Chapter Sixteen

746K 13.3K 583
                                    


 SINALUBONG sila ng isang babaeng nakadilaw na bestida. Sa tantiya niya ay nasa forty's na ang babae. Ipinakilala ito sa kanya ni Diego bilang caretaker ng bahay. May kasama itong lalaki na kumuha ng atensyon niya. Wala itong pang-itaas at hindi niya mapigilan na mapatingin sa namumutok na muscles nito.

 Good God, the guy was a hunk. Kupas ang maong na suot nito at may hikaw pa ito sa kaliwang tenga na dumagdag sa karisma nito. Kamag-anak ba ito ni Diego? Pinsan? Dahil kung oo, malayo ang itsura nito sa lalaki. Tila latino ang aura nito, iyong tipo na bumibida sa mga Mexican novelas na napapanood niya sa internet. Habang si Diego ay parang isang Hollywood actor.

 Nakatingin din sa kanya ang lalaki at nakakatunaw buto ang ngiting ibinigay nito sa kanya.

"Manang Lucing, nakahanda na ba ang silid namin ng nobya ko?" may diin ang pagbanggit ni Diego sa salitang "nobya". Madilim ang mukha ng binata nang sulyapan niya ito. Kasabay niyon ay naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak ng kamay nito sa kanya.

"Ah, oo, Sir. Nalinis ko na kahapon pa ang kwarto n'yo."

He nodded, his jaw clenched. "Sige, Manang. Aakyat muna kami."

"Sir, hindi po ba muna kayo kakain? Mukhang pagod kayo sa byahe. Tamang-tama pa naman.. Nagluto kasi ng kare-kare itong pamangkin ko."

Tila mas lalong humigpit ang hawak sa kanya ni Diego nang lumipad ang tingin nito sa lalaking kanina ay tinitingnan niya.

Ngumiti sa kanila ang lalaki. "Nice to meet the two of you. By the way, i'm Sven." Nakipagkamay ito kay Diego, pagkatapos ay sa kanya. Tumikhim ang binata nang magtagal ang pakikipagkamay nito sa kanya.

Salubong ang kilay na tiningnan niya si Diego. Nagseselos ba ito kay Sven? Sa paraan ng pagkakatiim-bagang nito, parang hindi nito gusto ang lalaki.

Hindi siya nito pinansin. "Manang Lucing, magpapahinga muna kami sa kwarto. Ipasunod nyo na lang mamaya kay Mang Impe 'yong mga gamit namin." Pagkatapos nun ay hinila na siya ni Diego hanggang sa makaakyat na sila papunta sa kwarto.

"Ano 'yon?" pagkompronta nito sa kanya.

"Anong 'ano 'yon?"

"Answer me. Bakit nakatingin ka sa lalaking 'yong? You're obviously staring at him while you're with me!"

Napamulagat ang dalaga. Aba, teka... "Nagseselos ka ba?"

Hindi ito nakaimik. Binitawan siya nito at napahilamos sa mukha. Pamilyar sa kanya ang reaksyon nito na 'yon. Tuloy di niya maiwasan ang lihim na mapangiti. He was jealous. Yeah, he was actually mad because he's jealous! Kaya pala gayon na lang ang disgusto sa mukha nito nang magkamay sila ng pamangkin ni Manang Lucing.

"Wala ka namang dapat ikagalit. I'm just a normal girl. Nakaka-appreciate ng mga gwapo at may six-pack abs." aniya, kapagkuwan ay humagikhik.

Marahas na humugot ng hangin si Diego. "At inaamin mo pa ngayon sa akin na type mo ang lalaking 'yon?" Those blue eyes looked so stormy as he stared at her.

"Wala naman akong sinasabing type ko siya, ah?" "Pero ganoon na rin 'yon. Ako ang boyfriend mo, ako lang dapat ang tinititigan mo!"

Aba, maswerte ka! Ngali-ngali niya itong sigawan. But she managed to keep calm. Pero sa totoo lang, parang gusto na niyang mapaatras. Nakita na niya kung paano magalit si Diego. Nakita na rin niya kung ano ang kaya nitong gawin kapag nagseselos ito o kaya may pinagseselosan. And she don't like him when he's jealous.

"Okay, okay. Just forget about it, okay?" Lumapit siya sa binata at ipinatong ang mga kamay sa matipunong balikat nito. "I'm sorry. Hindi na 'yon mauulit. So.. Magpahinga ka muna."

In Bed With My Ex (R-18)Where stories live. Discover now