Chapter 21

10.5K 369 123
                                    

Chapter 21: War Karma

#DittoDissonanceWP

sorry medyo matagal update may mga inaasikaso lang kasi me haha! enjoy <3 

don't forget to vote. tysm 

note: kung gusto ninyo pong ma-dedicate, comment lang here.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Alas-siete na rin nang nakarating kami sa perya. Medyo matagal din pa lang kumilos si Mishael kaya halos inabot din siya ng mga bandang 6:20 bago natapos kumilos. Galing na kami rito kanina, kaso no'ng bibili sana kami ng potato tornado 'saka lang napansin ni Mishael na wala sa bulsa niya 'yung wallet niya kaya bumalik pa kami sa dorm ulit.

Sa kasamaang palad, may demonyo kaming nakasalubong. Akala ko mamaya pang alas-tres ng madaling araw ang hell hour, bakit may demonyo agad na una sa attendance at alas-siete pa lang ay nandito na siya sa lupa.

Umusok ang ilong ko sa ginawa niyang pag ngiwi kay Mishael. Sa lahat ng naging roommate ko sa entire semester ko simula first year ako, si Mishael lang ang pinaka mabait at hindi homophobic. He's like Ashton. He's my friend. Naiirita ako na gano'n ginawa niya kay Mishael porket naging friendly siya. Gano'n din ginawa ko no'ng nasa ramen place. And what did I get? Tanginang lalaki 'yan. Bobo amputa.

"Salamat po," sabi ni Mishael 'pagkakuha ng order naming potato tornado at saka inabot sa akin ang isa.

Mabagal kaming naglalakad sa kahabaan ng perya, marami-rami ring tao pero banda sa nilalakaran namin ay kaonti lang dahil malapit 'to sa entrance at exit. Mas maraming tao banda sa tiangge, rides, at kainan.

"Pasensiya ka na ro'n sa lalaking 'yon, gano'n din ginawa sa akin no'n no'ng tinry kong makipagkaibigan sana," sabi ko at nilingon siya na hinihila mula sa stick ang potato.

He chuckled. "It's fine. Hindi mo kailangan humingi ng pasensiya para sa kaniya. I can ignore him. I was just trying to be nice. Kung gano'n siya ay wala namang problema. I have my own friends," sabi ni Mishael.

Napanguso ako. "Wala lang. Naisip ko lang na parang na-shut off 'yung pagiging kind mo. Naka-relate lang din ako since gano'n din nangyari sa akin," sabi ko kaya nilingon niya ako.

"It's fine, Zern. Thank you," sabi ni Mishael at ngumiti sa akin.

Well, it's okay now. Mukhang okay naman siya. Naisip ko lang na i-comfort siya saglit since nakalulungkot 'yung gano'ng feeling. Bobo lang kasi talaga 'yung Caiden na 'yon. Hindi man lang marunong maging mabait kahit minsan. Siguro gano'n din siya sa mga kaibigan niya. Kapag malungkot kaibigan niya, sabihin niya lang 'okay lang 'yan, pre.' kasi hindi siya marunong mag-comfort sa kasamaan ng ugali niya.

Marami pa siyang dalang paper bag kanina ng mga branded clothing stores. Halatang spoiled brat. Lahat siguro ng gusto no'n nasusunod kaya gano'n kataas tingin niya sa sarili niya. Okay lang naman sana maging proud siya sa mukha niya dahil wala namang hindi sasang-ayon kapag sinabi niyang gwapo siya.

Sana dumating 'yung araw na siya naman 'yung maghahabol at kailangan niyang maging nice para lang makuha niya 'yung gusto niya. He needs some humbling down.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now