Chapter 40

6.1K 93 3
                                    

"Your too much clamsy," bulong niya sa akin at hinalikan pa ako sa pisngi.Tumayo ako ng maayos at tinulak siya bahagya. Kung maka too much clamsy naman ito akala mo kung close kami at kung makahalik naman sa pisngi akala mo kung hindi nambabae. Duh! Sabi ng isip ko at pinaikotan ko siya ng mata.

Sumimangot pa ako sa kaniya at tumingin kay Jessie na nagkibit-balikan lang din sa akin at bago umupo sa inuupoan niya at nagsalin ng alak sa baso niya tapos ininom niya ito.

Nakita ko rin na naglagay si Drew sa baso at tumingin muna kay kay Jessie bago tumingi kay Levi at ngumiti pa. Kumunot ang noo ko ng inabot niya ang baso kay Levi at agad naman  itong kinuha at tumingin muna siya sa bote ng alak. Binasa niya kung ano ang alak na iniinom niya nila Drew.

Sorry siya dahil hindi pang mayaman ang alak na binigay sa kaniya upang inomin niya. Parang slow motion ang pangyayari sa paningin ko dahil nakita ko siyang ng kibit balikat at akmang ilalagay na ang baso sa bibig niya pero bigla akong sumigaw.

"NO!" sigaw ko at mabilis na kinuha ang baso sa kamay niya may pina alala ang isip ko pero pahapyaw lang na sumagi sa isipan ko.

"No..."  My Levi is not drinking. Hindi siya basta-basta umiinom dahil allergy ito sa tequila. Tinaas niya ako ng kilay.

"See," sabi niya sa akin at tumalikod na siya. Mabilis kong nilapag ang baso sa ibabawng mesa at sinundan siya kung saan siya pupunta. Nakakainis nakakabaliw na siya ng subra dapat nga magpasalamat siya dahil pinigilan ko siyang wag uminom ng may tequila. Nakalimotan niya sigurong bawal siya doon at ikakamatay niya kung sakali. Ako pa iyong naka-alala samantalang ako iyong hindi maka-alala. Kakainis! Sabi ng iisip ko.

Pumasok siya sa bahay at dumaritso sa kwarto namin. Nag alis siya ng suot niyang leather jacket at pinatong niya ito sa edge ng kama na parang wala lang sa kaniya.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!"galit kong tanong sa kaniya kaya tumingin siya sa akin.

"Wala akong ginagawa, " kalmado niyang sagot.

"I hate you. I hate you!" galit na sabi ko at tinulak siya ng paulit-ulit.

"P-Paano kung hindi ko naalala na bawal ka sa gano'n na alak?" tanong ko.

"Iinomin mo iyon?!" matigas na sabi ko at tinulak-tulak siya ng paulit-ulit.

"K-Kakainis ka.. Eh," iyak kong sabi. Nakakatakot iyon dahil kaya niyang ilagay sa alangan ang buhay. Okey lang sana kapag malapit ang City sa Probinsiya. Wala naman mga aparatos dito nasa Ospital lang naman nina Monteleagre at Montefalco.

"P-Paano kong mawala ka. P-Paano ha?"

"Kasalanan ko na naman!" galit na sabi ko at pinunasan ang mga luha ko sa harapan niya at yumuko ko. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at nilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang baywang ko.

"Diba, iyon naman ang gusto mo. Ang mawala ako?" tanong niya sa akin kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya hindi pa ako nakakapagsalita ng nagsalita na naman siya.

"So, bakit ka umiiyak?"malamig na tanong niya at nilagay niya rin ang isang kamay niya sa baywang niya.

"Gusto mong maging malaya, diba?" tanong niya at humakbang palapit sa akin pero umatras ako.

"So, I just want to give it to you. Kapag pinayagan mo akong ininom iyon ay malaya kana," maalumay niyang sabi. Inangat niya ang baba ko para magtama ang mga mata namin kaya bumilis ang tibok ng puso.

"Ayaw ko, " sagot ko at mabilis na yumakap ng mahigpit sa kaniya at sinubsub ko ang mukha ko sa dibdib niya at umiyak na ako ng subra.

Naramdaman kong hinaplos-haplos niya ang likod ko upang mapatahan ako. Tumingala ako sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Naglalambing na nga ang tao pero ng aasar pa kasi kaya nahiya ako at kumawala ako ng yakap sa kaniya at mabilis na tumalikod. Subrang nakaramdam ako ng hiya dahil hindi man lang siya gumanti ng yakap sa akin. Ayaw niya na siguro talaga sa akin dahil may babae na siya. Dahan-dahan kung hinakbang ang mga paa ko at tinungo ang pinto. Nang bubuksan ko na ito ay nagsalita siya.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now