CHAPTER 11

35.3K 502 20
                                    

PHOEBE'S POV:

"HOY PHOEBE!

"Ay! Sampong kabayo! Letche ka melanie! Bakit ka nang gugulat?" Gulat na sabi ko sa kanya na nakahawak sa puso ko. Panira 'to ng moment e.

"Para ka kasing tanga diyan e. Ano bang iniisip mo at ngingiti-ngiti ka diyan?" Curious niyang tanong at tsaka kumuha ng chips sa bowl na hawak niya.

Umayos naman ako sa pagkakaupo ko at kumuha din ng chips sa hawak niyang bowl at kinain 'to. Hindi ko pinansin ang tanong niya dahil alam ko na kapag sinabi ko ay iintrigahin ako neto. Btw, andito pala kami sa condo ko dahil sunday ngayon kaya wala akong pasok at sumakto rin naman na wala rin pasok si melanie sa kanilang kompanya at ganoon din si arianne kaya naisipan nila na pumunta dito sa unit ko at mag movie marathon dahil sawang-sawa na daw sila na mag mall kapag free day nila. Choosy.

Napansin ko naman na parang kulang kami, nasaan si arianne? "Si arianne?" Tanong ko sa kanya na di pinansin ang tanong niya.

Napakunot noo ako ng liitan niya ako ng mga mata niya at tinitignan niya ako na mapang-usig "Wag mong ibahin ang usapan natin." Sabi niya. Napalunok naman ako.

Sasagot na sana ako ng may biglang "Bakit mo ako hinahanap?" May biglang nagsalita mula sa pintuan netong kwarto ko at iniluwa doon si arianne na may hawak na isang bowl ng popcorn.

Nagsimula naman siyang maglakad papalapit sa amin "Hmm, popcorn?" Alok niya sa amin at tsaka umupo sa gitna namin ni melanie.

"Pahinge nga." Sabi ko at kumuha sa popcorn na hawak niya.

"Ano nang nangyari?" Tanong ni arianne na nakatutok na sa palabas na pinapanuod namin. Nanunuod kasi kami ng Starting over again ni Piolo at Toni.

"I don't know." Sagot ko na nakatingin na rin sa tv. Nawala na kasi sa akin kong anong part na ba dahil sa pag-iisip nangyari sa amin ni Aj kahapon.

"Hoy, phoebe. Ano na? Kwento na." Pamimilit pa ni melanie. Shemay naman 'tong babaeng to oh!

Kaya lang naman ako nakangiti dahil naaalala ko kasi 'yong halikan namin ni Aj kahapon. Tuwing naaalala ko 'yon ay napapangiti ako ng wala sa oras at di ko rin maiwasan na kiligin. Sino ba naman ang hindi?! Ang yummy ka n'ya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ba yon para sa kanya. May meening kaya 'yon sa kanya o wala lang? Kasi para sa akin meron.

"Oh, tignan mo 'tong babaeng 'to. Nakangiti na naman. Sino ba 'yang nagpapangiti sayo?" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko muling magsalita si melanie.

"Huh? Ano na naman yang sinasabi mo? Bawal bang nakangiti ako kasi magkakasama tayo?" Pagdadahilan ko at ngitian ko sila. Masaya rin naman ako na magkakasama kami e, pero lalo akong napapasaya tuwing naaalala ko 'yon sa amin ni Aj.

At tsaka hindi nila alam ang tungkol kay Aj, alam naman nila na nagt'trabaho ako pero hindi ko pa sinasabi na sa LEC ako nag t'trabaho. May balak naman akong sabihin sa kanila about kay Aj at sa LEC pero wag mo na ngayon dahil bonding namin ito kasi kapag ngayon ko sinabi I'm sure na magtatanong na magtatanong sila.

"Aysus! Nang uto pa." Arianne said. Sinimangutan ko naman siya. Kahit kailan talaga 'tong arianne na 'to di marunong sumakay.

"You are not a good liar our dearest friend." Melanie said while shooking her head.

"Totoo kaya." Depensa ko. Naku, kailangan nilang maniwala dahil hindi pa ako ready na mag kwento about kay Aj dahil hindi ko alam ang status namin ng amo kong 'yon.

Tinaasan naman niya ako ng kaliwa niyang kilay "Weh?"

"Oo nga." Pagkukumbinsi ko pa at ngumiti.

MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingWhere stories live. Discover now