CHAPTER 18

21.3K 342 25
                                    

PHOEBE'S POV:

*TING*

Pagkabukas na pagkabukas ng elavator ay lumabas na ako at naglakad papunta sa unit ko. Habang naglalakad ako ay napabuntong hininga ako dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Aj. Nag-aalala rin ako, kasi minessage ko siya sa facebook kanina pero hindi man lang siya nag reply kahit online siya. Kinakabahan tuloy ako.

Nang malapit na ako sa unit ko ay kinuha ko na ang susi sa bag ko at nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng unit ko ay napakunot noo ako ng hawakan ko ang doorknob at napansin kong nakabukas 'to. Bakit 'to nakabukas? Naalala ko ay inilock ko 'to kanina bago ako umalis papasok sa LEC. Napaatras naman ako ng kaonti, nilooban ba ako? Napailing naman ako, ano ka ba Phoebe! Imposible naman 'iyang sinasabi mo dahil napaka higpit ng security dito kaya imposible ang iniisip mo. I heaved a sighed, baka nga nakalimutan ko lang talaga na ilock 'to kanina at nag imagined lang ako ng kung ano-ano.

Pinihit ko na lang ang doorknob at pumasok na, agad ko namang sinara ang pintuan at nang pagkaharap ko ay nakita kong may nakaupo sa sofa dito sa sala at sa di ko malaman na dahilan, na imbes na ma-excite ako at matuwa dahil andito siya pero bumaliktad at bigla ako nakaramdam ng bultahe-bultaheng kaba. Shet! Ano ba 'to?! Oo, tama kayo ng iniisip si aj ang nakaupo at kahit nakatalikod 'to ay kilala ko dahil kilalang-kilala ko ang tabas ng batok niya at ang pantay niyang shoulder na akala mo ay inukit sa pantay.

I hold my breath dahil hindi ko alam kong tatawagin ko ba siya dahil mukhang hindi pa niya yata nararamdamang dumating na ako. Mygosh phoebe! Get yourself together! Ano bang kinakatakot mo?! I heaved a sighed. "A-Aj." Tawag ko na halos mapunta na sa bulong pero sinugurado kong maririnig niya ang pagtawag ko.

Lumingon siya sa akin at tumayo at sa di ko malamang dahilan ay bigla nawala ang kaba ko at napalitan ng excitement at pagkamiss sa kanya. I smile widely. "Hubby ko." I said at patakbong nagtunggo sa kanya at niyakap siya.

Napapikit ako ng madiin ng maamoy ko ang napakamabango niyang pabango pero napakunot noo ako ng may malanghap akong amoy ng alak. Tiningala ko siya. "Uminom ka ba?" I asked but he just stare me coldly.

'Yong kaba ko kanina ay bigla na lang bumalik dahil sa lamig ng titig niya. "Totoo ba?" He asked coldly ignoring my questioned. I gulped hard. Anong totoo?

Bahagya akong humiwalay sa kanya upang matingala ko siya ng maayos. "H-Huh? A...Anong toto—"

"Totoo ba na anak ka ni Peter Santiago?!" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa galit niyang tanong na akala mo ay umuusok ang mga mata niya dahil sa galit.

Lalo akong kinabahan ng sobra dahil sa tanong niya. Alam niya na ba? Dahil sa takot na nararamdaman ko ay agad kong naramdaman ang pangingilid ng luha. "A-Asaw—"

"Stop calling me asawa ko!" Napatulo na ang luha ko ng sumigaw na naman siya. Ramdam ko ang panginginig ko dahil sa takot na nararamdaman ko. "Totoo ba?! Answer me!" He angrily asked at hinablot niya ang braso ko papalapit sa kanya.

"A-Aj, mag...magpapaliwa—"

"So it's true! Damn!" He said at galit niya akong binitawan. Napasigaw ako dahil sa takot ng sipain niya ang babasagin kong lamesa dahilan para mabasag 'to. Frustrated niyang sinambunutan ang buhok niya at tinignan niya ako. "Bakit? Bakit?!" Tanong niya at hinawakan niya ako sa magkabilaang braso.

Tanging iyak lang ang naisasagot ko sa tanong niya dahil parang hindi kaya ng dila ko na mag produce ng salita para makapag paliwanag. "All this time nag mahal pala ako ng isang manloloko at mang gagamit?!" He said and he chuckled sarcasm at binitawan niya ako. "Great alex! Just great!" He added at sinipa niya ang single sofa ko na ikinatumba neto at ikinatili ko naman sa gulat.

MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingWhere stories live. Discover now