Chapter 12

9.6K 139 0
                                    

"Halika na manang, " aya ko kay manang Aida. Pagkatapos kong magkwento ng half story namin dahil kumukulimlim na ang langit para atang uulan.

"Binitin mo naman ako anak eh, " reklamo niya sa akin. Sabay kaming tumayo dahil nakaupo kami ng dalawa habang naka tanaw sa malawak na karagatan.

Wala kasi akong magawa kaninang gumising ako kaya lumabas ako sa bahay at nakita ko siya rito kaya pinuntahan ko siya. Hanggang sa magkwentohan kami at nakwento ko na rin ang nakaraan namin ni Attorney Noah.

"Ituloy natin kapag hindi mo ako iiwan dito sa isla manang," biro ko pero malabong mangyari iyon dahil kapag inutos sa kaniya na uuwe na siya ay kailangan niyang umuwe.

"Hindi naman pwede na andito ako anak kasi amo ko si Atty. Noah. Siya ang masusunod kapag uuwe na ako, " inporma niya. Alam ko naman iyon kaya walang problema sa akin basta may pagkain na iiwan. Inakbayan ko si manang at sabay kaming naglakad pabalik sa bahay.

"Tignan mo basi sa kwento mo ay mabait talaga ang alaga ko at sympre mala sa akin, " proud niyang sabi. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang tuwa sa kaniyang mga mata kaya kahit ako naka ngiti na rin dahil totoo naman talaga.

"Kaya nga po. Mahal na Mahal ko eh," totoong sabi ko kasi iyon ang lumabas sa bunganga ko.

"Pero sinaktan mo naman, " malungkot na saad niya at umiling pa.

"Manang naman," mahinang bulaslas ko. Dumaretso ako sa kwarto ni Noah at si manang naman sa kusina.

Kung mababalik ko lang ang nakaraan hindi ako makikipagdeal ulit para sa relationship namin. Kung alam ko lang sana talaga. I'll accepted, dahil malaking kasalanan talaga iyon lalo na kapag closeminded na ang isip ng tao. Mahirap ng magpaliwanag, dagdagan pa ng vedio, audio. Talaga wala at sirang-sira na ako sa kaniya at hindi ko siya masisisi.

Masakit lalo na noong makita ko sa mga mata niya ang galit. Natakot ako kung paano siya magalit sa akin at kung gaano siya nang diri sa akin at hanggang ngayong alam ko at nararamdaman ko.

Nakakapagod na rin dahil lahat ginagawa ko kaya ayaw ko ng ipagtanggol ang sarili ko
Na mali ang iniisip niya tungkol sa amin ni Jessie. Ginawa ko araw -araw noon ang ipaliwanag ang side ko pero nabigo ako ni hindi niya na ako hinarap man lang
Aminado ako sa kasalanan ko sa kaniya sa deal relationship namin pero minahal ko siya ng subra. Gusto ko siya makasama at gusto ko ngang magka-baby kami para wala na siyang mawala sana.

Huminga ako ng malalim. I'll wipe my tears dahil kapag naalala ko ang relationship ko sa kaniya nasasaktan ako at naguguilty ako kasi siya lang ang minahal ko at mahal ko siya ng tunay.

Hindi ko tanggap na nakipaghiwalay siya sa akin ng ganon-ganon na lang. Sinubukan kung bumalik sa bahay niya kahit gabi na noon pagkatapos ng duty ko. I know, nasa loob na siya dahil nakita ko ang anino ng isang matangkad na lalaki sa taas, sa kwarto niya mismo. Lumapit ako sa may gate  at nagdoorbell ng ilang beses pero ang kasam-bahay niya ang nagbukas at lumabas upang kausapin ako.

"Manang?" magalang na tawag ko habang umiiyak.

"Anak," wika niya sa akin. Mabait talaga si manang Endang siya ang pinagkakatiwalan niya dito sa bachelor home.

"Gusto kung kausapin si Noah, please?" paki-usap ko sa kaniya. Pinisil niya ang dalawang kamay ko kaya napayuko na lang ako.

"Sorry anak pero si Noah ayaw ka niya ng makita at maka-usap daw, " awang sagot niya sa akin pero umiling ako.

"Hindi ako aalis dito, please?"

"Magpapaliwanag ako sa kaniya manang, paki-usap?" paki-usap ko.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now