Chapter 25

8.3K 103 9
                                    

Dalawang linggo kami nanatili sa Ilocos at ngayon ang uwe namin sa bahay sa Bachelors Home. Sinama ko na din muna ang mga magulang niya upang maka bakasyon din sila sa Bahay at the same time ay masamahan nila si Bella pansamantal dahil nextweek aalis din akong papuntang America.

"Jessie, dadaritso kana ba sa Firm ni Adam?" tanong ko kay Jessie na siyang nakisakay din sa sasakyan namin para makatipid na din siya.

"Opo Attorney, " magalang na sagot niya sa akin kaya tumango ako sa kaniya. Nahihiya siya sa akin kaya alam kong hindi siya komportable.

"Baka gusto mong magfamily dinner sa bahay mamayang gabi?" tanong ko. Malapit na kami kung saan siya bababa dahil magduduty raw siya ngayon.

"Sige po Attorney Noah. Salamat po, " Magalang na sagot niya.

"Peace offering ko na iyon sa ginawa ko sa iyo. Pasensiya Jessie. I didn't know," hingi ko ng paumanhin  dahil hindi ko talaga ako. Iwan ko ba itong si Bella pwede niya man sabihin na fake iyong vedio ang dami niya pang dillema sa buhay.

"Wala na po jyon Attorney basta libre mo na lang po ako ng pang skin care," tawang sabi niya.Maarteng nagpalak-lak. Ngumiti ako dahil komportable na siya sa akin iyon naman ang gusto ko ang maging okey ang lahat.

"You can use my wife's card," birong sagot ko at tumingin kay Bella na nakikinig lang pero iyong kamay kahit saan-saan naglalakbay.

"Bakit sa akin?" reklamo niya.

"Iyong sa iyo Daddy Love. Ikaw kaya ang nagbugbug!" masungit niyang saad. Kuripot talaga. Isa pa sa gustohan ko sa kaniya she knows how to  handle money dahil hindi siya burara.

"Paano iyan Jessie ayaw, eh?" tanong ko kay Jessie.

"Ako na lang bahala Attorney Noah. Salamat ng marami po," sabi niya bago siya bumaba sa sasakyan.

"Ba bye besh!" sabi ng asawa ko.

Pagkatapos namin hinatid si Jessie ay agad rin kami umuwe sa bahay para maka pagpahinga ang asawa ko. Paakyat na kami sa pangalawang palapag ng marinig kong tinawag ako ni manang.

"Attorney?" tawag niya sa akin kaya na palingon ako sa kaniya pati rin itong kasama ko.

"Manang," masayang tawag ni Bella at mabilis na bumaba ito upang bigyan ng yakap si Manang.

"Sabi ko sa iyo magkikita pa tayo, " rinig kong saad ni Manang kay Bella no'ng humiwalay na ito ng yakap.Tumingin si Manang sa akin at ngumiti.

"Magpapahanda ka pa ngayon Attorney?" tanong niya sa akin.

"Si daddy lang naman manang at ang mga magulang ni Bella pati kaibigan niyang si Jessie. Kayo na po ang bahala sa food," inporma ko sa kaniya. Alam naman iyon ni manang ang mga gusto ko kapag may bisita dahil bata pa lang ako siya na ang nag-alaga sa akin.

Bumaba ulit at hinawakan ang pulsohan ng asawa ko at umakyat na kami patungong kwarto. Binuksan ko ang kwarto at pumasok na kami sa loob. Mabalis niyang tinguno ang kama namin at masayang umupo-upo dito hindi pa siya na kuntento dahil humiga siya at nagpagulong-gulong. Ngumiti ako at umiling dahil makikita mo ang saya sa kaniyang mukha.

"Wag masiyadong gumulong baka mahulog ka," sabi ko sa kaniya. Dumapa siya at tumingin sa akin.

"Last na pasok ko dito daddy no'ng nag-away na tayo. Tapos wala na," inporma niya sa akin. Tumango ako dahil totoo naman kasi pinaalis ko na siya dito noon.

Walang na bago sa kwarto. Simula kasi nong umalis siya dito ay minsan ko na lang ito pinapasok pero pinapalinisan ko lang twice a week kay manang Aida. Sa kabilang bahay  ko kasi ako minsan umuwe at minsan sa  condo, minsan sa mansion namin.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now