Chapter Twenty Five

597K 11.5K 740
                                    


 MARAHAS na pinahid ni Kim ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya. Patuloy siya sa pagtakbo. Hindi niya maialis sa isip ang nasaksihan. It was heartbreaking. Parang paulit-ulit na tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya.

 How could he? Alam niya na may kasalanan siya dito at pinagsisisihan niya na nagsinungaling siya. Pero bakit? Bakit ito naghanap agad ng iba? Bakit siya nito pinalitan ng ganoon kadali?

Nanginginig na pinahid ulit niya ang pisngi. Wala siyang pakialam sa mga napapalingon sa kanya at nagtataka sa pag-iyak niya. Kailangan niyang makalayo. Kailangan niyang makabalik sa bahay para ikulong ang sarili doon at umiyak hanggang sa wala na siyang maramdaman. Pagkatapos niyon, sigurado siya makakamove on rin siya. Malilimutan rin niya ito.

Nanlalabo ang mga mata na tumawid siya. Ilang segundong nabingi siya sa mga tili at busina bago niya nagawang mapabaling sa kanan...

Too late. Sinalpok na ang katawan niya ng isang taxi na mabilis ang takbo.

Napabalikwas ng bangon si Kim. Namimilog ang mata na iginala ang tingin sa madilim na silid. Drops of sweat trickled down her temples, neck and spine. Napapikit siya at napahawak sa dibdib niya. Malakas ang dagundong niyon. Parang kagagaling lang niya sa eksena na mismong napanaginipan niya.

"Oh, God.. Oh, my God." Napahilamos niya. Parang kahapon lang. The memory was still fresh.

Unti-unting gumalaw ang katabi sa kama, pagkatapos ay napaupo nang mapagtantong may gumagambala sa kanya. "What happened?"

Nanginginig na umiling siya. "N-Nothing.. It's just... Nothing."

"You're shaking. Sabihin mo sa akin, anong nangyari?" Hinagod nito ang likod niya, paraan para kalmahin siya.

She inhaled sharply. "It's just a dream. I'm okay, don't worry." Panaginip lang iyon, panaginip na lang.. Pumulupot ang braso nito sa katawan niya at niyakap siya. "Kung ano man 'yan, nandito lang ako." The heat of his body chased away the coldness and shadows of her nightmare.

Mapait siyang ngumiti. Sana ganoon lang kadali 'yon.


 HINDI pa sumisilip ang unang sinag ng araw ay gising na si Kim. Mahigpit ang yakap nito sa beywang niya. Pumihit siya para mapagmasdan niya ng husay ang mukha nito. He looked so peaceful. Parang walang bumabagabag sa pagtulog nito.

Sa loob ng dalawang taon, kagabi lang ulit siya dinalaw ng bangungot ng nakaraan. It scared her. Mangyayari ba iyon ulit sa kanya? O ipinapaalala lang ulit sa kanya kung paano siya naghirap at nasaktan?

 Lumunok siya at sandaling ipinikit ang mga mata. Maingat niyang inialis ang braso nitong nakapulupot sa katawan niya at marahang bumaba sa kama.

Nagtungo siya sa ibaba at nagtimpla ng kape sa kusina. She needed that. Pakiradam niya ay napakabigat ng dalahin niya sa isip.

 Hindi niya mapigilang maalala ulit ang nangyari dalawang taon na ang nakakaraan. Kung saan nahuli niya si Diego sa condo unit nito na may kasamang ibang babae. Oo, maaaring mali lang siya ng hinala na may nangyari dito at sa babaeng iyon. But the woman was wearing his shirt. His shirt. Wala itong ibang saplot sa katawan maliban doon.

 "Babe, who is she?" The woman asked. Nakataas ang kilay na pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Kim.."

Diego tried to explain. He tried to apologize. Hindi siya nakinig. Hindi lang dahil sa galit siya kundi dahil sa ayaw niyang dagdagan pa ang sakit sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay paulit-ulit siyang sinasaksak sa isipin na naipagpalit agad siya nito sa ibang babae.

In Bed With My Ex (R-18)Where stories live. Discover now