Chapter Twenty Four

697K 13.2K 1.8K
                                    


 NAPATILI si Kim nang biglang sumulpot si Diego sa likod niya at pugpugin siya nito ng halik sa leeg. "Stop that! Geez! Ang landi mo, ha! I said stop---"

"Wala namang makakakita, mahal. Wag ka na mahiya."

"Anong walang makakita? Kita mo ang mga 'yon? Mga turista 'yon, tapos lantaran ka kung magpakita ng kalandian!"

 He let out a throaty laugh. "Exactly! Mga turista ang mga 'yon at sa bansa nila, normal na ang makakita ng mga couple na nagma-make out. Mas malala pa nga 'yong iba, eh."

"Aba, wag mong sabihin na lalagpas ka pa sa limitasyon?"

"Why not?" Ubod ng kapilyuhan na sagot nito.

Sinapok na niya ito. "Heh! Ano ka, sinuswerte? Naka-score ka na kanina. Wala ng kasunod 'yon."

 "Grabe naman yata 'yan, mahal. Hindi ba pwedeng isa pa?" Tinampal niya ito sa dibdib. Parang gawa sa bakal ang katawan nito, napakatigas. Bigla, naalala niya ang mga sandali kapag nasa ibabaw niya ito at umuulos sa gitna niya.

 Her sex clenched and she sucked in air. Kontrolado ang sarili, humakbang siya palayo dito at tinungo ang malaking bato malapit sa kanila. Umupo siya doon at pinagmasdan ang pagkinang ng kulay blue green sa ilalim ng sikat ng naghihingalong araw.

 Isa't kalahating oras bago nila narating ang Bumod-ok Falls. Hindi biro ang haba ng nilakad nila. Pero worth it ang pagod nila nang marating na ang itinuturing na Grand Falls of Sagada.

"Mahal naman, halika dito.."

"Stop it, Diego. Nilalamig na ako." Totoo 'yon, napakalamig ng tubig at napawi niyon kanina ang pagod at init ng katawan niya.

"E, di papainitin kita."

Pinaikutan niya ito ng mata. "Not here."

Ngumisi ito at sinuklay ang basang buhok nito. She watched his bicep bunch at the movement.

Tumaas ang sulok ng labi niya. Inaakit ba siya nito? "Hindi mo ako madadala sa ganyan, Diego. Believe me."

"Fine."

"Teka, nasaan ba si Mang Impe?"

"Hmm.. Nandoon yata sa pinag-iwanan natin kanina. Baka nagpapahinga."

"I-check mo nga muna kung nandoon nga. Iniwanan na natin eh."

 "Okay." Pagsunod agad nito sa kanya dahilan para umangat ang kilay niya. Pinanood niya ang pag-ahon nito. She ogled his tight muscular butt. Darn, girl.

 Pumikit siya at humiga sa malapad na bato. Mga ilang minuto na siyang nakapikit ay hindi pa rin bumabalik si Diego. Gaano ba sila kalayo nito sa kinaroronan ni Mang Impe para magtagal ito?Rumehistro sa pandinig niya ang mga boses ng babae sa di kalayuan. Then, she heard a man's voice... Diego.

 Napamulat siya at naniningkit ang matang hinanap ito ng tingin. Sa lakas ng dating nito ay laki ng pangangatawan, madali niyang nahanap ito sa kumpulan ng mga babaeng naka-swimsuit. Kung may kakayahan lang siya na bumuga ng apoy, baka iyon na ang nagawa niya.

 That sneaky bastard. Inutusan lang niya ito na tingnan ang kasama nila, pero ayun at nakikipaglandian na sa mga higad.

 "Kuya, picture din tayo!" Malanding sabi ng isang babae, nakapulupot na ito kay Diego at parang sayang ipinaparadam sa binata ang nagmumurang hinaharap nito. Para-paraan. May pa-kuya-kuya ka pang nalalaman, nilalandi mo namang higad ka.

"Sure, sure." Nakangising tugon ni Diego at humarap sa camera.

 Jealousy heated her cheeks, and she found herself furiously glaring at him. "Bwisit ka."

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon