CHAPTER ONE

155K 2K 86
                                    

PHOEBE'S POV:

Kanina ko pa gustong matumba sa paglalakad dahil sa pagod at gutom na nararamdaman ko. Kaninang umaga pa ako naglalakad at nag wawalk in para mag-apply ng trabaho at halos walang hiring sa mga pinupuntahan kong kumpanya. Naiiyak na ako dahil bukod sa gutom na gutom na ako ay parang pinapahirapan pa ako ng mundo. Gusto ko lang naman makahanap ng maayos na trabaho para makapag simula sa napili kong buhay na tahakin pero parang napakailap sa akin ng gusto kong mangyari.

*Gruuuulll*

Ngiwi ko naman hinawakan ang aking tiyan na kanina pa tumutunog dahil sa gutom at nauuhaw na rin ako dahil sa dinami dami na pwedeng kalimutan ay ang hand carry na bottle water pa. Stupid me. Anong oras na rin kasi at halos mag t'two o'clock na ng hapon at hindi po ako nag l'lunch.

"Good afternoon, Mam." Ngiting salubong sa akin ng isa sa mga waitress sa restaurant na pinasukan ko.

"Good afternoon. Table for one please." Malumanay na anya ko sa babaeng kaharap ko na ang pangalan ay Danica. Nabasa ko kasi pangalan nya sa name tag na suot suot nya.

Ngumiti naman sya sa akin, "Follow me po, Mam." Anya at tsaka naunang maglakad sa akin na agad ko naman sinundan dahil nagugutom na talaga ako at kanina ko pa gustong maupo sa haba ng mga nilakad ko na naka takong pa.

Habang sinusundan ko siya ay sadyang napadaan kami sa isang newspaper shelf kaya naman ay bahagya akong huminto at kumuha neto upang maghanap ng kumpanya na nag lalagay ng hiring nila doon. Wala naman masama kong magbabakasali ako diba?

Nang makarating kami sa table na pinagdalhan sa akin ni Danica ay nagpasalamat ako at humingi ng isang baso ng tubig upang maibsan ang aking uhaw. Agad naman syang nag utos sa mga isang waitress at tsaka bumaling ulit sa akin upang tanungin ang aking order at inabot ang menu book. Kinuha ko naman yun at agad na namili. By the way, baka nag iisip kayo anong restaurant ang aking pinasukan, don't worry tag tipid ang lola nyo kaya sa murang resto lang ako pumasok.

"Uhm, isang order netong chicken binagoongan with rice tapos itong sisig tofu atsaka isang strawberry juice na rin." Pagbibigay ko ng order atsaka marahan sinara ang menu book at binalik sakanya.

Kinuha nya naman 'to "That's all?" Nakangiting tanong nya at ngiti ko naman sinagot nang tango. Nagpaalam naman ito at nagbigay ng minuto bago dumating ang aking ini-order na pagkain na sinang-ayunan ko naman at sabay naman na pag dating ng hiningi kong tubig kanina.

"Salamat." Nginitian ko naman ang nag-abot ng tubig sa akin. Di na ako nag patumpik tumpik pa at ininom ko na agad ang baso ng tubig na hiningi. Grabe, parang isang linggo ako walang iniinom na tubig dahil sa uhaw na nararamdaman ko ngayon.

Nang mawala na ang aking uhaw ay agad ko naman binigyan ng pansin ang dyaryo na nasa harapan ko ngayon na kinuha ko kanina. Agad ko naman ito binuklat at hinanap ang page kong saan nakalista ang mga kumpanya na may hiring.

Mabilis ko naman kinuha ang aking cellphone upang tawagan ang numero na nakasulat sa dyaryo. "Good afternoon. This is Christine. Thank you for calling VGroup Trading. How may I help you?" Bungad sa akin ng kabilang linya pagkasagot na pagkasagot sa aking tawag.

I clear my throat before speaking. "Hi! Uhm, this is Phoebe I saw your contact details in newspaper and I believe your company is looking for Financial Marketing. May I know if the Job is still available?" Professional na pananalita ko sa kabilang linya. Syempre kailangan natin mag mukang professional kahit sa boses man lang.

"Oh, I see. Appreciate your time for calling us regarding on Job opportunity. But unfortunately, the position you're asking is no longer available. We already hired someone yesterday."

MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingWhere stories live. Discover now