Chapter 22

9.9K 312 24
                                    

Chapter 22: Trouble with the Rule

#DittoDissonanceWP

don't forget to vote <3 tysmmm enjoy! 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024] 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Nagpahinga lang kami saglit 'pagkatapos namin kumain bago umalis do'n para maglibot-libot na rin sa perya. Hindi ko na tinangkang tumingin sa gawi ni Zern ulit. Kahit nakita ko sa gilid ng mga mata kong napatingin siya sa akin. Maybe if I react lesser, he'll stop bothering me, too. That way, I'll be able to escape his guts. Then later on, he'll have zero interest on me.

It's better that way. The semester is just starting. Marami pa akong araw na dapat enjoy-in. At para mag-enjoy ko ang susunod pang mga araw, kailangan ko ng mag-focus sa kung ano ang masaya para sa akin. Dahil hindi ko naman alam kung bakit kailangan kong i-deal 'yung twat na 'yon. 

'Saka nakakatamad na rin pala makipag-asaran sa kaniya, na-realize ko lang din no'ng sinabi nina Echo at Magnus. Nakakatawa pero nakakairita nga rin since I have to deal with him. Mas maganda pala if 'wag ko na lang din siyang pansinin. 

Kaysa maligaw ako sa mga naiisip ko, inabala ko na lang din ang sarili kong magtingin-tingin ng mga nadadaanan naming mga tiangge. Maraming bumibili ng mga damit at sapatos na paniguradong mura lang. May mga 3 for ₱999.00 pang sapatos. That's so fucking cheap!

Napangiwi rin ako agad sa mga narinig kong kumakanta sa mga public karaoke. I sighed and shook my head. All right, I'll let them pass. They're having fun, that's good. And there are a lot of kids playing on rent-to-play PlayStation. Well, that's cool.

"Pre! May basketball, oh," sabi ni Titus kaya napatingin kami sa tinuro niya.

"That's hard," sabi ko dahil mataas 'yung ring at may naharang pang kadena na nagsisilbing pader na kailangan lampasan ng bola para makarating sa ring.

"Subukan ko," sabi ni Titus at mahinang tumawa.

"Ako rin, parang maganda," sabi ni Magnus.

Nagpunta kami ro'n para subukan nina Magnus. Nakatayo lang kami ni Echo sa likod nilang dalawa. Humalukipkip ako at pinanood si Titus na unang magta-try. Nagtawanan naman kami dahil tumama lang 'yon sa kadenang nakaharang.

"Wala lang 'yon. Practice lang!" sabi ni Titus at natatawang lumingon sa amin.

"Ayusin mo, Titus. Supot ka talaga tumira, e," sabi ni Echo.

"Tangina mo," sabi ni Titus habang nakatalikod at hawak na ang bola ulit.

Mahina kaming natawa ni Echo at pinanood ang pangalawang try ni Titus, pero hindi rin 'yon na-shoot. Kahit ang pangatlong try niya ay hindi rin na-shoot. Kaya si Magnus naman ang sumunod. Na-shoot niya ang unang try niya pero ang mga sumunod ay hindi na. Sa huli ay wala naman silang napalanunan dahil kailangan ma-shoot 'yung tatlong bola para manalo ng malaking teddy bear.

Habang naglalakad kami ay nagrereklamo sina Titus at Magnus.

"Ang hirap, gago. Ang taas no'ng ring. Sayang!" sabi ni Magnus.

"Kanino ninyo naman bibigay 'yung bear kapag nanalo kayo," sabi ko.

"Kay Mommy, mahilig 'yon sa mga stuffed toys," sabi ni Magnus.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now