Chapter 39

10.3K 350 295
                                    

Chapter 39: Changing Course

#DittoDissonanceWP

ang haba ng chapter na to T_T ang tagal kong sinulat. enjoy!

guys, don't forget to VOTE! ty <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Kung nakase-stress ang araw ko kahapon, mas nakase-stress ngayong Friday.

Nagising kasi ako ng alas-sais pero pinatay ko ang alarm ko para mag-alarm ulit ng alas-siete. Hindi ko kaya! Inaantok pa ako at pagod na pagod pa 'yung katawan ko. Ginising pa nga ako ni Mishael dahil nandiyan daw sina Leroy at Ashton pero hindi ako bumangon.

Naramdaman ko na lang na inaalog-alog na ako ni Leroy para gumising na. Alas-nuebe kasi ang pasok namin at mag-aalmusal pa kami nina Ashton. Kaya nawalan na ako ng choice kundi bumangon at maligo para magising ang kaluluwa ko. Nagbihis na rin ako agad ng pang pasok para deretso na ako sa klase mamaya. Saving my energy!

'Pagkatapos naming kumain nina Ashton sa isang spaghetti house near highway, bumalik na agad kami sa university dahil lagpas isang oras kaming nakatambay do'n dahil hindi tinitigilan ni Leroy ang cheese bread na binibenta ro'n at nakailang order siya ng chocolate dip para sa tinapay niya.

Sa unang subject naman namin, nagpa-surprise seatwork si Ma'am kahit ngayon pa lang naman niya kami ime-meet. Galing, putangina. To assess daw our knowledge about the subject at recorded daw agad. At hindi lang 'yon, after niya mag-discuss may activity siyang pinagawa para ipasa bukas.

So saya! Grabe, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga santo na naging professor ko siya. Dahil diyan, gusto ko siyang ipagdasal na maaga na siyang sumama sa mga santo dahil sobrang buti niyang tao. Eme!

Nag-overtime pa nga siya, e. Dahil sa kaniya kaonti na lang ang time namin para mag-lunch. Kaya habang kumakain kami ni Leroy, bwisit na bwisit kami parehas at kung ano-anong reklamo ang isinawalat namin pero mamaya gagawa pa rin naman kami ng activity. Wala naman kaming choice, e. 'Pag-college, magrereklamo lang pero gagawa pa rin dahil kailangan mag-comply.

Hindi na nakasabay sa amin si Ashton mag-lunch dahil maaga siyang pumasok para sa 1 p.m. class niya. Hindi rin naman kami nagtagal ni Leroy tumambay dahil may klase rin kami ng ala-una.

Sa second class naman namin, gusto ko ring magpasalamat na naging professor ko siya dahil hindi siya nagtuturo! Nanood lang kami sa YouTube ng kung ano-anong patungkol sa subject niya. Buong tatlong oras kaming nakatunganga sa projector at mukhang mga baliw na nagte-take down notes kahit puwede naman naming panoorin mamaya. Magpapa-quiz daw kasi siya next Friday. Wow! Super happy talaga. Super grateful!

Kahit alas-tres din ang tapos ng klase ni Ashton, hindi pa rin namin siya nakasama dahil may group activity daw siya kasama ang mga ka-block niya. Kaya na-miss ko agad ang presence ni Ashton. Okay naman ako kasama si Leroy, mas masaya lang kapag kompleto kaming tatlo. Mas may dynamic. Since si Ashton ang punching bag namin dalawa dahil parehas kaming Disney princess ni Leroy. Parehas kaming maraming reklamo at kaartehan sa buhay.

After din naman ng group activity ni Ashton, may klase pa siya ng alas-kwatro at 'yon naman ang start ng shift ko. Baka mamaya ko pa talaga siya makita, or baka bukas na dahil ayaw ko na rin siyang pasunudin dito. Baka gabihin na naman sila ni Leroy at hindi pa sila makapagpahinga nang maayos dahil sa akin.

Piniling sumama ni Leroy sa akin sa Tafiti's at hindi ko naman siya pinigilan. Sinabihan ko na lang siya na bumalik na lang din agad sa dorm ng bandang alas-siete para makapagpahinga na rin siya agad. Tinaasan ko lang siya ng kilay nang aapila pa sana siya. Sa huli, ako rin ang nasunod dahil kakaladkarin ko siya pabalik sa dorm niya kapag hindi siya susunod. Eme lang.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now