Epilogue

777K 13.6K 1.7K
                                    


 "ON THIS DAY, i give you my hand and my heart. You are the love of my life, Kim, you make me happier than i could ever imagine and more love than i ever thought possible. And as i join my life to yours, i promise faithfulness, patience and perfect love. Most of all,i promise to hold your hand every night and never let us lose our spark.. I love you."

Hindi mapigilan ni Lynne ang pagguhit ng ngiti sa labi niya. Iba pala ang pakiramdam kapag sa bibig ng lalaki mo maririnig ang pagmamahal nito sa babaeng espesyal dito. Parang gusto na talaga niya maniwala na may lalaki pang tulad ni Diego.

Eh, meron pa nga ba? Bumuga siya ng hangin at pinawi ang isiping pumapasok sa loob ng utak niya.

 Ayaw niyang masira ang mood niya. And more importanly, ayaw niyang masira ang make up niya dahil lang naisip niya ang ex-boyfriend niyang iniwan siya. Nasa kasal siya ng kaibigan niyang si Kim at dapat na maging masaya siya ngayon.

 Kahit bitter siya sa pag-ibig at gusto niyang sumigaw ng "Walang Forever" habang ginaganap ang garden wedding nito, hindi ata niya magagawa. Bakit? Hindi dahil sa kaibigan lang niya si Kim, kundi alam niya na deserve ng kaibigan niya kung ano ang sayang nararamdaman nito ngayon.

 Bilang bestfriend nito, alam niya ang lahat ng pinagdaanan ng kaibigan bago nito na-achieve ang happily ever after. Nasaksihan niya ang lahat ng sakit at hinanakit na naranasan nito sa buhay pag-ibig. Nandoon siya noong unang maghiwalay ito at si Diego hanggang sa muling nagkrus ang landas ng mga ito.

Kaya wala siyang masabi. She was happy for her friend. She truly deserve to be happy.

At ngayon, naroon siya bilang bridesmaid nito. Saksi siya sa pag-iisang dibdib nito at ng lalaking pinakamamahal nito.

"You may now kiss the bride." sabi ng pare. At bumaba ang mukha ni Diego kay Kim para halikan ito. 

Umugong ang hiyawan at palakpakan ng magtagal iyon ng dalawang minuto. Parang walang mga audience ang dalawa habang nasa harap ng altar at naghahalikan. Hindi niya tuloy mapigilan ang ang mapangiti.

Relationship goals. Wedding goals. Hay, goals na hanggang ngayon zero chance pa rin na ma-achieve niya.

She's turning twenty six next month. Pakiramdam nya mashonda na sya. At sa isang lalaki lang siya na-inlove ng todo. Ibinigay na niya ang lahat, iniwan pa rin siya. Meron pa kayang dadating para sa kanya?

 Nakatutok pa rin ang mga mata ni Lynne sa bagong kasal nang maramdaman niya ang tila mainit na haplos ng apoy sa balat niya. Na para bang may mabangis na nilalang ang nagmamatyag sa kanya. Bumaling siya at nakita niya ang isa sa kapatid ni Diego. Kung hindi siya nagkakamali, Drake ang pangalan nito. Ipinakilala ito sa kanya ni Diego bago ang araw ng kasal.

 Well, his brother is a hottie. Kahit naman 'yong Dash, gwapo rin. Nasa lahi din yata ng mga ito ang pagiging maskulado. Though, hindi naman talaga kapatid ni Diego si Dash at Drake. Nalaman rin niya na pinaampon si Diego sa mga McIntosh noong baby pa lang ito. Hindi niya alam kung anong dahilan. Hindi naman siya nag-usisa na dahil mukhang may malalim na dahilan naman kung bakit kinailangan gawin ng mga magulang ng lalaki 'yon.

Gumuhit ang pilyong ngiti sa mapang-akit na labi ni Drake at kinindatan siya. Natigilan siya doon at napaiwas ng tingin. Was he flirting with her? Hindi niya alam.

Pasimpleng tumingin siya sa lalaki sa gilid ng kanyang mata. Nakatingin rin ito sa kanya. And the way his blue eyes stared at her, it made her think of some wild animal slowly stalking it's prey.

Gawwd, bakit ba siya nito tinititigan? Type ba siya nito?

Lumingon ulit siya sa lalaki. He was still staring at her. May ngiti sa labi. Leche, nilalandi nga yata siya ng lalaking 'to.

In Bed With My Ex (R-18)Where stories live. Discover now