Chapter Fifteen

723K 13.7K 459
                                    


 HALOS kalahating araw ang itinagal ng byahe nila patungo sa Sagada. Sa buong byahe ay hindi man lang nakaramdam ng antok si Kim. Gising na gising ang diwa niya. Dahil sa buong oras na itinagal ng byahe nila, walang laman ang isip niya kundi si Diego.

 Habang mahimbing na mahimbing ang tulog nito, siya naman ay panay ang kakaisip sa mga bagay na maraming kinalaman sa binata. Oo, naguguluhan siya. Talagang naguguluhan siya. Dumagdag pa doon ang mga sinabi ni Mang Impe. Parang hindi niya mapaniwalaan ang mga narinig niya.

 Gusto niyang isipin na walang katotohanan ang mga iyon. Pero ano naman ang dahilan para gumawa ito ng kwento? WALA. There's no reason for him to do that.

"Nasaan na tayo, mahal?" nakakaakit ang malambing na boses nito, naghahalo ang kabruskuhan at senswalidad doon. Tumama ang mainit na hininga nito sa leeg niya at nagdala iyon ng nakakakilabot na sensasyon.

Napasinghap siya. "M-Malapit na tayo."

"Good. Halos hindi ko naramdaman ang haba ng byahe natin." sabi nito at sumiksik sa leeg niya. Napapaikit siya sa ginawa nito. Maya't maya nitong ginagawa iyon at sa tuwina, parang kukulangin siya sa oxygen. 

 God, hindi puwede ito. Kailangan niyang sanayin ang sarili niya na kumalma agad sa tuwing gumagawa nito iyon. Hindi niya pwedeng hayaan na ganoon na lang kalakas ang epekto nito sa kanya. Na nagagawa nitong patibukin ang puso niya ng labis-labis.

 Pasimple siyang bumuga ng hangin at kaswal na nagsalita.. "Kanina ka pang nakasiksik sa akin. Ginawa mo na akong unan buong byahe. Akala ko ba you hate sleeping?" panggagaya niya sa tono nito noong pinapakalma ito ng doktor at sinabihang magpahinga muna. Waring naalala din nito iyon kaya natawa ito at niyakap siya.

 Mga ilang saglit lang ay narating din nila ang rest house ng mga McIntosh. Napakalaki niyon at tila parang isang mansion. Nag-inat si Kim pagkababa niya ng sasakyan. Sinalubong agad siya ng sariwang hangin ng bulubundukin ng Sagada.

 Awtomatiko siyang napangiti. Ang sarap lang sa pakiramdam na walang polusyon ang hangin na pumupuno sa baga ng isang tao. Ang ganda pa sa paningin ng mga halaman na tila kusang tumubo sa paligid at namulaklak ng masagana.

 Isang beses lang siya nakarating sa Sagada at matagal na panahon na 'yon. College days pa nila ni Diego. Doon siya nito dinala noong first anniversary nila. Natatandaan pa niya ang naging pagbisita nila sa Hanging Coffins at Pongas Falls.

 Halos tatlong araw pa nga noon sila na nanatili doon. Napakagandang experience 'yon para sa kanya... Para sa kanila ni Diego. Napakarami nilang nabuo na magagandang alaala sa Sagada. Magagandang alaala na hindi niya kailanman nakalimutan.

 Siguro, isa din 'yon sa dahilan kung bakit tila wala siyang makapang pagtutol sa dibdib niya ng sabihan siya ni Tita Grace na samahan si Diego sa pagbabakasyon nito. Nagkaroon na din kasi ng bahagi sa puso niya ang lugar na iyon.

"Mahal."

"Hmm?" Napalingon si Kim kay Diego. Napasinghap siya ng abutan siya nito ng tatlong tangkay ng mamula-mulang rosas. Fresh na fresh ang itsura niyon. Dahil matangkad sa kanya ang lalaki, kinailangan pa niyang tumingala upang salubungin ang asul na mga mata nito.

"Pinitas mo 'to, ano?"

Tumango ito. Tinanggap naman niya ang bulaklak at umismid. "Ikaw talaga, basta ka lang pitas ng pitas d'yan."

"Wag kang mag-alala. Sa amin na property ito kaya walang magrereklamo sa ginawa ko."

Tumaas ang kilay niya. "Ah, ganoon? Kahit sa inyo 'tong property, di ka basta dapat namimitas ng walang permiso sa nag-aalaga ng mga halaman na 'yan. 'Yan ang hirap sa inyong mga lalaki, eh. Pitas ng pitas. Kahit walang permiso. Hindi muna magtanong, push agad."

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon