Chapter Twenty One

805K 13.8K 1.1K
                                    


 INILAPAG ni Kim ang isang tray sa maliit na table sa harap ng binata. Nakaupo ito sa sofa habang nanonood ng documentary film. Seryosong-seryoso ang mukha nito nang lumapit siya.

"O, magmeryenda ka na." sabi niya. Muntikan pa siyang pumalpak sa pagbe-bake kanina sa pagkadistract niya kay Diego. Ilang sandali bago niya napakalma ang sarili mula sa paglalandi nito sa kanya.

Lumipat ang tingin nito sa kanya, pagkatapos ay ngumiti. "Sabayan mo na ako. Dito ka sa tabi ko." Umayos ito ng upo at nagbigay ng pwesto sa kanya.

"Hindi na. Busog pa naman ako."

"E? Di mo ba titikman man lang?"

"Natikman ko na. Ayos lang. Sige, maliligo pa kasi ako." Papatalikod na siya nang hagilapin nito ang braso niya at hilahin siya paupo sa kandungan nito. Sa pagkagulat niya ay napatili siya.

"Diego!" Pinanlakihan niya ito ng mata at kinurot sa braso. "Ano ka ba? Wag ka nga masanay na nanghihila ka basta!"

Hindi kumubli ang kapilyuhan at amusement sa mata ng lalaki. "You deserve that. Nasasanay ka rin na tinatalikuran mo na lang ako basta."

"Ah, bakit? Ipinagbabawal ba 'yon, Diego, ha?" Pinagtaasan pa niya ito ng kilay.

"Hindi. Pinagsusupladahan mo na ba ako ngayon?" Humaplos ang kamay nito sa braso niya at para siyang napapaso sa init na dala ng palad nito.

Napalunok siya, at pasimpleng hinawi ang kamay nito. Nakita niya ang pagngiti ni Diego sa naging reaksyon niya. Muli nitong ibinalik ang kamay sa braso niya.

Nag-init ang pisngi ni Kim. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, kung hahawiin ba ang kamay nito o hahayaan na lang niya ito. Kasabay rin niyang iniisip ay kung paano makakaiwas dito.

"Nagmamadali lang ako. Gusto ko na maligo," sagot niya sa tanong nito.

"Bakit hindi ka na lang sumabay sa akin kanina?"

"May ginagawa nga ako, di ba? Bat ba ang dami mo pang tanong? Magmeryenda ka na nga lang at pakawalan mo na ako."

"Hindi." Pumulupot ang braso nito sa beywang niya at mas lalong idiniin ang katawan niya sa matipunong katawan nito. Nanuot sa kanyang ilong ang sabon at panlalaking cologne nito at para siyang nahihipnotismo sa amoy nito. "Dito ka lang sa akin."

"Oh, please." Kahit nanlalambot ang mga buto niya, sinubukan pa rin niya na gamitin ang kukunting lakas para kumalas dito. "Maliligo muna ako. Mauna ka na magmeryenda."

"Bakit pakiramdam ko iniiwasan mo talaga ako? Anong ginawa ko para iwasan mo ako?"

Napalunok si Kim. "H-Hindi naman--"

"Drop the act. I know you're avoiding me, Kim. I can feel it." Bagaman seryoso ang tinig nito, nakikita naman niya ang kapilyuhan sa asul nitong mga mata habang ang kamay nito'y nasa tagiliran niya. Dama niya ang init niyon sa kabila ng telang hadlang upang maramdaman nito ang balat niya. Pakiramdam tuloy niya ay may apoy na dala ang makalyong kamay nito. "Why? Magsabi ka ng totoo. Don't deny it."

Parang gusto niyang mapamura. Nakaligtas nga siya kanina. Pero mukhang nakahanap pa rin ito ng pagkakataon para magisa siya.

Nakagat niya ang ibabang labi. His blue eyes darkened even more. Naramdaman niya ang pagkabuhay ng matigas na bagay sa ilalim niya.

"Answer me," his voice was rough and low.

Napadaing ang dalaga. "You're not going to let me go that easy, are you?"

"Hindi." Pagkatapos ay ibinaon nito ang mukha sa leeg niya. Oh, Good Lord.

"What are you doing?" nanginig ang tinig ni Kim.

In Bed With My Ex (R-18)Where stories live. Discover now