Episode 44

39K 1.6K 759
                                    

Episode 44

ADI's


INABOT ni Cassandra ang isang kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit. "You know, Jane, that's impossible. Bakit hindi ka hinanap ni Rogue—"


"Isang taon na mahigit noon nang makarating tayo sa pampang, pero hindi niya ako hinanap. Lumipas pa ang ilang buwan pagkatapos, p-pero wala pa rin..." Pumiyok ako.


"Baka may nangyari lang kaya—"


"Anong nangyari?" Tumaas na ang boses ko. "Anong pwedeng mangyari para hindi niya ako hanapin agad? Sabi mo nga, marami siyang koneksyon. Marami siyang pera at marami siyang pwedeng gawin, pero hindi niya ginawa. Wala siyang ginawa!"


Nanahimik si Cassandra.


"Kahit pa sabihing nakaratay siya o busy siya, kaya naman siguro niyang mag-utos ng tao para hanapin ako. Marami siyang pera at tauhan kaya mahahanap niya ako kung gugustuhin niya. Pero hindi, Cassandra. Hindi siya gumawa ng paraan. Hindi kahit kailan!"


Inalo niya ako nang magsimula ng manginig ang boses ko.


"Wala siyang pakialam sa akin. Wala siyang pakialam kahit pa nababaliw na ako kakaisip kung paano ako magsu-survive dito sa city! Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga panahong iyon. Bago lang ako sa city at walang kaalam-alam!"


Nang bumalik sa alaala ko ang nakaraan ay nabuhay na naman ulit ang natutulog na sama ng loob sa dibdib ko.


"Nagsikap ako. Pinilit kong makatayo sa pagkakalugmok. Hanggang sa makaahon ako. Lumipas ang panahon na puro galit lang ang nasa puso ko. At mas nadagdagan iyon noong napanood ko siya sa isang screen sa Edsa." Tuluyan ng naglandas ang aking mga luha. "K-kumakanta siya... masayang-masaya siya na pinagkakaguluhan siya ng mga fans niya."


Hinimas ni Cassandra ang likod ko.


"H-habang ako... nangungulila sa kanya..."


Hinarap ko si Cassandra at hinayaan siyang makita ang galit sa mga mata ko na ngayon na lang ulit lumabas at nagparamdam.


"Kahit galit ako, kahit nagtatampo, s-sinubukan ko pa ring makalapit sa kanya. Pinilit ko pa ring makita siya. Pero itinaboy ako ng mga bodyguards niya."


Kinabig pa ako ni Cassandra palapit sa kanya para yakapin.


"Habang natatakot ako sa mga mangyayari sa buhay ko, habang nahihirapan akong mag-isip sa mga bagong impormasyon tungkol sa totoo kong pagkatao, at habang mabaliw-baliw ako kung paano makakaraos sa araw-araw, hayun siya at masaya sa buhay niyang masagana. Maligayang siyang bumalik sa tunay niyang buhay, sa kasikatan at sa karangyaan."


"He's really different in this world, Jane. He's a god here. He's hard to reach."


"A-ang sakit lang kasi, BFF... kasi mahal na mahal ko siya... nangarap ako at umasa na makakasama siya. Naniwala ako sa pangako niya na kapag nandito na sa siyudad ay papakasalan niya ako. Kaya ang sakit na wala na pala lahat ng mga plano namin sa isla. H-hindi ko siya maabot dahil magkaiba pala talaga ang mundo naming dalawa..."


Tandang-tanda ko pa noon. Habang itinataboy ako ng mga bodyguards niya ay saka lang nag-sink in sa isip ko na hindi na siya ang Rogue na nakasama ko sa isla. Na iba na siya dito sa siyudad—na ito talaga ang tunay na siya.


Nang mga araw na yun, siguro ay napagkamalan kaming mga taong-grasa ng mga bodyguards niya, dahil ilang buwan din kaming nagpagala-gala lang sa kalsada. Naging mahirap sa amin nila Granny J at Lola Imang ang unang apat na buwan dahil hindi namin alam kung paano magsisimula. Na-culture shock ako dahil sa isla na ako lumaki. Mabuti na lang at may experience na pala si Granny J sa city dahil dito raw siya lumaki kasama si Lola Imang.


The God Has FallenWhere stories live. Discover now