Chapter 3

12.8K 201 2
                                    

"Anya Belle Mendez, " rinig kong tawag sa buong pangalan ko. Lumingon ako kung sino pero hindi ko alintana na si Warden pala kaya napabalikwas ako ng bangon. Nagtataka man ako dahil bakit siya ang pumunta sa selda ko namin at may hawak-hawak pa na papel na hindi naman dapat.

"Malaya kana! " excited niyang sabi niya. Napatulala ako at hindi ako nakakibo. Narinig ko ang sinabi niya pero parang tumigas ang buong katawan ko at ang puso ko ang bilis ng pagtibok para akong himatayin na.

Malaya kana! Malaya kana! Malaya kana, paulit-ulit na nagsign-in sa isipan ko, kaya napahawak ako kay Hana na kampanting natutulog.

"This is the dismissal papers Mendez and ordered, " sabi niya at tinaas pa ang hawak-hawak niyang papel.

"Hana?" tawag ko kay Hana.

"Hana?" tawag ko ulit sa kaniya dahil hindi man lang siya bumangon.

"Malaya na daw ako Hana, Totoo ba? " sabi ko sakaniya at niyog-niyog ang balikat niya para bumangon lang siya. Hindi ako maka paniwala dahil baka na nanaginip lang ako dahil hindi rin naman  gumalaw si Hana.

"Hana naman eh," sabi ko at may papadyak pa sa paa. Naiinis na kasi ako.

"Anya Belle, alam ko!" sagot niya naman  at kinusot pa ang mga mata niya na parang nagrereklamo na bakit ko pa siya ginising.

"Alam mo? P-Paano mo alam?" tanong ko.

"Malamang ang lakas kaya ng boses ng Warden na iyan! " simangot naman  na sagot  at tinalikuran pa ako upang bumalik siya pagkakatulog.

"Hana Naman e, nanaginip ba ako?" Tanong ko at niyog-nyog ulit para hindi siya makatulog.Kukulitin ko talaga siya dahil tutulogan lang ako at parang hindi siya masaya.

"Kurutin mo nga ako?" utos ko sa kaniya.

"Sipain kita diyan Anya Belle makita mo talaga kahit parusahan na ako," masungit niyang sabi at akmang sisipain ako pero tumingala siya kaya lumayo ako.

"Ang sungit naman, " malungkot na sabi ko. Nakakalungkot naman dahil hindi siya masaya at nakakahiya pa dahil inistorbo ko siya.

"Mendez, kunin muna ang mga gamit mo. Nag-aantay na si Judge Sebastian sa labas," utos niya sa akin ng Warden kaya dali-dali akong nag-ayos. Si Hana naman dahan-dahan bumangon at tinulungan ako.

"Tutulong din naman pala mag-iinarte pa, " bulong ko sakaniya pero yumakap siya sa akin.

"Makakalaya na din tayo, " excited na sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Anong sabi mo?" tanong ko habang kumalas  sa pagkakayakap niya sa akin.

"Balang araw magkikita ulit tayo dahil makakalaya din ako dito. Nauna ka lang," sabi niya at ngumite. Sinawalang bahala ko na lang ang una niyang sinabi dahil excited na akong umuwe.

"Oo naman. Mamimis kita Hana, Thankyou sa lahat ng pagtulong mo sa akin, " pasalamat ko.

Malaki ang parti niya sa buhay ko simula noong pumasok ako rito na parang wala ng saysay ang buhay ko pero noong dumating siya tila ba safe ako kapag andiyan siya palagi sa tabi ko dahil simula noon pumasok siya dito siya lang ang taga pagtanggol ko. Nauna lang ako sakaniya ng isang linggo tapos sumunod siya at  murder case din ang hinatol sa kaniya kaya dalawa lang kami rito sa selda pero kapag iisipin ang ibang selda halos mapuno na at sik-sikan na sila pwede naman silang maki share ritosa selda namin pero hindi pwede.

Nagpaalam na ako kay Hana at lumabas na sa aking selda. Ngumiti lang naman siya sa akin at kumaway pa bago bumalik sa higaan niya.

"Sana magkikita pa tayo," bulaslas ko habang ina-ayos ang sarili ko at ang sling bag ko na may kukunte gamit lang habang naglalakad ako palabas. Simula nong dumalaw sa akin si Jessie hanggang ngayon hindi pa siya na kakadalaw hindi niya tuloy alam na makakalabas na ako dito at sigurodong matutuwa iyon.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now