Chapter 13

9.4K 133 0
                                    

Engineer Brian is my friend but Jessie is my bestfriend. Malaki din ang natulong kasi sa akin ni Engr. Brian upang makafocus ako sa pagrereview. He motivated me at may sinabi siya sa akin na hindi ko makakalimutan. Ito ay kung ano ang dulot ng pag-ibig sa iyo at ang sakit diyan sa puso mo, iyan ang gawin mong insperation tapos tiwala sa  Dios at sa sarili para makapasa ka board. Nahirapan talaga ako noong una pero hindi niya ako pinabayaan dahil andyan siyang palaging nagbibigay ng motivation sa akin para sa pagsubok sa buhay.

"Engr. Brian talaga. Bakit ka pala andito?" tanong ko. Luminga-linga pa ako baka may kasama siya ay nakakaistorbo na ako kung sakali.

"I came here for Dinner. Mag-isa lang ako, " sagot niya  kaya tumango naman ako at inalok pa sa kaniya ang upuan sa harapan ko.

"Excuse me?! " Galit na boses ang na rinig ko mula sa likod. Hindi ko alam kung na prapraning lang ako pero ramdam ko ang galit niya. Bakit siya bumalik? Tanong ng isip ko. Naisip ko na naman ang sinabi ni Architect Lauter na madadagdagan na naman ang kasalanan ko nito at alam kung binibilang niya na ito.

"I forgot my phone," estrektong sabi niya at kinuha ito sa may upuan banda. I'll smell his scent, kahit pabango niya pala ay nagbago na. Ang laking phone hindi niya nakuha, Jusko! Ulyanin na ang daddy, sabi ng isip ko.

"Atty. Noah," masayang tawag sa kaniya ni Brian. Magkakilala pala sila hindi ako na informed.

"Our Attorney, Bella," inporma niya sa akin.

"What do you call her?!" seryosong tanong niya. Nagulat ako sa galit na pinapakita niya sa matagal niya ng client. Ayaw kong ng maraming conversation dahil itong kaharap ko ngayon ay parang naghahamon na ng suntokan. Sige, tawagin mo pa akong Bella, sabi ng isip ko.

"Sabi ko na susundoin ka ng Engineer  mo  Belle eh, kaya ayaw mong sumabay sa amin, " masayang sabi ni Yana at pinulupot ang kamay niya sa baywang ni Noah kaya ngumiti lang ako.

"Ipakilala mo naman kami," sabi niya pa kaya no choice ako. Pinulupot ko rin ang isang kamay ko sa baywang ni Engineer Brain na kinatigas niya. Bahala na talaga si Lord, sabi ng isip ko.

"Ate Yana, meet Engineer Brian my.." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil na paatras ako. Ikaw ba naman ang banggahin ng malaking tao. Muntik pa akong tumilapon sa subrang laki niya.

"Kahit kailan talaga sinungaling ka! " galit niyang bulong  sa akin. Alam kung ako lang naman ang nakaring dahil sinadya niya naman talaga. Buti na lang mabilis  din siyang hawakan ako kundi babagsak talaga ako sa sahig.

Inalalayan niya ako pero dapat lang naman. Siya kaya ang babangga-bangga at nananahimik ako. Nilingon ko siya pero daretso-daretso lang siya at parang nakalimotan niya atang kasama niya si ate Yana na girlfriend niya raw.

Nagkibit - balikat na lang ako. Gano'n na talaga ang tingin niya sa akin at hindi na iyon magbabago pa at alam kong nag-iisip na naman iyon ng kasalanan. Hindi pa nga niya ako na papatawad sa kasalanan ko magdadag-dag na naman siya ng bago. Ngumiti ako kay ate Yana dahil baka mahalata niya kami ni Noah. Alam ko naman na wala siyang alam tungkol sa amin at nagbulag-bulagan lang ako.

"Ate meet Engr. Brian my professor," pakilala ko kay Engr. Brian para matapos na itong gabing dahil kahit ako stress na rin...

Lumipas ang isang linggo simula nong nag-aya si ate Yana ay wala na akong balita sa kanila. Gusto ko na din maka move-on sana katulad niya. I, decided to resigned sa Firm ni Engr. Adam para makastart ulit ako ng panibagong buhay. A new biginning, ika nga nila, kaya't humingi ako ng tulong kay Engr. Brian kapag maghanap siya ng Licensed Engineer ay available ako.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now