CHAPTER 15

24.4K 381 23
                                    

PHOEBE'S POV:

Linggo ngayon at wala akong pasok kaya at andito lang ako sa condo ko at nag binibusy ko ang sarili ko sa pag-iinternet.

Alexander Javier Lee

Napangiti naman ako ng tinype ko ang name niya sa search bar ko. Para akong tangga dito dahil nakakasampong beses na yata ako pabalik-balik dito sa timeline niya at hindi pa rin ako nag sasawa na titigan 'to at pagnasahan. Chos! Hangang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na official na kami na, akala ko habang buhay ay boss ko lang siya at secretary niya ako pero umikot yata ang mundo namin at na-inlove kami sa isa't-isa. "I love you, asawa ko." I said stupidly smiling infront of his profile picture. Nababaliw na yata ako.

Lalo pang lumawak ang pagkakangiti ko ng maalala ko na naman ang araw na naging malinaw sa akin na official na kami.

FLASHBACK

"Hubby..." Alanganin na tawag ko pa kay Aj na busy na nagt'type sa loptop niya ng kong ano.

"Hmm?" Tugon niya at tinapunan ako ng lingon at ibinalik niya ulit sa loptop niya. Napanguso naman ako.

"C-Can I ask a question?" Alanganin ko pa ring tanong. Para akong tanga dito sa kinatatayuan ko dahil kinakabahan ako sa itatanong ko. Kagabi ko pa 'to pinag-iisapan kong itatanong ko ba o hindi. Pwede naman hindi dahil halata na naman na kong ano kami sa isa't-isa dahil sa sweetness na pinapakita namin sa isa't-isa pero iba pa rin kasi 'yong sigurado at kompermado na kayo talaga.

Oo, iyon ang itatanong ko. Isang linggo na rin kasi gumugulo sa isipan ko ang tungkol sa aming dalawa. Oo nga at nagkaamaninan na kami pero hindi ko naman kasi alam kong 100% ba siyang akin, kasi ako? Oo, more than 100% akong sa kanya at gusto kong malaman kong ganoon rin ba ako sa kanya, kong 100% rin ba siyang akin at hindi na 'to makakapag-intay pa. Gusto ko ng malaman as in now na.

Hininto niya ang pagtitipa niya sa loptop niya at nilingon niya naman ako. "Yup. What it is?" He asked at kinuha ang kanang kamay ko at hinila niya ako papalapit sa kanya at ikinandong. Mabilis kong naramdaman ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Haay, Phoebe! Bakit ba hindi ka pa rin nasasanay sa mga ginagawa niya? Tanong ko sa sarili ko, mag t'two months na rin kami ni Aj at parang naiilang pa rin ako sa mga sweetness na ginagawa niya. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa gilid ng leegan ko na ikinataas ng balahibo ko sa batok at naramdaman ko rin ang pamumula ng magkabilaang pisngi ko dahil sa kilig na umiipon na naman sa kaibuturan ko.

Pero alam ko naman na masasanay rin ako. "Uhm, ano kasi....kasi, gusto ko lang sana itanong na..." Hindi ko matapos ang tanong ko dahil sa kaba. Paano ba 'to? Bakit ba hindi ko magawa-gawa?! Itatanong ko lang naman e! Umayos ka nga diyan phoebe!

Nagkunot noo naman siya sa akin. "Na?" Nabibitin na tanong niya.

I sighed at tinignan siya sa mga mata pero agad ko ding binawi at hinawakan ko ang kamay niya na nakapulupot sa beywang ko. "T-Tayo na ba?" Nahihiya kong tanong na halos pabulong na lang. Ano ba 'tong ginagawa ko! Nakakahiya!

I pout when I heard him chuckled. Nakakahiya talaga! "My wife, My beautiful wife." Malambing na sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. My heart bounce when he cupped my face. "I love you so much." He added na nagpatunaw ng puso ko. Kailangan ko na talaga tumili! Mygosh!

I close my eyes ng idinampi niya ang labi niya sa labi ko. This lips. Dahan-dahan akong dumilat ng mailayo niya na ang labi niya sa labi ko. Halos gustong lumabas ng puso ko dahil sa lapit ng mga mukha namin at mula dito sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang makinis niyang mukha at ang matangos niyang ilong at higit sa lahat ang napakaganda niyang mga mata at pilik mata. Ngumiti naman ako ng ngitian niya ako. "Mahal din kita." Sagot ko at hinawakan ko ang kaliwa niyang pisngi at lalo pang ngumiti.

MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingWhere stories live. Discover now