Chapter 40

10.4K 402 408
                                    

Chapter 40: Unexpected Trap

#DittoDissonanceWP

sorry sa late ud! <3 thank you for your votes and comments. super appreciated ko lahat! thank you for reading ditto dissonance. di ko inaasahan na makakaabot ako ng chapter 40 ulit. it feels nice! tysm for joining me until now. enjoy!

don't forget to voteee! <3 thank youuuuu

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

That night was kind of unexpected. Hindi ko lang talaga inasahan na may magco-comfort sa akin, since sanay na akong kino-comfort ang sarili ko. Kung minsan nagre-rely ako kay Daddy, at bihira kina Magnus. Most of the time, mas sanay talaga akong mag-isa at i-cheer up ang sarili ko.

Friday morning, I received a message from Magnus around 6 a.m.

Magnus:

Mag-usap na kayo ni Titus. Pag-usapan niyo na 'yan. Sabay-sabay na tayong mag-almusal. Sa McDo na lang daw, banda sa highway. Kita-kita ng 7:30 a.m.

Caiden:

Maggy-gym ako ng seven. 8 pa ang tapos ko.

Magnus:

Aight. Punta ka nalang don ng 8.

Hindi ko na sineen ang message ni Magnus. I just long pressed it. Hindi pa rin naman gaano natatanggal sa akin 'yung inis ko sa kanila. Pero malaki ang naitulong ni Zern sa nararamdaman ko. Gumaan din kahit papaano at magagawa ko ng makipag-usap sa kanila.

Bumuntonghininga ako at napatitig sa kisame. I wonder if Zern is up. How should I greet him if I saw him? Sana makita ko siya ngayong umaga, gusto ko siyang ayaing kumain. Hinding-hindi ko na makakalimutan ang ginawa niya para sa akin kagabi. Palagi ko na 'yon ite-treasure.

Napangiti ako nang naalala ko ang popsicle na binigay niya sa akin kagabi. Hindi ko tinapon ang popsicle stick. Hinugasan ko 'yon kagabi at inilagay sa study table ko. I don't know why I put it there. Maybe because somehow it comforts me. Pinapaalala nito sa akin na kung drain na ako at pagod na pagod na, ikain ko lang ng ice cream at magiging maayos na ang lahat. Hahaha. . . cute.

I checked my messenger. Gusto ko sanang batiin ng good morning si Zern, pero nahihiya ako. Tinitigan ko lang ang profile picture niya na pusa. Natawa na lang ako sa sarili ko at umiling-iling bago pinatay ang phone ko't nilapag sa study table. Tama na, kikilos na ako. Baka ma-late pa ako.

Nag-half bath lang ako 'saka nagbihis ng pang-gym attire ko. Maliligo na lang ako after ko mag-gym. Hindi na rin ako magtatagal sa McDonalds kasama sina Magnus, hindi pa rin ako gaano comfortable kasama sila. Pero it would be nice if magiging okay na kami ni Titus. Sapat na 'yon for now.

Hindi naman matao sa gym ng university 'pagkarating ko. Nagulat pa ako nang tinapik ako ni Mishael sa braso habang inilalagay ko sa locker ang bag ko.

"Uy! Ikaw lang mag-isa?" sabi ni Mishael bago hinubad ang damit niya.

Tumango ako. "Oo, eh," sabi ko at mahinang tumawa.

"Gusto mong mag-almusal after?" sabi ni Mishael.

"Kikitain ko sina Magnus sa Mcdo, e. Next time na lang, Mishael. Salamat," sabi ko at tinapik siya sa braso bilang pagpapaalam.

Palabas na sana ako ng locker room nang bigla kong naalala si Zern. Nilingon ko ulit si Mishael na katatapos lang mag-suot ng tank top.

"Mishael, si Zern pala?" sabi ko.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon