CHAPTER 10

33.6K 595 11
                                    

PHOEBE'S POV:

"Here's your phoebe coffee, Sir." Nakangiti kong sabi at inilapag sa gilid ng table niya ang kape na ginawa ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng tignan niya ako at ngitian ng makalaglag panty. Jusme, yung panty ko baka malaglag! "S-Sige po sir, babalik na po ako sa trabaho ko." Naiilang na paalam ko at nagmamadaling bumalik sa pwesto ko.

Nang makabalik ako sa lamesa ko ay tinignan ko siya gamit ang peripheral views ko at nakita ko na uminom siya sa kape na ginawa ko. Hinawakan ko naman ang malakas na kabog ng dibdib ko at napapikit ng madiin. Haist! Ano bang nangyayare sa akin?! Kumalma ka nga phoebe dianne! Naku, mahahalata ka niyan ng amo mong gwapo. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa trabaho ko pero pilit na pumapasok ang araw na ihatid niya sa condominium na tinitirhan ko.

Isang linggo na rin ang nakakalipas pero parang sariwa pa rin sa utak ko ang araw na 'yon dahil 'yon din ang araw na natikman ko ang matamis niyang labi at 'yon din ang kaunahan na natulog ako sa kwarto na isang lalaki. Naaalala ko na naman ang araw na 'yon.

FLASHBACK

Nandito na ako sa loob ng elavator paakyat sa floor ko at parang tanga na nakangiti at pilit na tinatago ang kilig dahil nakakahiya naman kong magsisigaw ako dito at baka masabihan pa ako ng mga kasabayan kong baliw. Naaalala ko kasi ang halik namin kagabi. Naaalala niya pa kaya 'yon? Haayy, bakit ba ako umaasa? Lasing siya non at baka di niya na 'yon naaalala.

Nang magbukas na ang elavator sa floor ko ay lumabas na ako at nagmamadali na akong nagtunggo sa unit ko, mabilis ko namang hinalukay ang susi ng unit ko mula sa pouch kong dala at nang mahanap ko na ay binuksan ko na ang unit ko. Hinagis ko naman ang pouch ko sa couch at mabilis na nagtunggo sa banyo ng kwarto ko upang maligo dahil papasok pa ako sa LEC.

Mabilis na kilos at pagligo lang ang ginawa ko dahil late na ako at baka inaantay na ako ni sir doon para utusan. Haaayy, nang makapag-ayos na ako sa sarili ko ay kinuha ko na ang shoulder bag ko at nagsuot ng 2 inches heels bago tuluyan na lumabas ng kwarto. Bago ako tuluyang lumabas sa unit ko ay kinuha ko muna ang cellphone ko sa pouch ko at pati ang susi bago lumabas ng tuluyan at nilock ang unit ko.

Mabilis lang ako nakarating sa ground floor kaya nagmamadali na akong lumabas at nagulat ako ng makita ko pa rin ang kotse ni sir alex na nakaparada sa gilid ng 99 condominium. Bakit andito pa siya? May nakalimutan ba siya? O ako ang may nakalimutan?

*dugudogdugudog*

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog neto. Omg, ano bang nangyayari sa akin? Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa kaba. Seriously Phoebe?! Umaayos ka nga! Bahagya ko namang inayos ang sarili ko at inilagay ko sa likod ng tengga ko ang buhok ko. I gulped at tumingin sa kotse niya na nakaparada, di ako mapakali dahil di ko alam kong ano ang ginagawa niya sa loob o nakatingin ba siya sa akin o natatawa dahil hindi ako nagalaw dito. Ano ba 'to! I sighed heavely at nagsimula ng maglakad patunggo sa kotse niya at ng makarating ako sa tapat ng kotse niya ay ang sakto namang pagbukas ng shotgun seat dahil binuksan niya mula sa loob.

He smiled before he speak. "Hop in, lady." He said smiling. Oh My Phoebe Dianne! Bakit siya ganito? Pinapakilig niya ako!

"A-Andito ka pa?" I sluttering asked. He just smile on me and politely nodded. Omg! Ako ba ang inaantay niya? Obviously? Sabat ng maharot kong utak.

"Yup." He said. "Hop in phoebe." He added. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay na lang.

Sira ba aircon ng kotse niya? Ang init! Naligo naman ako pero ang init pa rin e. Napatingin naman ako sa kanya ng palakasan niya ang aircon ng kotse niya. "Are you okay? It's hot?" He asked. Napansin niya siguro na pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang dalawa kong palad.

MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingWhere stories live. Discover now