nina Titus na ka-chat ko si Caiden? Ang weird naman if ikukuwento ni Caiden sa kanila na ka-chat niya ako.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now