Chapter 16

11.4K 405 86
                                    

. Chapter 16: Avoiding to be Bothered

#DittoDissonanceWP

Read this note: Just a reminder, this story is enemies to lovers. Maraming bangayan bago magkaroon ng reconciliation and love story. Marami na akong warning, una pa lang. Kung hindi ninyo type 'yung kuwento, just exit quietly. You don't have to announce your departure. Bakit kailangan, right? Para kasing nanghihikayat kayo na tigilan na lang basahin 'yung kuwento. 

Novels have arcs. Introduction, Rising Action, Climax, Falling Action, and Resolution. Hindi puwedeng mapunta agad sa Climax without building the trope of the story. Therefore, it is meant to be written that way. So you don't get to decide for it. I'm writing this again to remind everyone reading this that my story is not for everyone. Hindi ko pinipilit ang mga tao magustuhan ang sinusulat ko, it's just a matter of chance. Kung bibigyan ninyo ng chance ang kuwento ko, doon lang 'yon lahat magva-vary. It's all about the intention of the reader. 

Again, I am a fan of character development. That's all I can promise to you as the reader of my story. I always love it when my characters realize what they should have done instead of making the mistake that they did. But either way, they're bound to make mistakes for them to grow. That's all. 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Dumeretso na kami sa pool area 'pagkabalik namin sa university. May mga tao na ro'n, at magsisimula na siguro ang orientation mayamaya. Sinamahan namin si Magnus sa locker room para magpalit siya ng trunks pero magsusuot din naman siya ng beach short kasi nahihiya raw siya.

Humalakhak si Titus habang nakaupo sa bench na nasa gitna ng bawat locker, "Bakit ka naman mahihiya? Tutulungan mo coach mo mag-demo, 'di ba?" Sabi ni Titus.

Ngumiwi si Magnus habang inaayos ang buhok niyang binasa niya kanina, "Ayaw ko, baka paglawayan ako no'ng mga first year. Bawal lumandi ng first year, puwede kung maganda at hindi minor. Putangina may mga minor kasing first year. Nagugulat na lang ako 17 pa lang, e," sabi ni Magnus at umiling-iling pa.

"Tama, bawal sa bata si Titus!" Sabi ni Echo kaya naghalakhakan kaming apat.

"Tama, pre. Bawal sa minor. Gusto ko man ma-experience nila ang kasarapan ng buhay, bawal pa sila. 'Saka na kapag hindi na sila minor," sabi pa ni Magnus at nakipag-apir kay Echo habang nagtatawanan pa rin.

"After nito, sabay-sabay na rin tayo magpunta ro'n sa general orientation ng org. Saan ba raw, nasabi ba?" Sabi ko habang nakaupo rin malapit kay Titus.

"Doon pa rin ata sa building ng BS Architecture. Baka sa gym lang ulit," sabi ni Magnus bago sinarado ang locker niya.

Tumango lang ako bago tumayo. Sabay-sabay na kaming lumabas sa pool area. Mas marami-rami na ngayong tao. I flicked my tongue while looking for some view, kaso kaonti lang ang babae at saka baka minor pa 'yung iba diyan kaya 'wag na. Puro mga lalaki ang sumali sa swimming. May mga nakasabay din si Magnus na nagpapalit kanina sa locker room.

Nakihalubilo na si Magnus sa mga kasama niya habang kami ay umupo sa bleachers. Sa totoo lang, wala naman akong gagawin dito. Gusto ko lang lumipad ang isip ko at hindi ko na maisip 'yung inis ko sa sitwasyon ko ngayon.

"Club ulit tayo mamaya? Gusto ko magpakalasing?" Sabi ni Echo kaya napatingin agad ako sa kaniya.

Napangiti ako. "Gusto ko rin, pre. Gusto ko rin talaga may maka-hook up. Tangina kasi kagabi, may boyfriend pala. Kung makaharot sa akin, tapos may jowa pala," reklamo ko kaya mahina silang natawa ni Titus.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now