Episode 28

43.8K 1.4K 896
                                    

Episode 28


ADI's


Ilang beses kong hinilamusan ang aking sarili sa harap ng salamin at saka pingmasdan muli ang kulay abo kong mga mata. Medyo namumula pa rin ang mga ito. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog sa loob ng trashbag.


Kinabahan ako. Akala ko ay mabubulag na ako dahil nakatulugan ko na may contact lens akong suot. Hinding-hindi na talaga ako maglalasing. Pakiramdam ko ay dumikit sa mga mata ko ang aking lens. Mahapdi kasi dahil natuyuan. Ibinabad ko muna ito sa contact solution bago ko muling gamitin. Nagpatak din ako sa aking mga mata ng eye drops para mawala ang hapdi at pangangati.


Napangiwi ako. Kapag nalaman ito ni Granny J ay pihadong malilintikan ako sa kanya. Paulit-ulit niya akong pinapaalalahanan na tatanggalin ko ito bago ako makatulog. Sumalok muli ako ng tubig mula sa gripo gamit ang aking mga palad para ihilamos sa aking mukha. Mayamaya ay napanguso akong mag-isa sa aking naalala.


Ano bang tingin sa akin ng Rogue Saavedra na yun? Basura? Ganun ba ako karumi sa paningin niya para balutin niya ako ng trash bag? At nung magising ako, basta na lang niya akong pinalayas. Para bang ayaw niyang mag-stay pa ako nang matagal sa bahay niya.


Kung malalaman lang ng mga fans niya kung anong klaseng tao siya, tiyak na headline news ito kinabukasan. Siguradong magiging trending sa social media at baka ikasira ng career niya.


Napabuntong-hininga ako. Ano bang problema ng lalaking yun? May sakit ba siya? Kung hindi pa ako nakawala sa trash bag na ipinambalot niya sa akin ay balak niya pa yatang suklayin ang aking buhok.


Napatingin tuloy ako bigla sa aking buhok sa salamin. Hindi ko na rin maalala kung kelan ko ba ito sinuklay. Naliligo nga ako araw-araw, pero hindi ko na pinagkakaabalahang suklayin ito dahil magugulo rin naman.


Pagkuwan ay sa palad ko naman ako napatingin. Nang singhutin ko ito ay amoy alcohol pa rin. Ganito rin ang amoy ng kili-kili ko. Binaril kasi ako ng alcohol spray ng lalaking yun.


Ipinilig ko ang aking ulo at tumitig ako sa salamin.


Focus, Adi. Kaya ka nandito ay dahil kakaharapin mo ang "The Terror Director".


Nakareceive ako ng text galing kay Mamala na ipinapatawag daw ako ni Hermes dito sa conference room. Nang moment na mabasa ko ang message niya, tumigil ang aking mundo.


Paniguradong mamawalan na ako ng trabaho dahil inereklamo na ako ni Hermes kay Mamala. Actually, maswerte pa nga kung ganun lang. Paano kung mas malala pa rito ang gustong mangyari The Terror Director na yun? Hindi ko afford mawalan ng kita.


Nabatukan ko ang aking sarili. Bakit ba kasi inutusan ko pa siyang ipagtimpla ako ng kape?


Napabuga ako at nag-boxing sa hangin. Isinuot ko na muli ang aking contact lens na ibinabad ko sa contact solution. Paglabas ko ng comfort room na ito ay dumerecho na ako sa conference room. Napahinto lang ang aking mga paa nang tumapat na ako sa pinto.


Naririnig ko sa likod ng pinto ang malakas na boses ni Hermes. Parang may pinapagalitan siya na kung sino. Kasunod pa nito ang ilang kalabog na para bang may nagdadabog.


Mariin akong napalunok. Mukhang hindi maganda ang mood ni Direk. Lagot.


Napapikit muna ako bago ko kinatok nang mahina ang pinto. Marahas naman na bigla itong bumukas. Bumugad sa akin si Hermes na halatang kagagaling lang sa galit. Hinihingal pa siya habang nakatitig sa akin. Salubong ang makakapal niyang kilay.


The God Has FallenWhere stories live. Discover now