Chapter 47

10.3K 476 1K
                                    

Chapter 47: Liking Compulsion

#DittoDissonanceWP

henlo! gusto ko lang i-share sa inyo that my fourth published book is now available in online stores <3 baka gusto ninyo bumili :>

thank u for waiting! enjoy and don't forget to vote :)

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Ipinatong ko ang braso ko sa noo ko at napabuntonghininga habang nakahiga sa kama ko't nakatulala sa kisame.

Hindi ko maalis sa isip ko 'yung eksena kanina sa convenience store. Ang saya ko na nakita ko si Zern na mag-isa, pero unti-unting nawala 'yung sigla sa dibdib ko no'ng nakita ko si Ashton.

He looks mad and irritated. That shows he likes Zern. Mukha siyang palaging nagseselos kapag nasa eksena na ako. Or territorial lang talaga siya sa mga kaibigan niya? Pero hindi naman siya mukhang gano'n kay Leroy.

And I'm not dumb not to notice. He really treats Zern differently. I'm one hundred percent sure that he likes Zern. Otherwise, why would he react like that? Leroy and I were okay, bakit sa kaniya hindi pa rin? Parang siya na lang 'yung galit.

Mahina akong natawa at umiling-iling.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit palagi akong naapektuhan kapag tungkol kay Zern. Nalulungkot ako agad kapag pakiramdam ko naapakan ko siya. Or naging sagabal ako sa oras nilang magkakaibigan. I respect him so much. Kaya kaonting problema lang, nade-drain agad ako. Feeling ko kasalanan ko agad lahat.

Hindi pa rin nagbabago sa dibdib ko-na gusto kong makapag-spend ng time kasama si Zern. Gusto ko talaga siyang makilala. Gusto kong makipagbiruan din siya sa akin at tatawa siya nang tatawa. I want to see that smile again.

Palaging nasa isip ko si Zern. Hindi ko alam kung bakit. Kahit anong gawin kong pag-alis sa kaniya sa isip ko, hindi ko magawa. Babalik at babalik pa rin talaga siya. I'm very glad that he always considers my feelings. He even messaged me.

Kinuha ko ang phone ko't tiningnan ang huling chat ko sa kaniya. Hindi na siya nag-reply. I was waiting for his reply pero. . . hindi na siya nakapag-reply. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na mamasamain. Nalungkot lang ako nang kaonti.

Zern:

:( sinabihan ko na siya about it. ayaw ko kasi na ganun yung treatment niya sayo. sorry ha? :( nafefeel bad lang ako dahil ang bait bait mo sa akin tapos para kitang tinitake for granted. :(

Caiden:

Thank you Zern :) mas mabait ka at palagi kitang naaappreciate. No worries. If uncomfortable si Ashton sa akin, ako nalang yung lalayo para hindi na kayo magkaroon ng problema. Naiintindihan ko naman :)

Napasimangot ako nang binasa ko ulit ang huli kong message. Hindi na niya 'yon na-reply-an. Tulog na kaya siya? Ilang oras na rin ang nakalilipas. Kanina pa ako nakatulala rito sa kisame at kung ano-ano ang iniisip. Should I message him? Hindi ba ako makakaabala sa kanila ni Ashton?

Nangunot ang noo ko nang biglang may sumanggi sa isip ko. . . hindi naman sila ni Ashton, 'di ba? Kasi paano kung hindi ko lang pala alam, pero may relasyon na pala sila kaya gano'n makaasta si Ashton?

May kung anong pagsikip ang bigla kong naramdaman sa dibdib ko nang naisip ko 'yon. Why did I feel and think about that? Fuck. Tangina naman, ano ba 'tong nararamdaman at naiisip ko? Umiling-iling na lang ako't nag-type.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now