Chapter 28

6.4K 103 1
                                    

Isang linggo na akong namamalagi dito sa San Francisco pero hindi ako makatulog at namamahay ako dahil hindi ko makuha-kuha ang tulog ko simula nong dumating ako parating late akong matulog. Kagigising ko lang din at napahikab muna ako at ginulo ang buhok ko bago ko kinuha ang cell phone ko para tawagan ang asawa ko.

Napakunot noo ako dahil hanggang ngayon hindi ko parin siya macontact kagabi pa iyon na naka-off ang cell phone niya kaya natulog akong hindi ko siya naka-usap. Huminga ako ng malalim at kinapa ko ang dib-dib ko kung may maramdaman akong kakaiba or kaba man lang kaso hindi ko maramdaman ito kaya alam kong nasa mabuting kalagaan siya baka tulog na din siguro, sabi ng isip ko.

Kinuha ko ang laptop ko at inopen ang cctv sa bahay. Gusto ko lang mamonitor sila kung kumusta na nila doon. Kumunot ulit ang noo ng kahit anino ni Bella hindi ko makita sila mamang at papang mga katulong ang ando'n. Tumayo ako at nagbuga ako ng hangin bago tinguno ang kitchen ko para magluto ng breakfast ko. Baka nag-overtime lang sila sa firm ni Adam kaya wala pa siya sa bahay ngayon, sabi ko ulit sa isip ko. Uulit ko wala naman akong kabang nararamdaman.

Pagkatapos kong magluto kumain muna ako dahil lalabas ako mamaya para bumili ng mga pagkain at gagamitin ko na good for one week dahil na ubosan na ako rin ako. Next day pa kasi ang second hearing namin kaya may time pa akong mag-aral at may time pa ako sa asawa ko kahit nasa Pilipinas siya.

Bumalik ako ng kwarto ko at kinuha ang bathtowel ko bago ko tinungo ang bathroom para maligo. Tatawagan ko na lang ulit si Bella mamaya baka nalowbat lang siya kaya hindi siya macontact o tamad lang magcharge ng cell phone niya. Kung hindi ko pa siya macontact tatawag na ako sa bahay para alamin kung nasaan siya.

Natapos akong naligo at nagbihis kinuha ko ulit ang cell phone ko para tawagan si Bella kaso parihas pa rin ang naririnig ko it's out of couraged area please try your call later. Huminga ako ng malalim at dinampot ang susi ng sasakyan ko bago ako lumabas sa bahay.

Dito sa America natuto akong mag-isa kahit naman doon sa Spain dati pero iba ang Environment dito kahit wala akong kasambahay kaya ko. Independent kasi ang mga tao rito at the age of 18. Hindi tulad sa Pilipinas na kahit may asawa na nakikibahay pa rin sa mga magulang ang iba. Kumbaga, Extended Family which is hindi naman masama pinapairal lang din ang pagka filipino ang pagka hospitality ng bawat isa nasa dugo na din pero atleast masaya nga iyon dahil marami.

Nagpark ako sa parking area ng department store. Hindi pa ako lumabas sa sasakyan ko dahil sa sinusubukan ko pa rin tawagan ang asawa ko pero gano'n pa rin ang naririnig k, kaya napailing na lang ako. Nakalimutan ko pa naman tignan sa laptop ko kanina kung dumating na ba siya o hindi pa. Dahil kahit siya hindi kumucontact sa akin. Huminga ako ng malalim at kumamot muna sa ulo ko bago ako lumabas sa sasakyan ko.

Mabilis ang bawat galaw ko dahil hindi na biro ang hindi pagcontact ng asawa ko o ang hindi ko siya macontact sa isang buong araw o 24 hours. Mabilis kong hinanap at kinuha ang mga kailangan ko sa isang linggong groceries and hygienes para hindi ako pabalik-balik sa Department Store.

Napasulyap ako sa nakatalikod na babae na kasing tangkad ni Bella at kasing liit ng katawan nito pati kulay ng balat parang siya nga.

"Bella, " kunot-noong wika pero impossible. Mabilis kong pinikit ang mga mata ko kaya pagmulat ko nakita ko siyang umalis na sa area. Mabilis ang galaw ko at iniwan ko ang cart ko at hinabol ko siya.

"Bella," tawag ko sa kaniya at hinatak ang siko niya kaya napaharap siya sa akin.

"Oh God! I'm sorry, "Hingi ko ng paumanhin sa babae at binitawan ang siko niya. Na pagka-alam kong si Bella iyon at grabj ang gulat ng babae pero ngumiti la rin siya sa akin.

"It's okey Mr," sagot niya sa akin at tumalikod na ito sa akin. Nagbuga ako ng hangin at binalikan ang cart ko kung saan ko ito iniwan kanina. Pumunta na ako sa counter after that nagmadali na akong umuwe sa bahay ay na pra-praning lang ako.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now