Chapter 28

10.9K 358 77
                                    

Chapter 28: Pulling While Pushing

#DittoDissonanceWP

Note: Thank you sa mga comments ninyo! Just analyze the characters para hindi kayo maguluhan. Give them the time to process things and to grow from it. 

Don't forget to vote. Thank you! <3 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Nakahalukipkip ako habang nakikinig nang tahimik sa klase kong Alternative Media Exploration. Si Titus naman ay abala sa pagdo-drawing ng kung ano-ano sa likod ng notebook niya at hindi nakikinig. Wala naman din kasing gaanong sinasabi 'yung professor namin bukod sa mga ita-topic namin sa buong term.

Napabuntonghininga ako. Na-frustrate ako sa bigla kong naalala. Bago na nga pala ngayon ang lifestyle ko. Hindi na ako puwedeng mag-night club. May pera pa ako, kailangan ko na 'tong tipirin. Maghahanap din ako ng madaling trabaho na hindi makakasagabal sa pag-aaral ko.

I can draw digitally and physically. Puwede rin akong mag-commission? Kaso that takes a lot of time at hindi naman lahat naa-appreciate 'yung art. May mga materials ako na puwede kong gamitin din sana, kaso gagamitin ko 'yon para sa subjects ko. If digitally naman, puwede rin kaso kakainin 'yung oras ko at magagahol ako sa mga activities na kailangan kong ipasa.

Hindi naman ako matakaw at puwede naman akong mag-gym dito sa university para less sa budget. Ang gumagastos lang ako nang todo sa night club pati sa pagbili ko ng mga damit. Ngayon, hindi ko na 'yon magagawa. Putangina, wala pa akong kotse. Sana hindi kuhanin ni Mama. Sana pumayag siyang akin pa rin ang kotse ko. Ayaw kong mag-commute. Ang mahal palagi ng taxi. Fuck. . . this is fucking frustrating.

Napapikit ako habang naliligaw sa isip ko at mabigat ang bawat paghinga. Napatingin na lang ako kay Titus nang tumayo na siya, gano'n din ang ginawa ng mga iba naming kasama.

"Pre, tara na. Lunch na," sabi ni Titus at parang wala lang nangyari.

Hindi ko pa 'yon agad na-process dahil sa dami kong iniisip. Muli akong napabuntonghininga bago tumayo. Hindi napapansin ni Titus na mayroon akong dinadamdam. Hindi ko rin alam kung paano ko ikukwento sa kanila kung sakali. Pagtatawanan lang siguro nila ako bago tulungan. Tutulungan naman siguro nila ako at bibigyan ng advice, pero pagti-trip-an muna ako. Numero uno na riyan si Titus. Walang duda. 

"Doon na raw tayo kumain sa palagi nating pinagtatambayan, do'n sa malapit sa building ng BS Architecture. Bibili muna ako ng aking favorite na nutella waffle, tapos deretso na tayo ro'n," sabi ni Titus habang naglalakad kami pababa ng building.

Tumango lang ako at isinuksok na lang sa bulsa ng hoodie ko ang mga kamay ko. Mukha akong loner sa hitsura ko ngayon. Wala ako sa mood magbihis nang maayos dahil sa frustration ko kanina. Naka-sweat pants nga lang din ako. Tangina talaga. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganito si Mommy. Ang biglaan ng parusa niya. Hindi ko tuloy alam kung paano ipoproseso.

Sinamahan ko lang si Titus bumili at saka kami dumeretso sa tinambayan na rin namin noon after ng meeting sa org. Nadatnan na namin sina Magnus at Echo ro'n. May dala rin silang pagkain at ako lang ang wala. Tangina, natatakot na ako gumastos kahit nagugutom ako.

Kumakain silang tatlo habang ako ay tahimik lang.

"Oh, bakit hindi ka bumili ng pagkain mo?" sabi ni Magnus sa akin.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now